Chapter 22
"Sinisilip mo ba si Lonzo?"
"Hindi. Si Naomy."
"Salbahe ka." Tinalikuran ko na si Eli.
Tumawa siya at hinapit ako pabalik sa balcony. Nakita ko siya roong tila may sinisilip-silip o tinatanaw sa mansyon nina Lolo Eloy.
"Ganoon ka lang ba magselos? Irapan mo naman ako o kaya sapakin para feel na feel kong possessive ka sa 'kin." Isinandal ako ni Eli sa barandilya na gawa sa marmol at saka itinukod doon ang dalawang kamay niya. I was suddenly trapped between his arms, the marbled railing, and his body.
"I'm not a violent person in a normal day. You know that, Eli. Iiyak lang ako sa banyo mag-isa kapag nagselos ako."
"Joke lang naman, baby! Si Lonzo talaga sinisilip ko. Tumawag kasi siya kahapon, mag-usap na raw kami bukas." Eli's eyes sparked. "Magbabati na yata kami!"
Masaya akong napangiti. Eli is always excited, but right now, he's excited like a small innocent kid. Cute.
"Kukunin mo na ba siyang best man mo kasama ni Mylo?"
"Let's see! Kung kukunin pa rin nila akong ninong ng baby nila."
"Anong ikukuwento mo sa inaanak mo in the future? Once upon a time, na-in love ka sa mommy niya?" I softly teased and giggled.
Tinitigan ako ni Eli habang nakangisi na parang sa aso. "Ilagay kaya kita sa bulsa ko?"
Iniwas ko ang mga labi ko nang tangkang hahalikan niya. "My lipstick's going to smudge, babe. Kailangan ko nang umalis..."
Nagmamadali na dapat ako ngayon. Mommy and I we're going to have the "talk". Dapat kahapon pa pagkatapos sana ng final checking ng mga kailangan sa wedding. Pero nagtagal ako masyado sa pag-aasikaso at pagpapa-alter ng wedding gown ko. Or tinagalan ko? Ewan ko. Basta't natuon lang ang buong araw namin kahapon sa pagpa-finalize ng lahat ng tungkol sa kasal.
Until Mommy reminded me that we really need to have the talk I've been delaying for so long. At saka narinig ko na rin kay Mommy ang frustration na makapag-explain.
I'm still in my honeymoon phase with Eli. Natatakot akong ma-spoil agad 'yon. Pero hindi ko rin maiwasang maawa naman sa Mommy ko. Kaya't hindi na talaga ako makakaiwas pa...
"It's going to be fine."
Napakurap ako at napatingin kay Eli.
He softly smiled at me. "And if not, I'm just here."
Yumapos ako sa leeg niya at napapikit. I let myself absorb just a little bit of positive energy from him.
After that pure minute of cuddle, I kissed his cheek and left.
Imbes na magpahatid pa kay Eli, nagpasundo na lang ako sa kinalakihan kong driver-bodyguard. I want Eli to have his rest day. Sa makalawa, babalik na siya ng Manila at hindi muna ako sasama. I need to go back to the restaurant, and he needs to fix some work problems he left just to be with me here. Isang linggo lang naman kaming magkakalayo, at pagkatapos ay babalik si Eli para sa garden wedding namin.
Ilang beses akong nag-meditate habang nasa backseat ng kotse. Paulit-ulit din akong bumubulong ng quick prayers. Kahit nakakapagod umintindi palagi, I will end up understanding things anyway. Because for me, I have peace of mind at the end of the day.
At kung ang ibang tao'y kinaya kong intindihin, paano pa si Mommy?
Napakurap ako nang hinatid ako ng driver sa bahay ni Mommy noong dalaga pa siya. It was an ancestral house.
