27 SAVED

1K 60 4
                                    

YVES

"Sino yung tumawag?" agad na tanong ni Maki, nakakunot ang noo habang bumalik ako sa pwesto niya.

Ramdam ko ang matalim na tingin niya, sinusuri ang bawat galaw ko.

"Sila Ate Aiah lang, papunta na daw sila sa meeting place namin." pagsisinungaling ko, pilit na iniiwasan ang titig niya.

Halos hindi ko na magawang tumingin nang diretso sa mga mata niya na tila alam na may itinatago ako.

"Bawal ba talaga akong sumama sa inyo?" he asked for the nth time, pero this time, mas mabigat ang tono, parang nagbabanta.

"Bawal. Girls night out nga, diba?" nauubusan na ako ng pasensya, pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko na maging defensive.

Kainis.

"Paano pag hinanap ka ni Tito sa akin?" tumitig pa siya sa akin.

Napaikot na lang ang mga mata ko, trying to keep it cool kahit na parang sasabog na ang dibdib ko.

Ang daming tanong.

"Tell him na may gala kami nila Ate Aiah." mabilis kong sagot, umaasang tatapusin na nito ang usapan.

"How about me?" Maki asked, and before I could react, he reached out and held my hand.

Bahala ka sa buhay mo.

"Edi umuwi ka na." mapait na sagot ko, pilit tinatanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Pero imbis na bumitaw, mas hinigpitan niya ito.

"Maki, ano ba bitawan mo ako, nasa public place tayo." paalala ko at lumingon sa paligid.

"So what? Normal lang naman mag-holding hands ang mag-fiancee, diba?" He leaned closer, his voice low but dangerous, isang bulong na nagpataas ng balahibo ko.

"Baka nakakalimutan mo, never ako umagree sa kabaliwan n'yong yan" madiin kong sabi, pero halata ang kaba sa boses ko.

"At baka nakakalimutan mo rin.. na madami kayong utang na loob sa amin. Sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal ka sakin." Maki's voice was laced with a dark warning, a reminder of the chains I was trying to break free from.

"Baliw ka." I muttered under my breath, but the smirk on his face only grew wider.

"Do you wanna know kung anong kabaliwan pa ang kaya kong gawin? Hmm?" Maki's voice was soft, almost teasing, but the threat behind it was clear.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya, pilit na nagtuon ng pansin sa kamay niyang hawak pa rin ako nang mahigpit.

Where are you, Uyab? I silently prayed.

Maki smirked, leaning in closer. "Kaya kitang halikan dito, pag hindi ka pa tumigil." he threatened, his breath hot against my ear.

Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtigil ko at tumingin sa kanya, my eyes widening at his audacity.

"Subukan mo lang, kung gusto mong umuwi sa inyo na may pasa sa mukha." isang malamig na boses ang biglang umalingawngaw mula sa likod namin.

Dahil nasa sulok kami ng arcade, kaya hindi namin napansin ang paglapit niya.

It was Uyab, and her face was as dark as a storm.

Nakita ko ang seryosong ekspresyon niya, pero hindi ko maiwasan na mapangiti.

Nandito na siya.

Ramdam ko ang pagluwag ng pagkakapit ni Maki sa kamay ko, giving me just enough time to pull away.

I stepped back, taking a deep breath as I moved closer to Uyab, seeking the safety of her presence.

Nagtago ako sa likod niya.

GETTING TO KNOW MS. ANGER | MaColet Where stories live. Discover now