Chapter 23

1.6K 131 28
                                        

Chapter 23

That emotional talk with my mother made me realize and understand a lot of things. But it was still sad, and I think my energy was all drained out.

The next day, I found myself still lying on the bed without any intention to do anything productive. Gising na 'ko pero hindi ako kumikilos. Dapat pupunta na 'ko sa restaurant ko ngayon para balikan ang staff ko, pero wala lang ako ganang bumangon.

Kung hindi ko pa naramdaman si Eli sa tabi ko na bumangon na, makakalimutan ko pang may asawa nga pala ako.

I turned my body to face him. "Morning..."

Humihikab pa siya habang nasa ere ang mga braso dahil nag-iinat. His eyes still sleepy. "Good morning." When he looked at me, he gave me a lazy smile and dipped his head down to give me a morning lip kiss.

Tinanggap ko lang ang halik ni Eli pero ramdam kong wala pa rin akong gana. Naramdaman niya siguro agad at hindi na pinalalim ang halik. Bumaba na lang ang mga labi niya sa gilid ng leeg ko.

"Still upset?" He whispered.

"I'm just sad for Mommy although I commend her... selflessness."

Hindi ko pa yata nakukuwentong buo at malinaw kay Eli ang lahat. The moment I got home yesterday, I'm already emotionally drained to explain well. Hindi ko nga alam kung naintindihan niya ba 'ko. I end up crying all night yesterday and he just held me silently until I fell asleep.

"Magkikita ba kayo ulit ngayon?"

Umiling ako. "Magkasama daw sila ni Daddy ngayon..." Pumikit ako at binaon ang mukha ko sa unan.

Mommy is planning to offer the annulment to Daddy as soon as after my garden wedding with Eli. So, she still has less than a month. Gusto ni Mommy na sulitin na lang ang natitirang mga araw na 'yon.

"Hmm. Papasok ka sa resto?" Hinaplos-haplos ni Eli ang buhok ko.

"I'm too sad to function. I'm gonna stay here all day," I answered in a muffled voice, my face still buried on the pillow.

Eli sighed. Bumaba na ang kamay niya sa likod ko, humahaplos-haplos. "Kawawa naman ang baby ko. Hindi na lang muna ako lalabas ngayon. Sasamahan na lang muna kita rito."

Napaangat ako ng ulo at nilingon siya. "But you have a talk with Lonzo."

He gently smiled. "Ika-cancel ko na lang muna. Ayokong iwanan ka sa ganitong kondisyon."

Mabilis akong umiling. Napabangon ako at humarap sa kanya. "Ngayon lang ang pinakamalapit na chance na magkaayos na kayo. Pagbalik mo bukas sa Manila, baka ma-busy ka na. We also have a full schedule next week before the wedding."

Napakamot siya sa pisngi. "Priority naman kita. Maiintindihan naman ni Lonzo 'yon."

Tinuro ko ang labas ng bintana. "Ang lapit lang ng mansyon ni Lolo Eloy. Don't cancel on Lonzo. Itutulog ko lang naman 'tong sadness ko. Kailangan ko lang mag-recharge after the talk with Mommy yesterday."

Tumahol si Cloudy na nasa baba ng kama. Gising na rin pala ito at nakatingala sa 'min.

"Cloudy will be with me. Don't worry, Eli. You can go." Humiga ulit ako, nagtalukbong ng duvet, at saka pumikit.

"I'll prepare breakfast. Let's eat bago ako lumabas at puntahan si Lonzo."

"I'm not hungry."

"I'll leave food then. Please, eat. Babalik agad ako rito pagkatapos naming mag-usap."

Tumango na lang ako at piniling matulog pa. Naalimpungatan lang ako nang marinig kong tumahol si Cloudy dahil nagpapaalam si Eli. I slept some more until I'm fully awakened by my mother's call.

DHS #4: Beating LoudlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon