Chapter 16
ELIZARDO
Many years ago…
He’s the quiet one. While I make all the noise.
He’s reserved, I’m the friendly one.
He acts, I talk a lot.
We were born in the same year but he’s three months older. Dalawang taon pa ang lumipas bago kami nagkaroon ulit ng bagong mga pinsan.
Lonzo and I were the first grandsons of Elonzo “Eloy” De Haro IV—an acknowledged agriculturist, businessman, and philanthropist in the town of Sta. Carmina, Cagayan Valley.
Napaka-contrasting ng personality namin ni Lonzo. Para sa ‘kin, wala kami ni katiting na pagkakapareho.
Siguro sa pisikal, medyo magkahawig kami. Our fathers were brothers, and they could pass as twins when they were still alive.
Tito Joachim (Lonzo’s father) and Daddy looked a lot like Lolo Eloy. Kaya’t kahit malungkot na maagang nawala ang mga magulang ko, parang nakikita ko pa rin si Daddy dahil kay Lolo. Siguro, gano’n din ang nararamdaman ni Lonzo. That’s why we found it easy to be raised by Lolo Eloy.
At nagtatapos na roon ang similarities naming magpinsan.
Kahit sa academics, si Lonzo ang laging top one. Ako, basta nasa passing grade. Pinaghirapan ko naman ‘yon.
I am more active in extracurricular activities, though. Ang “bibo” ko nga raw dahil wala ako lagi sa loob ng classroom. Lagi akong excused for important club meetings and activities.
If I remember it right, during my first year of high school, lima ang clubs na sinalihan ko. Nagagalit si Lonzo sa tuwing nangongopya ako sa kanya ng assignment.
“Bakit inuna mo ang meeting mo sa mga clubs na sinalihan mo?” Salubong ang kilay niya. Normal naman ‘yan kaya hindi ako natatakot. “It’s not my burden that you missed another lesson in History and you can’t do an easy home work.”
Pilit akong sumisilip sa notebook niya. Sinara niya iyon at itinago pa sa likod niya.
Napanguso ako. “Bakit ang damot mo, Lonzo? Hindi tayo pinalaki ni Lolo ng ganyan! Dapat nagbibigayan tayo!” I passionately said. Pero drama lang. Ginagamit ko lang ang natutunan ko sa Acting Club na member ako.
Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. “Hindi rin tayo pinalaking mangopya lang sa pinaghirapan ng iba.”
“Ha! Anong pinaghirapan? You’re so smart, Lonzo! This is uncomplicated for you!” Sinubukan kong pumunta sa likod niya para agawin ang notebook, pero sinuntok niya ‘ko sa braso!
“Ouch!” Hindi na ‘to acting. Kiniskis ko ang kamay ko sa brasong napuruhan. Ang sakit talaga niya manuntok! Kung hindi lang ako sanay…
“Be responsible!” mahina subalit mariin niyang saway sa ‘kin. “Manage your time well. Huwag kang sumali sa mga school clubs kung naaapektuhan ang pag-aaral mo!”
“Gusto ko ang mga ginagawa ko! At saka madami akong kaibigan doon!”
“Anong gagawin mo sa mga kaibigan? Quit the school clubs, focus inside the classroom!”
“Easy for you to say! Wala ka kasing mga kaibigan! Kaya hindi mo nakikita ang importance na magkaroon ng extracurricular activities!” Sikmat ko, kahit na aaminin kong may punto naman siya.
Parang umusok ang ilong ni Lonzo. I think I hit an eye. “Anong gagawin ko sa mga kaibigan? Is it equal to learning and having good grades?” Tumayo siya kaya’t napatayo na rin ako.
