Chapter 20

2.4K 109 59
                                    

Help

The sky was very clear. If there was a right timing, I guess today is the perfect one.

"Where are we going?" Kunot-noong tanong ni Rael matapos kong ilahad sa kanya ang nakabukas na pinto ng passenger's seat. Alas singko na ng hapon at katatapos lang ng session namin. Medyo nahihilo pa nga ako pero dahil hindi naman ako hihintayin ng oras, kailangan na naming umalis para may maabutan pa kami.

"Bibili nga tayo ng snack." I lied flawlessly, not wanting to reveal my plan right away. Kasi kapag sinabi ko kung saan kami pupunta, siguradong hindi siya sasama magkamatayan man.

Tahimik siyang pumasok sa loob ng sasakyan. Wala ngayon si Kuya Ramil dahil sinadya kong huwag magpahatid.

A smirk slowly played on my lips as I watched him wore his seatbelt.

Takot na takot Rael?

Akala mo naman hahayaan kong magasgasan ka.

"Saan ba tayo bibili? Malayo ba?" He asked when he's done.

"Mga fifteen minutes..."

His eyes widened in disbelief. "Gano'n kalayo?"

Natawa ako at kaagad na siyang pinagsarhan ng pinto dahil baka maisipan niya pang tumakas. Mabilis akong umikot sa sasakyan at pumasok sa driver's seat. At bago niya pa ako paalalahanan, nagsuot na ako ng seatbelt.

"Next time talaga magdadala na ako ng helmet at baka nalang mabawasan 'yang nerbiyos mo!" I joked as I swiftly maneuvered the car on the paved road.

"Syempre. Reckless driver ba naman ang kasama ko." Sagot niya habang nakatanaw sa labas ng bintana. I chuckled at that.

The people here in San Vicente really believed the rumor that I was driving so fast that day huh?

"Maingat na ako ngayon..." Nangingiting sagot ko para kahit papaano ay panatagin siya. "Kung bubulusok man ulit ako sa bangin, sisiguraduhin kong hindi kita kasama..."

His irritated eyes went to me in an instant. "And you think that's funny?"

Ibinalik ko sa kalsada ang tingin ko. Hindi na ako nagsalita pa at ganoon din siya.

Hindi nagtagal ay natanaw ko na ang destinasyon namin. Mas binagalan ko pa lalo ang patakbo hanggang sa mas makalapit kami. Narinig ko ang mahina ngunit mariing mura ni Rael sa tabi ko.

"Why are we here?" Iritadong tanong niya.

I parked the car on the secured space on the side of the road before I turned to look at him. "We'll watch the sunset..." I revealed to him but he only glared at me.

Ngumuso ako at nauna nang bumaba ng sasakyan at kinuha sa backseat ang karton ng mga pinamili kong chichirya at softdrinks. Pagkatapos ay kaagad akong umakyat sa likuran ng Hilux.

"Rael! Labas na, dali!" I called him. "The sunset is here... You need to see it!"

Narinig ko ang lagabog ng pinto niya. Dumungaw ako at natanaw na sa wakas ay bumaba na rin siya. Mabagal siyang naglakad patungo sa likuran ng Hilux at umakyat.

I want to offer him a hand but when I saw that he can manage to do it alone, I let him be. Nang makalapit siya sa akin ay mabilis ko siyang binigyan ng pagkain at softdrink na nabuksan ko na at may nakalagay nang straw.

"Why did you brought me here?" Supladong tanong niya.

Nakangiti akong tumanaw sa harapan.

The sun dips low on the horizon, casting a warm, golden glow over the rugged cliffside. The sky is a brilliant blend of deep oranges, fiery reds, and soft purples, creating a breathtaking gradient that stretches out over the vast ocean below.

Double TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon