YVES
"Akala ko ba bida ang saya dito, pero bakit may nakasimangot?" parinig ni Stacey, habang pabirong bumaling ang tingin niya sa direksyon ko.
Napataas ang kilay ko at agad siyang sinamaan ng tingin, pero hindi naman siya natinag—mas lalo pa niyang tinawanan yung reaksyon ko.
Muling binalik ko ang tingin ko kay Uyab at Ate Aiah na nasa counter pa, kita ko kung paano tumingin si Uyab habang inaabot kay Ate Aiah ang isang tray.
"Parang nag-iiba na ang amoy dito sa Jollibee." biglang singit ni Sheena, na may halong biro sa boses niya.
"Ha? Ano'ng amoy?" tanong ni Stacey, kunot-noo at curious kunwari, pero halatang may alam na siya sa binabalak ni Sheena.
"Amoy jalosi." sagot ni Sheena, sabay tingin sa direksyon ko at sinundan pa nila ng mapang-asar na tawa.
Pagbalik nina Uyab at Ate Aiah, dala-dala ang mga tray ng pagkain, sinubukan kong ibaling ulit ang focus ko. Inilapag nila ang mga tray sa mesa, isa-isa.
Napapikit ako ng konti at huminga ng malalim, pilit na 'di pinapansin yung nararamdaman ko.
Ano bang problema ko?
Wala naman akong karapatan mag-selos, diba?
Pero bakit ganito...
Narinig ko pa ang mga mapang-asar na tawa nila Stacey at Sheena pero sinawalang bahala ko na lang.
Tahimik kaming lahat na kumakain nang biglang magtanong itong katabi ko.
"Where's the tissue?"
Napansin ko ang tissue na nasa gilid ng burger ko kaya mabilis ko itong kinuha at inabot sa kanya.
"Here, Uyab." sabi ko sabay alok.
"Here, Nico." halos kasabay na sabi ni Ate Aiah, na nag-abot din ng tissue.
Nagkatinginan pa kami ni Ate Aiah—yung klase ng tingin na alam mong awkward. Napako pa ako sa mata niya. Akma ko na sanang babawiin yung kamay ko, kaso bago ko pa magawa, kinuha na ni Uyab ang tissue… parehong tissue mula sa amin ni Ate Aiah.
"Thanks." sabi niya, sabay balik sa pagkain na parang walang nangyari.
Sinubukan kong umiwas ng tingin kay Ate Aiah, pero naunahan niya ako ng tanong.
"Uyab? Is that right what I hear?" she asked raising an eyebrow.
Naramdaman ko ang mga mata nilang lahat na bumaling sa akin.
Napakapit ako ng mahigpit sa tinidor na hawak ko. I forgot na Cebuana si Ate Aiah, and of course, alam niya ang ibig sabihin niyon.
"Anong meaning, Ate Aiah?" Sheena asked, obviously curious.
Lumapad ang ngiti ni Ate Aiah, at alam ko na kung ano ang kasunod—ang mga mata niya ay nagbigay ng hudyat na mang-aasar siya.
"Why don't you ask Loi? Instead of me." pang-aasar niyang sagot.
"Ate Loi?"
Napabuntong-hininga ako at magpapaliwanag na sana nang biglang sumingit si Jho.
"Jowa or girlfriend." sabi niya habang pinapakita pa ang phone na may search result.
"Timbog!" natatawang sabi ni Stacey.
"Duda talaga ako sa friends na yan." dagdag pa ni Sheena.
I heard the soft chuckle mula kay Uyab, and that made me turn to her.
Okay lang sa kanya?
I just shrugged my shoulders at itinuloy ang pagkain.
YOU ARE READING
GETTING TO KNOW MS. ANGER | MaColet
FanfictionHAVEN'S ZQUAD SERIES #1 on-going When a happy-go-lucky stranger meets Ms. Anger on a bar balcony. What starts as a casual conversation quickly turns into an unexpected connection. As they talk, she's determined to break down her walls and get to kn...