Chapter 29
Bago pa kami tuluyang ma-busy ni Eli para sa papalapit na wedding ceremony, tinawagan ko na agad si Daddy para makipag-usap ulit.
Dapat ko nang marinig nang buo ang side niya. Marami akong gustong itanong at gusto nang maintindihan. And I promised myself to listen with love. Handa na siguro akong marinig mismo kay Daddy kung bakit sa paglipas ng maraming taon, hindi nagbago ang damdamin niya para sa isang babae.
Hearing Eli's confession to me yesterday, that I'm his young heart's very first love, I figured that Daddy might have the same reasons for Tita Leah...
Although my loyalty will always be with Mommy, I will try and do my best to listen to Daddy's heart.
Napagod lang ako at nakapagpahinga na 'ko, kaya't kaya ko na ulit ito. I will understand.
"Hindi mo talaga ako isasama?" Nagpa-puppy eyes na naman sa 'kin si Eli habang karga si Cloudy.
"I don't want to make you wait. And I personally want to talk to Daddy alone without minding the time." Hinalikan ko siya sa pisngi. "Go to Lolo Eloy's mansion na lang. Dalhin mo si Cloudy at baka gusto siyang makita ni Baby Lonzo."
Eli eyed me. "Hmm. Kapag pumunta kami roon, nandoon din si Naomy. Hindi ka magseselos na magkakausap kami?"
I shook my head and sweetly smiled. "Not anymore," I truly mean it. Eli secured me so much yesterday, it will be a sin if I still doubt him.
Eli sighed defeatedly. "Okay. You're such a strong babe."
Tumango ako at pinatakan siya ulit ng halik sa pisngi at pati na sa labi. I also gave a tiny peck of kiss to Cloudy. Pagkadating ng kotseng minamaneho ng driver-bodyguard ko, agad akong sumakay at nagpahatid sa office ni Daddy.
May dala-dala akong lunch box dahil pinagluto ko si Daddy ng lunch. According to him, he'll have a long lunch break. Kaya't natutuwa siyang available raw ako.
Pagdating sa pinaka-malaking grocery store ng Sta. Carmina, pumasok agad ako roon at masayang bumati pabalik sa mga empleyadong binabati ako. I entered a restricted area and climbed-up the stairs. Sa second floor ay ang buong management office kung saan binati ulit ako ng mga empleyadong may kanya-kanyang cubicle at computer.
Nakangiting kumaway ako sa kanila bago ako sinalubong ng sekretarya ni Daddy. At last, I was able to enter his big private office.
"Ciela!" Yakap agad ang sinalubong sa 'kin ni Daddy pagkasara ko pa lang ng pinto. "I'm so glad you can join me again, today."
He let me go but he put his one arm over my shoulders. "Do you still remember this office, hija? You used to bring your toys here and run around here after school. Tapos itong couch na 'to?"
Umupo kami ni Daddy na mahaba at maluwag na visitor's couch ng opisina niya. "Naaalala mo pa ba noong maliit ka? I'm busy working there in my desk," sabay turo ni Daddy sa executive table niya na halos katapat ng couch. "At pagka-angat ko ng tingin, tulog ka na rito. O kaya minsan, tabi pa kayo ng Mommy mo..."
Napakurap-kurap ako. Yes, I remember those happy childhood days.
Kapag masyadong abala si Daddy sa negosyo pupuntahan namin siya ni Mommy. Okay lang kay Daddy na naglalaro ako sa office niya at binabantayan ako ni Mommy.
My eyes surveyed the big office room and it's been a while since I last visited. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na pinuntahan ko si Daddy rito.
"Time flies and now you're married." Kinuha ni Daddy ang lunch box na dala ko at ipinatong sa center table. "Baka mas lalo ko 'tong maramdaman oras na ihahatid na kita sa altar sa Sabado."
