Nagising ako sa liwanag na tumama sa mukha ko.
Anong oras na ba? Ba't parang tirik na tirik na yung araw? Napaikot nalang ako sa kama ko para naman hindi na ako masilaw, pero nagtaka na rin ako kasi parang ang dulas ng kobre-kama ko.
Mamaya ko nalang asikasuhin, masyado pa akong inaantok. Habang nag ikot ako sa kama ko, hinanap ng kamay ko yung ibang unan na pwede kong yakapin para makabalik na ako sa mahimbing kong tulog.
Kaso nung ginawa ko 'yon, napadpad yung kamay ko sa isang bagay na hindi ko maintindihan.
Ano 'to? Malambot, pero matigas..?
Hindi ko na napigilang idilat yung mata ko at agad na nanlaki yung mata ko sa nakita ko.
Braso.
BRASO NG LALAKI!?
Napaupo ako kaagad sa hinihigaan ko at nakita ko na yung kinalalagyan ko. May tatlong lalaki na nakahiga sa pagkalaki laki kong kama. Hindi lang 'yon. May lalaki rin akong nakitang natutulog sa upuan at meron din sa sofa.
Para akong nasusuka sa amoy ng alak sa buong kwarto at hindi ko alam kung ano yung gagawin ko.
Nasaan ako?
HINDI ITO YUNG BAHAY KO!?
COMING SOON
ALL RIGHTS RESERVED
AUGUST 2022
BINABASA MO ANG
Live as a Villainess
FantasyAshina Aelis Eusebia is a daughter of a duke. She lived her life as the richest duke's daughter lavishly, arrogantly, and shamelessly. And it was her destiny to die at the hands of the crown prince for the attempted assassination of his fiancee. As...