Chapter 26

1.6K 83 23
                                        

Chapter 26

"These flowers are for you."

Napakurap si Naomy nang ibigay ko sa kanya ang tatlong tangkay ng sunflowers na binili ko. I smiled at her, and she smiled back.

"Thank you, Ciela..." Her eyes even twinkled. "Ang ganda-ganda nitong mga bulaklak. Maraming salamat. May okasyon ba?"

Umiling ako. "I just want to give you some flowers. Mahilig ka yata sa bulaklak, nabanggit ni Eli."

"H-Hindi ko alam kung mahilig ako pero... masaya akong mabigyan ng bulaklak. Maraming salamat ulit, Ciela."

"Here's some balloons, too. For Baby Lonzo and for you." At saka ko inabot sa kanya ang yellow balloons na may nakatatak pang "Mommy and baby".

Mas lumawak pa ang mga ngiti ni Naomy. Niyakap niya ang mga binigay ko.

"Thank you, Ciela. Ang ganda-ganda talaga ng mga 'to. Siguro nga, gusto ko ng mga bulaklak at balloons. Lagi akong binibigyan ni Eli ng mga ganito dati kahit walang rason, at laging sumasaya ang pakiramdam ko. Maraming-maraming salamat ulit, Ciela!"

Mas inobserbahan ko si Naomy at napaka-genuine nga ng happiness niya sa munting regalo ko. She's like a little girl as her eyes continued to twinkle. She had a rough childhood, completely opposite with mine.

And still, parehas kaming masayang-masaya mabigyan ng bulaklak at kung ano pang munting regalo.

"I'm glad you liked it, Naomy. Since we're new friends, I thought it's good to give you something."

Napakurap-kurap siya. "Nako, Ciela... W-Wala akong naihanda para sa 'yo. Pero, bukas susubukan kong magbigay—"

"No, it's okay. It's okay!" Umiling ako. "You don't have to give me anything. You're having a vacation here with your little family, just enjoy it." Mas nginitian ko siya at tinuro ang mga kadadating lang na ingredients na binili nga ni Lolo Eloy para sa dinner ngayon.

"Let's start to cook?" I asked her. "May naisip ka bang ihanda?"

Inilapag muna ni Naomy ang mga binigay ko sa kanya sa isang gilid ng kusina. Pagkatapos ay sinilip niya ang mga pinamili. "Ang dami..."

"Yes. Pinakyaw nga yata ni Lolo Eloy ng mga tinda sa grocery store ni Daddy."

"Oh. Right. Nabanggit nga ni Lonzo na pamilya niyo ang nagmamay-ari ng mga grocery at iba pang kainan dito. Nakakatuwa naman."

Hindi ko alam kung mabagal at maingat lang si Naomy kumilos o parehas kaming mahinhin. I think I was just watching her for a whole minute when she lifted up a basket of fresh vegetables.

"Ahm, kung okay lang sa 'yo, Ciela, plano ko sanang magluto ng gulay. Ginataan." May kinuha ulit si Naomy na isang paper bag. Humugot siya ro'n ng naka-garapon na gata. I know it's fresh since the grocery's supplier delivers every morning.

"Naisip kong i-mash ang kalabasa para naman kay Baby Lonzo. At si Lonzo kasi, madalas na gulay ang hinahanap."

"Sure, that's no problem. It can be one of the dishes. I guess, I'll work on the sweet and sour fish." Kumuha rin ako ng isang paper bag at sa mga laman niyon ay puwede akong makabuo ng kasasabi ko lang na ulam. "Then, I can prepare another dish which is cream beef and mushroom."

"Hindi ka ba mapapagod magluto ng dalawang magkaibang putahe, Ciela?" nag-aalalang tanong ni Naomy.

"It's okay, Naomy. I'm a chef, so, sanay naman akong kumilos sa kusina."

DHS #4: Beating LoudlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon