Chapter 17

1.3K 100 29
                                        

Chapter 17

"Nakita mo ba 'yung crush ko?"

"No."

Luminga-linga ako sa paligid. "Lonzo, sabihin mo sa 'kin kapag nakita mo si Ciela, ah. Walang task ngayon sa club kaya hindi ko siya makikita."

Tinalikuran ako ni Lonzo, sumipsip sa juice drink, at pinagpatuloy ang pagbabasa ng libro niya tungkol sa business.

Regalo sa kanya 'yon ni Lolo. I don't know how come he finds that interesting. Inantok naman ako nang sinubukan kong basahin 'yon. Sa Table of Contents pa lang, napahikab na 'ko.

Nagpalinga-linga ako ng ulo. Lunch break ngayon at baka makita ko si Ciela rito sa cafeteria. Pero twenty minutes na ang lumipas, wala pa rin.

Hindi ako laging nagkaka-crush. I just don't get attracted that easily to pretty girls, unlike the boys my age.

I have a friendly personality to all genders, especially with girls. So as much as possible, I only view them as a friend and behave accordingly when around them.

When I'm aware a girl has a crush on me, I get extra careful when around them. I'm not snubbing them, of course. Mas pigil lang ang kulit ko para hindi ako maka-mislead.

I have celebrity crushes, though. To get attracted to a non-celebrity and within my reach, like Ciela, is extremely rare.

It's not that I have plans of courting her. My fancy towards her is what I call—a special adoration.

Basta makita ko lang siya o makausap, okay na 'ko. Her presence makes me light and puts an extra joy in my smile.

Isa pa, agad ko ring nalaman na iba ang crush niya rito sa school at okay pa rin ako ro'n. Sino ba naman ako para magselos? Hindi naman kasalanan ni Ciela na siya ang natipuhan ko kahit iba ang tipo niya.

I'm just glad she exists. She's cute and polite. Hindi siya nabibilang sa "popular girls" ng high school. She's not an attention-seeker, either.

She's genuine, humble, and appreciative.

Ewan ko kung may ibang nakakapansin sa ganda niya pero mayro'n siguro. I'm just glad she's the unassuming type of girl.

"Can you just finish your food, Eli? Babalik na 'ko sa classroom," sabi ni Lonzo. Sinara niya ang libro at tumayo na.

Umupo na 'ko nang maayos. "Sige. Dito na lang muna ako." Tinigil ko munang hanapin si Ciela para makakain na 'ko nang maayos. Baka sa uwian mamaya, makita ko siya.

Pag-alis ni Lonzo, agad akong nilapitan ng iba kong kaibigan mula sa ibang section. Naaliw ako sa usapan namin habang kumakain ako.

Kaya't nang mapansin ko si Ciela na dumaan sa gilid ko, huli na! Nakalagpas at nakatalikod na siya!

Napahinto ako saglit. Ahm, tatawagin ko pa ba? Nakakahiya naman kung "Hello" lang naman ang sasabihin ko.

Pero...

"Kuha lang akong juice," paalam ko sa mga kaibigan ko.

"But you still have a whole tetra pack."

"Ibang flavor ang gusto ko pala. He-he!"

Agad akong naglakad. Pero sa kabilang side ako dumaan para makaikot at kunwari ay makakasalubong ko si Ciela.

I'm already smiling but I smiled more when our eyes met.

"Hello, Ciela!" Nakangiting bati ko at tinaas pa ang isa kong kamay para kumaway.

DHS #4: Beating LoudlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon