27.5 DISAPPOINTED

1K 62 7
                                    

"What's your plan then?" tanong ni Uyab, habang nakatingin sa akin ng diretso.

"I don't know." mahina kong sagot, kasabay ng isang malalim na buntong-hininga.

Isa lang ang sigurado ako hindi matutuloy ang kasal na 'yon. Hindi ko kaya. Hindi dapat.

Uyab didn't say anything at first. Parang hinihintay lang niya akong ituloy ang iniisip ko.

"How about you? May plano ka ba... sakin?" napakagat labi ako right after ko 'yun masabi, realizing how wrong that came out.

"Ano?"

Napatawa ako nang konti, though it was more of a nervous laugh. "I mean... may naiisip ka bang plan na gagawin ko?"

Naramdaman kong nag-init bigla ang pisngi ko sa hiya.

Nakakahiya ka Maloi.

"Wala, I'll just support whatever decision you make."

Hindi pa rin niya tinatanggal ang tingin sa akin, na para bang binabasa niya ang iniisip ko.

Napalunok ako bago sumagot. "Alam ko namang hindi ka tatanggap ng thank you, pero... thank you pa rin. Nilayo mo ako sa lalaking 'yun."

She leaned back, her arms crossing over her chest.

She looked at me for a moment, then gave that smile. "Just like I told you before. Call me or text me if you need a kakampi. This time hindi na ako malalate."

Tang!na, hindi ko na talaga kaya 'to.

Hulog na hulog na ako sa taong 'to.

Alam na alam niya kung paano ako kunin.

Bakit hindi mo na lang kaya ako pakasalan para matapos na 'tong problema ko?

Napapailing ako sa sarili kong utak, natatawa kahit hindi dapat. Nakukuha ko pang magbiro sa ganitong sitwasyon.

"Nandito na po kayo, mga ma'am." the Grab driver announced, interrupting my swirling thoughts.

Napatingin ako sa bintana, realizing we had arrived.

"Ako na, uyab!" agad kong pigil sa kanyang kamay para magbayad.

Nilingon niya ako, kunot-noo na may halong pagtataka.

"Manong, may swipe card ka ba? Wala kasi akong cash, credit card lang po dala ko." tanong ko kay manong at pilit na ngumiti.

May nasakyan kami once ng girls na pina-scan lang ang bayad. Sana naman meron din si manong.

Napakamot si manong ng ulo, tila naguguluhan sa tanong ko. "Ay, ma'am wala po ako non, cash lang po talaga tinatanggap ko. Pasensya na po."

Bigla akong napatingin kay Uyab, feeling her eyes on me. Narinig ko pa ang mahina at pigil na tawa niya sa tabi ko.

"Take this, manong." sabi ni Uyab habang inaabot na kay manong yung cash.

Pagkalabas ng sasakyan, napabuntong-hininga ako. Nakakahiya.

'Next time, talaga magdadala na ako ng cash' bulong ko sa sarili habang nakasimangot.

Napatingin ako kay Uyab na tahimik lang at may maliit na ngiti pa rin sa labi habang pababa.

Papasok na kami sa isang Italian resto, dahil dito gustong maglunch ni Ate Aiah. Lagi naman siyang may alam na mga bagong lugar, lalo na kung may mga bagong menu or special offers na worth trying. Kaka-text lang niya sa gc na nandito na siya, as expected, maaga nanaman.

GETTING TO KNOW MS. ANGER | MaColet Where stories live. Discover now