NICO
Iniabot ko ang bayad sa driver at dumiretso na ako palabas. I was about to enter the building when I suddenly remembered something.
Napahinto ako, and for a moment, I let my mind wander back to what happened earlier.
I carried her in a bridal style. Mula sa kotse papuntang airplane.
That's so not me.
I could’ve just waited for her to wake up, di ba? Pero instead, I found myself doing things na hindi ko naman usually ginagawa.
Hindi naman ako ganito, ang dami kong ginawa na out of character.
Pumasok ako sa elevator, at habang pataas ito, hindi ko maiwasang mag-isip.
I told myself not to get attached, na hindi ko dapat hayaang mangyari ulit ang nangyari dati.
But here I am, allowing her to slip through the walls I’ve built for so long.
What am I doing?
Bumuntong-hininga ako at sinubukang kalmahin ang naguguluhan kong isip.
I can't let this happen again. I won't let it happen.
But I’m letting her in, aren’t I?
I’m letting her get close, and that scares me more than I’d like to admit.
Napailing ako, pilit na itinataboy ang mga ganitong kaisipan. I shrugged off my thoughts, sakto namang tumunog ang elevator at bumukas na ang pinto.
Lumabas ako ng elevator, pilit na binabalik ang poker face ko. Hindi ako pwedeng magpaapekto.
Hindi ko pwedeng hayaang mahulog ako.
Kaya ko naman siguro no?
Yes kaya ko, I just want to protect her yun lang.
At least, yun ang ipipilit kong paniwalaan.
Kinuha ko ang key card at binuksan ang pinto ng condo. Hindi ko pa man naisasara ang pinto, napakunot agad ang noo ko nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa kitchen.
As soon as my feet touched the kitchen floor, I saw her—nakatalikod siya kaya hindi niya agad ako napansin. Sa gilid naman, nandoon si Gwen.
"H-hi, N-nico" bati ni Gwen, pero naroon sa boses niya ang kaba.
Alam niyang may tensyon sa pagitan namin ng babaeng kaharap niya.
Dahan-dahang humarap siya sa akin, at pagkakita ko sa kanya, ay nagsimula ng kumulo ang dugo ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya, may diin sa bawat salita.
"Hey, that's how you welcome me here?" natatawa niyang sagot, na parang wala lang ang pagsusungit ko.
"You didn't answer my question" mariing sagot ko, kasabay ng pagtikom ng mga kamao ko.
Palalapatin ko talaga 'to sa mukha niya.
Napansin ni Gwen yun kaya mabilis siyang lumapit sa akin. "Hindi mo ba na-receive text ko sayo?" bulong niya, halatang kinakabahan.
"Lowbat phone ko" sagot ko pero hindi inalis ang mga mata ko sa babaeng pula ang buhok.
"Ba't ka ba nandito?" matalim na tingin ang binigay ko sa kanya– kay Mikha.
"Because I'm the new guitarist? Kaya I'm allowed to come here?" sagot niya, parang nagmamalaki pa.
YOU ARE READING
GETTING TO KNOW MS. ANGER | MaColet
FanfictionHAVEN'S ZQUAD SERIES #1 on-going When a happy-go-lucky stranger meets Ms. Anger on a bar balcony. What starts as a casual conversation quickly turns into an unexpected connection. As they talk, she's determined to break down her walls and get to kn...