Chapter 5

2.5K 105 69
                                    

Friends

"You know what? You really look familiar." Reena told me in a very intriguing tone while we were eating the sushi rolls her brother has made for us. "Parang nakita na kita dati. Though I couldn't remember where and when... Maybe in one of my favorite cartoon shows? And you are the villain?" she smirked.

Napangiwi ako sa sinabi niya.

"What? Hindi ka naniniwala?" Asik nito sa akin.

I shook my head. Ngumuso ito at sinamaan ako ng tingin. I sighed and picked another sushi using my chopsticks and put it near her mouth. Nang tinanggap niya iyon ay sinubuan ko pa ulit siya ng dalawa pa hanggang sa napuno ang bibig niya.

Yan... para manahimik kang bata ka.

Napaayos ako ng upo nang pumasok sa sala si Rael bitbit ang isang pitsel ng juice. Kumunot ang noo nito nang makita ang hitsura ng kapatid pero kaagad ring ipinagsawalang bahala. Reena looked like a squirrel who swallowed a whole acorn now. Nonetheless, she still looks so cute. Parang keychain.

"Bilisan mo ang pagkain mo. Mag-aaral ka pa pagkatapos." Saad ni Rael sa akin habang umuupo sa tabi ng kapatid. Tumango naman ako at nagsalin na ng juice sa tatlong baso. Mabilis na nginuya ni Reena ang lamang sushi ng kanyang bibig para makapagsalita siya.

"Aalis na kayo?"

I pouted at her. "Bye bye Reena." Pang-aasar ko rito. She rolled her eyes and made a face. Natawa naman ako. Rael sighed heavily watching the two of us.

"Bakit Reena? May mumu ba rito?" I couldn't stop my mouth.

Reena ignored me and shifted on her seat to face his brother beside her. "But Kuya... Mag-isa lang ako rito..."

"Pwedi kitang ihatid kay Mama sa palengke—"

"What? Ayaw ko ro'n, Kuya!"

"Then, dito ka lang? May pagkain na sa kusina para sa pananghalian mo."

"Isama mo na lang ako! Or, dito na kayo mag study ni Kuya Benji!"

Rael glanced at me as if it was my fault. Kaagad naman akong nagpanggap na abala sa pagkain. Hoy hindi ako kasali diyan, ah? Away magkapatid 'yan! Saling-pusa lang naman ako rito!

"I won't disturb you two! Manunuod lang ako ng TV dito sa sala."

I picked another sushi and put it inside my mouth. Kumuha ako ng isa pa at isinubo kay Reena. Rael's eyes went to me. I pursed my lips. Kumuha na rin ako ng isa pa at inambang isusubo sa kanya dahil mukhang naiinggit siya.

"Say ah." I urged him, a smirk is already playing on my lips. Testing if he would accept it. Sinamaan niya nga lang ako ng tingin. Halatang ayaw tanggapin ang sushi.

"Ayaw mo? Eh di wag." Binawi ko iyon at kinain na lang. Nakakangalay kaya maghintay. Ako na nga itong nagmamagandang loob kasi hindi na silang dalawa nakakakain ng maayos dahil sa pagtatalo nilang magkapatid.

"You can use your room, Kuya. O di kaya'y doon nalang kayo sa tree house! Fresh pa ang air doon!" Reena suggested happily.

Napatingin ako kay Reena. "May tree house kayo?"

The kid smiled proudly at me. "Yes!"

Bumaling ako kay Rael na nagsisimula na ring kumain. "Dito mo na ako i-tutor. Sa tree house niyo tayo."

Hindi ito sumagot pero hindi rin naman nagpahayag ng pagtutol. So, I guess, it's a yes?

Kalaunan, iyon nga ang nangyari. Pagkatapos naming kumain ng snack, naghanda na kami para sa gagawin naming tutorial session. Bumalik ako sa sasakyan para kunin 'yong handouts samantalang nauna naman siya patungo sa tree house dahil lilinisan niya raw muna saglit.

Double TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon