Chapter 19
Kahit hindi ko sinasadya, nakita ko na naman si Ciela na binibigyan ang crush niya ng pagkain.
Humalukipkip ako at hindi na mapigilang magselos. I just make sure I don't react physically. Wala, eh. Hindi ko na mapigilang nakakaramdam pala ako ng ganito. Akala ko, lagi lang akong masaya basta't masaya si Ciela.
Nanatili lang ako sa puwesto ko at pasimpleng nanood. Hindi nawawala ang mga ngiti ni Ciela habang nakikipag-usap kay Lorcan.
Ito namang Lorcan na 'to, tanggap lang nang tanggap ng mga binibigay ni Ciela! Halata namang sa iba may gusto.
Nang umalis na si Ciela, sinundan ko pa rin ng tingin. Papunta na siya sa parking lot. Siguro ay nandyan na ang sundo niya.
"Umalis na si Ciela," nasambit ko.
"Do you know how many times you can say her name in a day?"
Napabaling ako kay Lonzo. "Ha?"
He looks so bored while reading a book. "Stop being foolish. Kung walang gusto sa 'yo, tigilan mo."
"Hindi ko naman inaasam na magkagusto rin sa 'kin si Ciela. Anong titigilan ko kay Ciela? Kasalanan ko bang hindi ako magkagusto sa iba at kay Ciela lang?"
"You were able to mention her name three times in one speech."
Napakurap ako. Talaga ba? Hindi 'ko napansin! "Just let me be, Elonzo. Minsan lang ako makakilala ng ganyang babae. I get to enjoy high school because of her."
"Stupid."
Hindi ko na lang pinansin si Lonzo. Hindi naman nito naiintindihan ang nararamdaman ko.
At isa pa, choice kong lahat 'to. Kapag nag-college na kami sa Maynila, hindi na 'ko sigurado kung makikita ko pa si Ciela. O kung may makikilala pa 'kong babae na katulad ni Ciela.
"Dito na lang kaya ako mag-college? Mayroon naman sa CIC ng gusto kong degree," napalakas na sabi ko.
Napasulyap sa 'kin si Lonzo, salubong ang mga kilay. "Just because of a girl, you'll give up greater opportunities to study in Manila? That girl doesn't like you. If you stay, how sure are you that she'll stay here in Sta. Carmina, too?"
Napakamot ako sa batok ko. Oo nga naman...
"Kaso pagka-graduate natin next school year, maiiwan pa si Ciela rito."
"Let her be. Mas marami kang makikilala sa college, sabi nina Tito."
Totoo din naman 'yon. Pero parang nalulungkot ako na dadating 'yung araw na hindi ko na makikita si Ciela. At unti-unti ay makakalimutan ko siya dahil may iba na 'kong nagustuhan sa college.
Kaso, ganoon lang daw talaga ang buhay. I couldn't gamble my education for a girl I'm not sure will like me back in the future.
Teka, sandali. Napatuwid ako ng likod. Bakit ba 'ko nag-iisip agad ng wala pa? Wala namang nakakaalam sa future.
Kaya nga't habang nandito ako ngayon, e-enjoy-in ko lang! Hahangaan ko lang si Ciela nang walang kapalit. Dapat gano'n. Aalagaan ko lang siya sa paraan na ako lang ang nakakaalam. Basta!
Dapat in-e-enjoy daw ang pagkabata, hindi agad nakikipag-relasyon. Kaya gusto kong ma-enjoy lang din 'tong nararamdaman ko. At saka, wala pa naman akong sapat na allowance para manligaw at makipag-date. Bawal din naman mag-boyfriend si Ciela.
Babalikan ko na lang si Ciela kapag may trabaho na 'ko at parehas pa kaming single!
Kapag gusto ko pa rin siya at may napatunayan na rin ako sa buhay, magtatapat ako sa kanya! Babakuran ko na talaga.
