Picture
Malapit lang ang clinic doon kaya hindi na rin ako nahirapan pa. Now I realized that she must be heading towards it but collapsed along the way. Mabuti na lang at may nakakita sa kanya at kung wala ay baka pinagpiyestahan na siya ng langgam doon.
"Kaklase mo?" Tanong sa akin ng nurse na nandoon. Bago pa man ako makailing ay may iniabot na itong form sa akin at isang ballpen. I was confused but I had no choice but to accept it. "Pakifill-up-an na lang ng details about sa kanya..."
Tumango ako at lumapit na sa bakanteng mesa para magsulat. I did it hastily. Ang nilagay ko lang ay 'yong mga alam ko. Pangalan. Sex. Petsa ngayon. Ni hindi nga ako sure kung Gabbi lang pangalan niya. Hindi ko na kasalanan kung mali. Itong nurse kasi masyadong desisyon, hindi man lang ako hinayaang magsalita.
Napalingon ako nang marinig ang nurse na kinakausap si Gabbi. Mukhang nagkamalay na ito ulit. I sighed and proceeded to fill out the form. Nang matapos ay lumapit na ako para ibigay iyon sa nurse.
"Eto na po..."
Gabbi weakly glanced at me but I maintained my poker face. Tinanggap iyon ng nurse. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas ay makakaalis na ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nagsalita na.
"Aalis na po ako. Hinatid ko lang po siya rito. Kung kailangan, pwedi kong sabihan ang kapatid niya na puntahan siya rito." My words are directed to the nurse even though I can feel that Gabbi is looking at me.
I'm not naive. I know that she likes me. But this is the best thing to do. To ignore her and to not entertain her anymore. I'm in a relationship and I treasure it so much, I won't do anything to mess it up. I don't like her and I don't want her to hope. Kung may ibang tao lang doon kanina na pweding magdala sa kanya rito ay hinding-hindi ako mag-aabalang buhatin siya dahil baka bigyan niya ng kahulugan kahit ang simpleng pagtulong ko.
"A-Absent si Kuya Franco..." she croaked shyly.
"Alis na po ako." Ulit ko sa nurse pero bago pa man ako makahakbang palayo ay hinawakan na ako ni Gabbi. Namilog ang mga mata ko sa gulat... at takot. My eyes immediately snapped on his hand on my wrist before I turned to look at her with a query. Sinubukan kong bawiin ang braso ko pero may sa tuko yata ang babaeng ito at ayaw akong bitawan.
"P-Pwedi bang samahan mo muna ako rito? Natatakot ako..." And then her tears started falling. Napatingin ako sa nurse para sana manghingi ng saklolo pero abala na ito sa mga gamot na inihahanda. "Usap-usapan na may multo raw dito..."
Iritado akong napairap. "Hindi 'yon totoo. May nurse naman, hindi ka mag-isa—"
"Benj, p-please?"
I sighed heavily. Papuntahin ko na lang kaya si Diego dito at 'yon ang ipasama ko sa kanya? Tutal wala naman 'yong relasyon na manganganib?
"Fine. You can let go of me now." Sambit ko sabay tango. Plano kong sa oras na bitawan niya ako ay kakaripas na ako ng takbo paalis. Ewan ko ba, dala siguro ng lagnat at mukhang mas lalong naging mapangahas ang batang ito.
"Talaga? Sasamahan mo ako rito?" The hope in her eyes is making me uncomfortable. Napamasahe ako sa sentido. Akala ko makakaalis na ako pero nagkamali ako. Hindi pa nga ako nabibitawan ni Gabbi ay bumukas na ang pintuan ng clinic at tahimik na pumasok si Rael na may dalang folder.
My lips parted while on the other hand, he only glanced at us calmly. It was as if we were just a random view for him which he won't waste his time giving too much attention because he has some errands to do. Naramdaman ko ang pagbitaw sa akin ni Gabbi pero nakapako na kay Rael ang buong atensiyon ko. I swallowed hard as I watched him walk in the room, confident and unbothered. Ang tingin ay nasa nurse na na siyang sadya niya yata rito.
BINABASA MO ANG
Double Take
RomanceEverything started when the notorious troublemaker Benj Ferrera came back to school after months of being hospitalized due to a car accident and met his number one hater, Rael Villarin, who had been hired by his mother to be his tutor for the school...