Chapter 14

2.4K 123 148
                                    

Lie

"Stop overacting, Benjamin. He's just stating a fact." I murmured irritably after a while of smirking like an idiot. I then scoffed to myself. "Come on, maliit na bagay lang naman."

Nakapikit akong sumandal sa kotse habang naninigarilyo. I already stopped smoking even before I got into an accident that's why I couldn't believe that I was back at it again just because I couldn't calm myself down a while ago. I shook my head in disbelief. Isang salita pa lang ni Rael pero para na akong aatakehin sa puso.

Tangina lang. Nawala angas ko do'n, ah?

I opened my eyes as I blew out a stream of smoke. The golden rice fields across the road welcomed me. Bahagyang isinasayaw ng hangin ang mga palay. The overall view was somehow peaceful and quiet, very far from my troubled mind. Muli akong napapikit nang dinala ang sigarilyo sa pagitan ng mga labi. Muli akong humithit at dumilat, handa nang muling magpakawala ng usok mula sa bibig nang bumungad sa akin ang nakasimangot na si Rael.

Nanlaki ang mga mata ko. Sa gulat ay imbes na maibuga ang usok ay naubo pa tuloy ako. I coughed hard. Damn, I think I swallowed half of the smoke. May kaunti pa namang lumabas pero kaagad ko nang tinaboy gamit ang mga kamay ko dahil ilang hakbang lang ang layo ni Rael. Hindi ba't mas delikado ang second hand smoke?

"Shit..." I muttered under my breath.

Hilaw ang naging tawa ko habang pilit na binubura ang bakas ng usok sa paligid. "Wala na... Wala na..." I assured him since he looked like he's going to kill me for puffing a cigarette in front of him. Eh, aksidente lang naman. Di ko naman ginustong mabugahan siya ng usok!

He glared at me as he covered his mouth and nose using the sleeve of his jacket. Mabilis kong itinapon ang upos ng sigarilyo at inapak-apakan pa.

"You smoke?" he asked as if he just caught me doing a crime. "Akala ko ba kukunin mo lang wallet mo?"

"Ah," I chuckled a bit. ".. ngayon lang ulit."

Base sa pagkunot ng noo niya ay halatang hindi siya kumbinsido. Kinabahan tuloy ako at baka usisain niya ako lalo. Mabuti na lang at kaagad naman siyang nagyaya na pumasok na sa paresan.

"Our pares was already served. Pinuntahan lang kita rito kasi ang tagal mo. Akala ko nadaganan ka na ng wallet mo." He spoke in a sarcastic way habang naglalakad kami pabalik sa paresan. Katulad kanina ay nauuna siya habang nakasunod naman ako. Dumiretso kami sa table malapit sa may bintana at nandoon na nga ang dalawang bowl ng pares na may kapartner pang softdrinks.

"Alin ang gusto mo?" Tanong niya pagkaupo pa lang namin.

"H-Ha? Gusto?" I stammered, not sure of what he's pertaining to. Hindi pa nga kasi nag-iisang segundo 'yong puwet ko sa upuan tapos bibiglain na niya ako kaagad. "S-Sino?"

Pinasadahan niya ng kamay ang malambot niyang buhok. The way his hair fell back on its place is like an art show. Napakurap-kurap ako.

"Coke or royal?" he asked.

"Ah..." I laughed a bit. Akala ko naman kung ano na. "You choose first. Ang maiwan, 'yon ang sa akin." Seryosong sagot ko at kaagad nang nagsimulang kumain.

He shrugged. Kinuha niya ang coke at itinabi sa bowl niya. He then casually put the other softdrink near mine. Napangiti ako habang ngumunguya. Kaagad nga lang tumigil nang mahuli ang sarili. Sarap mo rin kutusan, Benj, paminsan-minsan, ano?

"What is it?" he suddenly asked when he caught me looking at him. Kaagad akong umiling pero nanatili ang kuryosong tingin niya. I dropped my eyes on my food to avoid his curiosity. Tahimik akong nagpatuloy sa pagkain. And when I glanced at him again, I caught him still watching me.

Double TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon