Chapter 14

1.7K 152 43
                                        

Chapter 14

Time does fly when you're having fun. Sa pagkaaliw kong ipagluto at pagsilbihan si Eli, hindi ko namalayan na dumaan na ang dalawang linggo.

Naipasyal din ako sa kung saan-saan ni Eli tuwing weekends kaya lalo tuloy akong nag-enjoy. On my first weekend here, Eli took me to Sky Ranch in Pampanga. Hindi lang kami sumakay sa lahat ng rides, naglaro din si Eli sa mga carnival games. At sa tuwing nananalo siya, may free stuff toy at binibigay niya agad sa 'kin.

Nakapag-uwi yata kami ng tatlong giant teddy bears na iba-iba ang kulay. Pati limang maliit na animal stuff toys. Mayroon pang isa na kamukhang-kamukha ni Cloudy!

I really had fun there. Parang bata na ayokong umuwi kung hindi lang magsasara ang park at bibiyahe pa kami ni Eli pabalik ng Manila.

On the second weekend, Eli took me to Tagaytay. We had bulalo for breakfast. Then, we went to some tourist spots overlooking the famous Taal Volcano. We took a lot of pictures—actually, kinuhanan ako ng maraming larawan ni Eli sa cellphone niya. Tapos, ayaw naman niyang ipasa sa 'kin.

Personal copies niya lang daw iyon. Kinikilig ako pero saan niya naman gagamitin iyon?

Ginagayuma niya yata ako? Kaya ba ang bilis kong na-fall sa kanya?

O marupok lang talaga ako? Hindi ko na alam!

Eli kept me so entertained, I was able to breathe and forget about my family issues for a while. Tama rin siguro ang desisyon kong hindi muna harapin at kausapin si Mommy nang puntahan ako. I don't want to be forced to listen.

Siguradong nakarating kay Eli ang balitang pumunta si Mommy dito, pero wala akong kahit anong narinig from him. I appreciate how he let me be.

He just took care of me and ate all my cooked food with great appetite. For the last two weeks, he made sure I get rested at the same time, not get bored.

Kaya naman 'yong pakiramdam na may sumasakal sa leeg ko ay unti-unting lumuwag. I can now breathe properly. The clouds surrounding my mind were lifted. I can think properly.

I cannot fully say I'm ready to face my mother and hear her side. But at least now, nakaget-over na 'ko sa shock ko. Kaya ko na sigurong... makinig kahit sigurado akong masasaktan ako.

I have to start acting my age and face the problem. Hindi na rin akong puwedeng magtagal masyado dahil may aayusin pa sa kasal namin ni Eli. At gustong-gusto na 'kong pabalikin ng mga empleyado 'ko.

"Sila lang yata 'yung mga empleyado na malungkot kapag wala ang boss," sabi ko kay Eli habang nakikipag-chat ako kina Fatima at Sharon.

Oras-oras nila akong ina-update sa kalagayan ng restaurant ko. May mga photos pa. Pati picture ng pera na kinita ng resto in cash, check, and credit, may picture lahat! Sobrang trustworthy nila kaya siguro hindi ako natakot na iwan sandali ang diner.

"Ganyan din ang staff ko! Nalulungkot sila kapag weekend na. Nami-miss nila ako agad," ngisi ni Eli.

Magkatabi kami sa sofa sa unit. Ang isang braso niya ay nakapatong sa sinasandalan ko. Nakiki-silip din siya sa mga ka-chat ko sa cellphone.

"Sino namang hindi makaka-miss sa 'yo? You're so fun wherever you're placed," komento ko habang nagtitingin pa ng ibang unread chats sa account ko.

"Masaya ka ba kapag kasama ako?" tanong ni Eli.

"Yes, of course!" sagot ko at saka binuksan ang chat ng mga pinsang kong babae.

DHS #4: Beating LoudlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon