Chapter 12
"Wow!"
"Good morning," nakangiti kong bati kay Eli pagkalabas niya ng kuwarto.
Handa na ang breakfast sa lamesa at iyon ang agad na bumungad sa kanya.
"Good morning, babe!" masiglang bati niya naman pabalik. Nakatingin siya sa mga pagkain habang kumikislap-kislap pa ang mga mata. Ang luwag rin agad ng mga ngiti niya.
Lumapit siya sa lamesa at isa-isang sinuri ang mga pagkain. Mas napangiti rin ako dahil mukha siyang maligayang bata na nakakita ng malaking handaan.
Though, I only prepared some sunny-side up eggs, French toast, caramelized pork strips, vegetable side salad, sliced fruits, and freshly brewed coffee. Hindi ako nagluto ng kahit anong preservative food like hotdog or bacon.
"Have some breakfast before you go to work. I prepared all these for you. Para lang sana makabawi sa abala ko kahapon."
Napaangat ng tingin sa 'kin si Eli. "Thank you, Ciela! Matagal na rin nang huli akong nakapagluto ng sarili kong breakfast. I always just drink coffee here, then eat breakfast in the office."
Tumango ako. "I know. Wala ka nang gaanong time sa morning magluto dahil mag-aasikaso ka pa papuntang work. But here it is. While I'm staying here, you don't have to worry about a healthy breakfast."
Napaupo na si Eli sa lamesa. Hindi na maalis ang mga ngiti niya habang nakatingin sa pagkain. Pinagkiskis niya pa ang mga palad. "Ang suwerte ko naman. Chef pa ang nag-prepare ng breakfast ko!"
Umupo ako katapat niya. "I will try to buy more fresh meat and vegetable later. Pupunta akong grocery. May mall malapit dito, right? Nakita kong nadaanan ng taxi kahapon."
Tumingin sa 'kin si Eli. "Bakit diyan ka nakaupo? Dito ka sa tabi ko." Hinila niya ang upuan sa kanan niya.
Tumayo naman agad ako at lumipat sa tabi niya. Nagsalo na kami sa breakfast. Pero hinayaan kong mas maraming makain si Eli dahil siya ang papasok sa trabaho.
"Is this caramelized pork? Hindi bacon?" Namilog ang mga mata ni Eli at mabilis na sinubo iyon. "Mmm!"
"Yes, I don't prefer preserved meats. Pero baka gusto mo ng bacon kasi mayroon sa fridge. Gumawa na lang ako ng fresher option."
Umakbay ang isa niyang braso sa likod ng upuan ko. Ang isang kamay na lang niya ang ginagamit niya sa pagkain. "Feel free to cook anything you want, Ma'am Chef. Sa 'yo na 'yang kusina ko. Mmm!" Sabay-sabay niyang sinubo ang egg, meat, at vegetable salad.
"Ano ba 'to? Pasilip sa magiging married life natin?"
Napangiti na naman ako. "You like me to cook breakfast for you always, Eli?"
"Oo naman! Pero kapag pagod ka, okay lang hindi. Ako naman magluluto for you. Pag-aaralan ko nga paano mag-caramelized ng pork strips. Marunong ka rin gumawa ng hindi easy-cook na hotdog?"
Tumango ako.
Sa 'kin na umakbay si Eli at pinisil ang balikat ko. "Ang galing mo! Looking forward ako, babe."
Napakagat ako ng tinapay para matakpan kaunti ang ngiti ko. "Pero hindi naman tayo araw-araw na magkasama, remember? I will just transfer sa bahay na pinapagawa mo sa estate niyo. Tapos tuwing weekend lang din kita makikita."
Parang natigilan si Eli. Naaalala niya rin sigurong iyon ang napagkasunduan naming living set-up, para hindi abala sa trabaho niya rito at sa restaurant ko sa Sta. Carmina.
