THE PAST II ⚠️

1.2K 55 13
                                    

TRIGGER WARNING:
suicidal thoughts/attempts

———

"Cols, bakit basang-basa ka?" agad na tanong ni Shawn nang makita niya akong pumasok sa apartment. Halata ang pag-aalala sa kanyang boses, habang lumalapit sa akin his eyes scanning me like I was broken—because I was.

I couldn’t answer. I didn’t know how to explain the ache tearing me apart inside.

Hindi ko na napigilan. I hugged him tightly, hindi na alintana na mababasa ang damit niya sa dami ng ulan na tumama sa akin. Pero hindi siya nagreklamo, bagkus ay yinakap niya ako pabalik nang mas mahigpit.

"S-she... she broke up with me, Shawn." sumbong ko sa kanya habang humihikbi.

Hinagod ni Shawn ang likod ko, wala siyang sinabing kahit ano.

Pagkatapos ng ilang sandali, bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Dave na kakarating lang. "Ano nangyari sa 'yo, Colet?" tanong niya, bakas sa mukha ang pagka-gulat habang tinitignan niya ang kalagayan ko.

Dahan-dahan akong bumitaw kay Shawn, wiping at my tear-streaked face, though the effort was pointless with how soaked I already was. “Gusto ko nang umuwi sa Bohol, Kuya Dave.” basag na ang boses ko, hindi ko na kayang pigilan ang mga luhang patuloy na bumabagsak.

“Ayoko na dito. I don’t want to be here anymore...”

——

Two weeks passed pero parang araw-araw akong nagigising para maalala ang sakit na iniwan ko sa Maynila. Parang wala namang nagbago, kahit na anong gawin ko.

I thought leaving would be the answer. I thought if I ran far enough, maybe, I could leave the hurt behind too.

But how do you escape something that lives inside you? How do you forget when every corner of this house whispers her name, when every breath feels like it's filled with the memory of her?

I fucking hate myself.

Parang lahat na lang sa buhay ko, iniwan ako. Lahat na lang, umaalis.

Tumitig ako sa paligid ng bahay malaki nga, magara, pero bakit parang walang saysay? Ano ang silbi ng malaking bahay if you’re the only one living in it?

Napatingin ako sa larawan na nakapatong sa side table sa sala.

Ang init ng mga mata ko, ramdam ko na bubuhos na naman ang mga luha ko anumang oras. Hinaplos ko ang frame bago ko ito kinuha.

It's me and mama.

She died when I was just 8 years old. After that, it was Nanang who took over. She gave me everything she had, but still… something was always missing.

"I was weak, Ma... I didn’t save you that night." bulong ko habang hawak ang frame. "Kung alam mo lang kung ilang beses kong hiniling na sana ako na lang ang nawala." Tumingala ako, pilit pinipigilan ang hikbi ko.

"I can’t live like this anymore, Ma... Wala na akong kakampi, kasi iniwan na rin ako ni Chie. Iniwan na niya ako."

I gently placed the frame back on the table, my hands shaking as I did.

Parang nakikiisa ang kalangitan sa nararamdaman ko pati ang ulan, nakikiramay.

I walked outside, the cold air biting at my skin.

Nakita ko ang patak ng ulan na bumabagsak sa swimming pool, bumubuo ng maliliit na alon sa tubig.

I stepped toward the pool at tumingin sa sarili kong repleksyon sa tubig.

GETTING TO KNOW MS. ANGER | MaColet Where stories live. Discover now