Chapter 7

2.4K 106 73
                                    

Steps

Whatever it was, I didn't have any idea at all.

"Nakita mo ba kanina? Tingin ng tingin sa akin si Samantha!"

"Huh? Saan?"

"Girl, sa canteen! No'ng kumakain tayo! Nasa kabilang table lang siya kasama 'yong mga alipores niya!"

"Talaga? I'm sorry I didn't notice! That bitch!"

Dumako ang mga mata ko kina Klea at Emily na nag-uusap. They were sitting in the row in front of my seat that's why even though I don't want to listen to their teas, it's impossible because they're too close.

Vacant namin ngayon. While others decided to get out and roam around the campus, some decided to stay in our classroom to make our assignment for the next subject.

Ang akin ay tapos na. Thanks to Rael for that. Gusto ko mang lumabas at tumambay kung saan, ayaw ko namang iwan ang notebook ko kina Miggy at Eros na abala pa ngayon sa pangongopya.

Baka mawala pa nila notebook ko!

"She's crazy! Tingin ng tingin sa akin! It was as if she was boring holes on me! O parang kinukulam na ako gamit ang tingin!" Reklamo ni Emily. "She's so insecure of me! I knew it! Crush niya rin kasi si Santi at alam niyang sa aming dalawa, mas may chance ako!"

I shifted on my seat. Humalukipkip ako habang tinatanaw ang likod nilang dalawa.

"Nati-threaten 'yon. Mas maganda ka kasi. She keeps on looking at you because she couldn't believe that you're way prettier than her!" Segunda naman ni Klea bago sila nagtawanang dalawa.

Ah, so, that's it?

Maybe I feel threatened and insecure just like Samantha!

Napatango-tango ako habang bumubuhos sa akin ang lahat.

Rael is handsome and smart. I won't argue with that now. While I'm just handsome. Siguro kung may ilalamang man ako sa lalaking 'yon, baka baon ko lang sa school.

I gritted my teeth.

Kaya malaking threat talaga siya sa akin pagdating kay Jen.

Napahilot ako sa sentido habang iniisip ang bagay na iyon. Paano nga kung magustuhan siya ni Jennifer? Anong... magiging laban ko ro'n? Pwedi kayang idaan na lang sa suntukan at hindi na sa pataasan ng IQ? O kaya'y pataasan na lang ng blood pressure?

"Kanino ba galing 'tong answer mo Benj? Bakit parang tama yata lahat?" Si Eros na medyo may pagdududa pa pero ayaw rin naman magpaawat sa pagkopya.

"Galing 'yan sa STEM! Kaya siguradong tama talaga 'yan!" Si Diego ang sumagot. "Mga matalino tao ro'n!"

I didn't react to that.

Well, matatalino rin naman ang mga taga-GAS. Pero wala rito sa last section kung saan kami naroroon.

"Nagpatulong ka kay Jennifer?" Natatawang tanong ni Miggy.

Natawa rin ako pero napairap. "Ano ako kapalmoks?"

"Hindi! Kay Rael Villarin 'yan galing! Binantaan siguro nitong si Benj kaya napilitang sagutan assignment namin!" Pag-aassume ni Diego na naging dahilan ng pagkakabura ng ngisi ko.

My brows furrowed at that. I suddenly feel offended.

"What do you mean by that? Hindi ko binantaan, no!" I defended myself. Sa inis ay sinubukan kong bawiin ang notebook ko sa kanila pero hindi naman nila ako hinayaan.

"Eh, bakit parang takot na umalis 'yong kasama?" Patuloy pa ni Diego.

Hindi na ako sumagot.

I can't blame my friends, though. Iilang mga estudyante rin kasi noon ang napagbantaan ko magawan lang ako ng assignments o di kaya'y outputs. Nagbabayad naman kasi ako sa presyong gusto nila. Pero minsan, umaabot pa sa pagbabanta dahil may pagkakataong tumatanggi sila.

Double TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon