Chapter 18
It was summer. Napakataas ng sikat ng araw.
At kapag bakasyon talaga pinipili nina Tito Henny, Tito E, at Lolo Eloy na utusan kaming magtanim na magpipinsan.
"It's so mainit!" Simangot ni Caly habang naghuhukay ng lupa gamit ang laruang pala. Akala mo, nasa beach kami, eh.
"Tapos na 'kong magtanim!" biglang sigaw ni Cerek. Tumayo na 'to at lumapit kay Caly. Pinaypayan nito ang kapatid gamit ang isang punit na carton box.
Tiningnan ko ang tinanim ni Cerek. Sige, maayos naman. Kaya't pagbibigyan ko 'to.
By partner talaga dapat ang pagtatanim ng puno. Pero dahil may kasalanan yata si Cerek at Calysta sa mga magulang, mag-isa lang dapat silang magtatanim ng kanya-kanyang puno, utos ni Tito Henny.
Mukhang nasiyahan na si Caly na pinaypaypayan ng kuya nito kaya nagsikap na 'tong maghukay pa ng lupa. Maya-maya ay si Cerek na ang nagtatanim na dapat ay si Caly ang gumagawa. Si Caly naman ang nagpapaypay sa kuya nito.
Hay nako 'tong dalawa na 'to.
Napangisi na lang ako at inilayo ang tingin sa kanilang magkapatid. Ang partner ko ay si Mylo. Tatlong taon ang tanda ko rito at laging nakasunod sa 'kin. Idol yata ako, eh.
Pero nakakatuwa ang pinsan kong 'to. Academically "genius", at saka marunong tumawa sa jokes ko.
Parang Lonzo 2.0 si Mylo, pero may halong ako. Medyo palangiti naman at marunong makipag-usap sa tao.
"This is harder than I read in the books," ani Mylo habang tinutulungan akong maghukay.
"Oo. Kaya dapat hindi ka lang nakasubsob sa libro. Expose mo rin sarili mo sa mga ganitong activities. Pagka-graduate mo next year sa grade school, sumali ka sa mga school club sa high school," nakangiti kong pag-e-encourage kay Mylo.
Lonzo and I will be in third-year high school after this summer break. Cerek and Ras will be in first year high, while Mylo in grade six. Sina Caly at Marvee, nasa grade one na parehas.
"Bakit habang palaki tayo nang palaki, pahirap nang pahirap ang pinatatanim sa 'tin?" ani Ras na nasa kalagitnaan ng pagka-curious at iritasyon ang tono. Si Marvee ang ka-partner nito sa pagtatanim.
"But it's fun, Kuya Moe!" masayang sabi ni Marvee. "We should plant a tree so we can breathe fresh air!"
"Ganyan nga! Very good, Marvee!" puri ko. "Ganyan dapat tayo ka-thankful na may privilege tayong magtanim ng puno para makakadagdag sa sariwang hangin!"
"It's mainit!" singit ni Caly. "Can we just plant trees when it's not mainit? Why now?"
"Kaya mainit kasi wala masyadong trees," sagot ni Marvee. "Kaya dapat, magtatanim tayo nang marami."
"But it's mainit now! My skin is burning!"
"Caly, why are you selfish? All you think about is yourself," sabi ni Mylo.
Napalabi si Caly at kumapit kay Cerek.
"Alangan namang puno pa ang isipin ni Calysta, eh, naiinitan na nga siya," ani Cerek na parang manghahamon ng away.
Napasimangot si Mylo at hindi na umimik. Naghukay na lang.
Napatayo si Ras. "Hoy, Eugenio Cerek De Haro! Huwag mong inaaway ang kapatid ko, ah."
Tumayo na rin si Cerek. "Huwag niya ring sinasabihan ang kapatid ko na selfish. Masama bang umangal na mainit? Eh, mainit naman talaga?!"
"Sinisigawan mo ba 'ko?!"
