34.5 GIRLFRIEND

1.2K 67 12
                                    


We entered another house, this one much larger, though it was clearly old—yung tipong maraming taon na ang lumipas simula nung huling inayos, pero sa kabila ng mga pekas ng panahon, ramdam mo pa rin ang sigla at init ng tahanan.

After three quick knocks, the door creaked open at sumalubong sa amin ang isang babae na sa tingin ko ay ka-edad rin namin. Maaliwalas ang mukha niya, pero nang makita niya si Uyab, biglang nag-iba ang timpla ng mga mata niya—parang nagliwanag, as if she's been waiting for this moment.

"Nico? Bumalik ka." the girl at the door said, sabay yakap kay Uyab nang walang pag-aalinlangan.

I rolled my eyes.

Kitang-kita ko ang closeness nila—masyadong close.

Parang gusto kong manabunot ngayon.

After the hug, the girl finally turned her attention to me, her eyes scanning me from head to toe like I was some kind of foreign object.

"Hindi si Shawn ang kasama mo?" tanong niya, halata sa boses niya ang pagtataka.

Umiling si Uyab at saka siya lumingon sa akin. In one swift motion, reached for my hand, intertwining our fingers. Ibinaba ko ang tingin ko sa magkasiklop naming mga kamay, at sa gilid ng mata ko, nakita ko rin ang pagsunod ng mata ni Angela sa bawat galaw ng mga daliri naming magkasama.

"I'm with my girlfriend." mahinang sabi ni Uyab, pero sapat para marinig namin. "This is Maloi."

Parang bumagal ang lahat sa paligid ko. Nabingi ata ako sandali.

Did I hear that right? Girlfriend? Me?

The word echoing in my head over and over again as if time had slowed down. For a moment, I couldn’t breathe. I couldn’t think. The girl, blinked in surprise clearly taken aback.

"G-girlfriend?" halata ang pagka-shock at pait sa boses niya, even though she tried to cover it with a forced smile. "Wow, congrats, Nico."

"She's Angela, friend namin ni Shawn at mother niya ang may ari netong boarding house."

She's a friend.

A smirk tugging at the corners of my lips.

"Nice to meet you, Angela."

I extended my hand for a hand shake. Napaismid siya bago niya kinuha ang kamay ko at pasimple pa siyang umirap.

"Is the other room available?" tanong niya habang naglalakad kami papasok ng living room.

"Yeah, kaso isang room na lang ang available." sagot ni Angela, na biglaang nagbago ang boses. Kanina, masigla siya, pero ngayon parang pinagsakluban siya ng langit at lupa. "Madami kaming borders ngayon."

"Is it okay with you?" Uyab asked me.

I nod.

Tinatanong pa ba yan?

"M'kay, we’ll take it. Which room?" Uyab asked, as if the girl’s sudden change in mood didn’t affect her.

"Nasa pinakadulo." sagot ni Angela, tila nawalan na ng gana.

Tahimik na sumunod kami kay Angela habang pinapakita niya ang daan patungo sa kwarto. 

Before we could head to the room, Uyab called out to her again. “Gela?”

Angela turned, visibly forcing a smile. “Yes?”

"Nandito pa ba yung mga damit na naiwan namin ni Shawn?"

"Nandito pa. Dalhin ko na lang sa room niyo." sagot ni Angela habang dumeretso na siya sa isa sa mga kwarto sa gilid.

——

GETTING TO KNOW MS. ANGER | MaColet Where stories live. Discover now