Obvious
I hate going to school.
Oh, let me rephrase that. I hate school in general.
Pero wala na sigurong mas nakakainis pa ngayong sinisikap kong huwag na munang magpakita kay Jennifer. Isipin niyo 'yon? Ang nag-iisang inspirasyon ko para pumasok sa eskwela ay iniiwasan ko pa ngayon dahil sa nakakahiyang insidenteng nangyari. Kung alam ko lang na mangyayari lahat ng ito ay sana hindi na lang ako nagising sa hospital noong maaksidente ako, di'ba?
"Ang OA mo naman!"
"Totoo! Halatang type rin ako no'n! Pakipot lang! Para kunwari, study first! Eh hindi alam na tipo ko 'yong mga pa-cold na studious!"
"Eh hindi naman 'yon studious na tao! Palagi lang kamo nagpupunta sa library para matulog!"
"Ay kahit na! Gano'n pa rin 'yon! Huwag mo ngang siraan bebe Santi ko!"
Napatingin ako sa dalawang kaklaseng babae na naghahagikhikan sa gilid. Mukhang nag-uusap ang mga ito tungkol sa crush nila at kanina pa naghahampasan. And when they saw that I was looking at them, they immediately turned quiet. Alam kasi nilang iritado ako sa mga maiingay. Eh sinong hindi maiirita? Kanina pa ako nagsosolve dito sa papel ko pero di ko mahanap ang sagot. Tapos sila porke't tapos na, ang iingay?!
"Hi, Benj, kumusta na pala 'yang braso mo?" Tanong ni Klea, isa doon sa dalawang maingay.
"So far braso pa rin naman at hindi naging binti." Barumbadong sagot ko habang kunot-noong tinititigan ang papel ko. Bwesit naman, oh? Aanhin ko ba 'to? Kailangan ko ba 'tong dasalan at nang sa gano'n ay lumabas ang tamang sagot?
"Ang sungit mo talaga! Hmp! Crush pa naman kita noong grade 8!"
"Oh, tapos?" Tanong ko. Walang pakialam. Nugagawen?
Emily chuckled beside her. "Ang gwapo sana nitong si Benj. Kaso maldito, e!"
Ayos lang. Bakit, tataas ba grades ko kung friendly ako sa kanila? Diba, hindi naman? At saka wala naman akong pake kung crush nila ako noon kasi loyal ako kay Jennifer. Hindi ako friendly sa ibang girls dahil what if ayaw pala ni Jen sa ganoon? Eh di matuturn off 'yon.
"Palagi pang nakikiaway! Basag-ulo! Eh, ayoko sa gano'n kaya sobrang naturn-off talaga ako."
Naghagikhikan na naman ang dalawa na parang palakang sa wakas ay nakatikim ng ulan.
Tiningnan ko ang subject teacher namin na abala sa cellphone kaya hindi napapansin na ang iingay na ng mga estudyante niya.
"Kayo nga pangit na at madaldal pa. Nagreklamo ba ako?" I fired unconsciously while busy making some doodles on my paper. Saka ko lang napansin ang sarili nang siniko na ako ni Diego.
I bit my lips to stop my smirk. Nag-angat ako ng tingin at napansin ang dalawa na hindi na makapagsalita, at namumula na lang sa inis. Tinagilid ko ang ulo ko at mapaglaro silang tiningnan.
"Oops, sorry, pasmado yata bibig ko." I pouted playfully.
I saw how their stares lingered on me. How their cheeks slowly turned pink before they exclaimed in unison.
"Jerk!"
Natawa ako at napahawak sa mga labi samantalang napailing na lamang ang mga kaibigan ko.
"Sino ang maingay diyan sa likod?!" Sigaw ni Miss Ocampo na natalo yata sa nilalaro niya kaya saka pa lang napansin ang ingay namin dito sa likod.
Tiningnan ko ang papel ko. Wala nang pag-asa 'to.
"I said, sinong maingay diyan sa likod?!" Tumahimik ang buong klase. Halatang natakot sa pagsigaw ng subject teacher namin sa Stats. Ang kaninang madaldal na sina Klea at Emily ay parang tutang nakayuko na ngayon.
BINABASA MO ANG
Double Take
RomansaEverything started when the notorious troublemaker Benj Ferrera came back to school after months of being hospitalized due to a car accident and met his number one hater, Rael Villarin, who had been hired by his mother to be his tutor for the school...