23 SOFT HOURS

1.1K 66 8
                                    

YVES

After ko magbreakdown ay dumiretso ako sa CR para mag-half bath, hoping na kahit papaano'y maibsan ang bigat sa dibdib ko.

Habang binabasa ang aking mukha, pinipilit kong tanggalin ang mga alalahanin na bumabagabag sa akin.

Matapos magbihis, nakita ko pa yung suot ko kanina.

Naalala ko agad ang lahat ng nangyari sa Bohol- yung mga sandaling tahimik lang kaming magkasama, at yung mga oras na parang kami lang ang nasa mundo.

Muli kong naramdaman ang lambot ng kamay niyang nakahawak sa akin, at ang mga mata niyang hindi ko mabasa.

I miss her.

Papunta na sana ako sa kama para magpahinga, when I heard a soft knock on the door.

Nagdalawang isip pa ako kung bubuksan ko o hahayaan ko na lang, pero sa huli, I decided to face whoever it was.

Pagbukas ko, nakita ko ang isa sa mga maid namin, may hawak na isang bagay na pamilyar sa akin.

"Pinapabigay po ng mommy nyo, nahulog niyo daw po ito sa garden" malumanay niyang sabi habang iniaabot sa akin ang aking cellphone.

I muttered a quick thank you, and she left without another word.

Nang makabawi, dahan-dahan akong lumapit sa kama at naupo sa gilid nito.

Pagbukas ko ng phone ko, nakita ko ang dami ng missed calls at messages, pero imbes na isa-isahin iyon, may bigla akong naalala.

Mabilis kong kinuha ang papel na iniabot kanina sa akin ni uyab at sinimulan itong i-save sa contacts ko. Habang tine-type ko ang number, napangiti ako at naisipang palitan ang contact name niya.

So, I started typing a message, trying to keep it casual kahit ang totoo, may konting excitement akong nararamdaman.

TO: Uyab🖤
Uyab, are you still up?
Nakauwi na ako, safe and sound 😄
Hbu?

I was about to leave the conversation, pero bigla kong napansin ang tatlong dots sa screen, indicating na magrereply siya.

FROM: Uyab🖤
Just got home.

Napangiti ako. Kahit sa text, ramdam mo pa rin ang pagiging cold niya.

Matutulog ka na ba? or may gagawin ka pa?

Ilang segundo lang ang lumipas bago siya sumagot.

Nagpapaantok pa lang, why?

Napangiti ako. Sakto!

Can i call? pleaseeeee

I need someone to talk to.

Don't you dare na mag-no, iiyak ako dito, tamo

Natawa ako sa text ko. As if naman na papayag siya, pero sige lang, I sent it anyway.

Do you think I have a choice?

Hindi ko na napigilang ngumiti. Tama naman naiisip ko diba?

Is it a yes?

Bilis, bago pa magbago ang isip ko.

Pagkakita ko sa reply niya, halos madulas pa ang daliri ko sa pagmamadali na pindutin ang call icon.

Baka kasi talagang magbago ang isip niya! At wala pang ilang segundo, sinagot niya agad. The sound of her voice instantly filled the room, sending a wave of comfort and excitement through me.

GETTING TO KNOW MS. ANGER | MaColet Where stories live. Discover now