Feelings
"Siraulo ka talaga, Ferrera!" Naiiling na reklamo ni Rael matapos kaming lubayan no'ng babae. Kakabahan na sana ako pero ngayong nakikitang hindi naman naging big deal sa kanya ang mga sinabi ko, kahit papaano ay nakahinga naman ako ng maluwag. "Dinamay mo pa talaga ako?" he accused me, a small smile was drawing on his lips despite the frown on his brows.
I smirked playfully, covering the remnants of my shamelessness a while ago. "But it's effective, right?"
He scoffed at that. Napanguso naman ako at kaagad na ibinaling sa ibang bagay ang tingin. Effective 'yon, Rael. Nilayasan nga kaagad tayo no'ng babae, e. Natakot yata sa'yo.
Tumikhim siya dahilan para muli akong mapatingin sa kanya.
"Oh, ano? May naisip ka na bang regalo?" he suddenly asked in a much calmer tone. Completely changing the topic. Mas lalo akong napanatag dahil doon. Tangina. Ano kayang gagawin ko kung nagalit siya? O na-weirdohan bigla sa akin? Tapos hindi na ako kinausap?
I shook my head, slightly feeling how the relief slowly consumed me. "Wala pa..."
"Ano ba 'yan..." Reklamo niya at napakamot sa batok.
Napatingin ako sa dala niyang brown na paper bag. Medyo may kalakihan iyon. Ilang libro kaya binili niya? Buong series ba? Ang galante niya naman yata?
"What?" he sneered at me.
"Binili mo buong series?" I curiously asked. Kinuha ko iyon sa kanya para tingnan at hinayaan niya naman ako. Sinilip ko ang laman ng paper bag at nakita ang laman niyon.
"The series consists of seven books. I only bought three books. 'Yang iba, coloring materials. Binili ko para kay Reena. I noticed that she's been into art these past few weeks."
I nodded at that. "For painting?"
Ano ba 'yan. Naalala ko na naman tuloy 'yong tsismis sa akin ni Reena.
Umiling siya. "Just a set of nice color pencils. Nakita ko lang malapit sa counter. Dinagdagan ko na rin ng isa pang sketch book."
"Bait naman..." Asar ko sa kanya.
"I told you. Your mom is paying me a good amount." He shot back with such arrogance I almost rolled my eyes.
Well, if that's the case then I might need to thank my mom for it some other time.
Ngumiti ako at hindi na ibinalik pa sa kanya ang paper bag. Ako na ang nagdala noon habang naghahanap kami ng pwedi kong ibigay bilang regalo kay Jen. He tried to snatch it from me but immediately stopped after his first failed attempt.
"Bahala ka, mabigat 'yan." Pananakot niya.
Alam ko, Rael. Kaya nga hindi ko na ibinalik sa 'yo, e. Kasi ako na magdadala. Kasi nga mabigat.
We roamed around the mall for almost two hours before I decided what gift I should buy. May nadaanan kasi kaming isang sikat na brand ng sapatos kaya niyaya ko na siyang pumasok. Kanina pa ako nangangalay kalalakad kaya minabuti kong bumili na ngayon dito at nang makakain pa kami ng lunch bago bumiyahe pauwi.
"Do you know her shoe size?" Tanong ko habang tumitingin kami sa mga bagong labas na model ng Samba.
"You don't?" Balik niya na ikinasimangot ko.
"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Asik ko naman.
He gave me a wry smile. Pumikit ako saglit para alalahanin ang sukat ng school shoes ni Jen pero napadilat rin kaagad nang magsalita siya.
"Size seven," he revealed confidently.
I tilted my head. "Paano mo nalaman?"
Ang tahimik na attendant at palipat-lipat sa aming dalawa ang tingin, takot na gumawa ng kahit anong ingay. I suddenly wanted to smile when a thought crossed my mind. What is it? Do we look like in some sort of love quarrel?
BINABASA MO ANG
Double Take
RomanceEverything started when the notorious troublemaker Benj Ferrera came back to school after months of being hospitalized due to a car accident and met his number one hater, Rael Villarin, who had been hired by his mother to be his tutor for the school...