Epilogue
"May nabanggit sa 'kin sina Mommy at Daddy bago sila umalis for their vacation."
Isang buwan nang matuling lumipas pagkatapos ng renewal of vows nina Mommy at Daddy. Pero kahapon pa lang sila nakaalis para sa "honeymoon" nila.
Eksakto namang kababalik lang namin noong isang araw ni Eli mula sa three-week honeymoon vacation namin sa Europe. We went to Spain, France, Italy, and UK. Pinakamalaking gastos namin ni Eli ay sa pagkain dahil lahat ng sikat na chef na kilala namin na may five-star restaurant sa mga bansang pinuntahan namin, kinainan namin. Nag-enjoy naman kami. Basta't masarap na pagkain pala, wala kaming parehas na pakialam sa gastos.
"Habang sinagot mo ang tawag mula sa opisina niyo, nabanggit ko si Lorcan sa kanila."
Napalingon sa 'kin Eli na naggigisa ng bawang at sibuyas. "Katatapos pa lang ng grand Europe vacation natin, pero pagbalik dito, naisip mo agad si Lorcan?"
I chuckled.
"Don't be jealous, babe! Mommy and Daddy told me something very interesting that you'll love!"
Nagusot-gusot ni Eli ang ilong at saka binalik ang tingin sa ginigisa. "Bakit mo ba kasi nabanggit si Lorcan? Politika ba napag-usapan niyo?" he sarcastically remarked.
I leaned on the island counter while Cloudy keeps rubbing his head on my feet. Tinukod ko ang dalawa kong siko at sinapo ng dalawa kong kamay ang magkabila kong pisngi.
I smiled although he's not looking at me. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayong umaga.
"I just asked them na before, halatang ayaw nila si Lorcan para sa 'kin kahit na hindi sila nagsasalita. Naisip ko, dahil ba Montalvo si Lorcan o kasi anak ni Tita Leah? Pero the latter is only a possible reason for Mommy. Eh, si Daddy na good friends pala with Tita Leah? Why won't he like Tita Leah's son for me, anyway?"
Patuloy lang na nakatalikod at nagluluto si Eli, pero sigurado akong nakikinig siya. My husband is always listening to me.
"Mali pala lahat ng naisip ko. Hindi dahil Montalvo si Lorcan, o kung ano pang ibang possible reason why my parents didn't like Lorcan for me from the beginning."
Lumingon na si Eli. Nahuli ko na ang curiosity niya. "What's the reason then?"
Malambing akong napangiti. "Nakita daw nila agad kung paano tumingin sa 'kin si Lorcan. Halatang-halata raw na hindi ako ganoon ka-gusto o ka-love. Ayaw daw nina Mommy at Daddy na mag-end up ako with a man that you know, looks at me like a friend only.
"Hindi daw nila ako pinalaki at minahal nang mabuti para mag-settle lang ako sa isang relationship na ako lang ang nagmamahal. Dapat din daw love na love ako. That's why Mommy and Daddy are happy na ikaw ang pinakasalan ko. Kahit daw wala pang isang taon. Gustong-gusto ka nila, for me."
Napakurap si Eli. "Because I'm a De Haro... and my reputation is good?"
"I thought so, too." Pero umiling ako at hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko. "Nakita ka na pala nina Mommy before. Noong high school pa lang tayo. Pinaalala lang nila sa 'kin na nadala na pala kita sa house namin together with our other co-members sa TLE Club. We prepared something for a big school event. Ikaw lang 'yong guy na kasama namin to help us daw."
Mabilis na pinatay ni Eli ang kalan. "Hindi ko maalala..."
"Well, it's vague in my memories na rin. Pero para ngang nadala na kita sa bahay many, many years ago."
Pumikit si Eli at inilapat ang dalawa niyang index finger sa magkabila niyang sentido. Parang naghahalukay sa memory box niya. "Okay, wait. I think I can remember that one sports fest that we need to produce more energy bars to sell."
