Game
"Gago, ang hirap naman nito!"
Napangisi ako nang marinig ang reklamo ni Diego sa tabi ko. Last period na namin sa hapon at bago makalabas ng klase ay binigyan pa kami ng huling seatwork para sa araw na ito. Syempre, nahihirapan din ako lalo na't Pre-Cal 'yong subject pero sa ilang beses na pagtuturo sa akin ni Rael, kahit papaano ay may laman naman ngayon ang papel ko.
"Mamatay na nag-imbento nitong Calculus." Bulong-bulong naman ni Miggy at nakailang punit na ng papel sa kakaulit. Ang isang buong pad ng bagong biling yellow pad niya ay sobrang nipis na lang ngayon.
Eros was just quiet but the lone sweat on his forehead told me that he's also experiencing hell right now. Bahagya akong tumikhim habang nagsosolve sa last item. Mukhang mauuna akong makalabas nito, ah?
Napaayos ako ng pagkakaupo nang matanaw sa labas ng classroom ang pagdating ni Rael. He's wearing his crossbody bag and a folded umbrella was on his hand. I pursed my lips when I noticed the gentle pour of rain outside. Mabuti na lang at mukha namang hindi siya nabasa papunta rito.
He glanced at his wristwatch before he leaned on the corridor's wall, facing our classroom. Napansin ko ang pagkakapansin sa kanya ng mga kaklase kaya mas binilisan ko pa ang pagsagot para makaalis na kami.
My chair creaked when I stood up. The classroom was so quiet that when it happened, all of their heads snapped at me, utterly shocked that I was the one who finished first. Kahit ang subject teacher namin ay bahagyang nagulat sa pagtayo ko. I ignored them all.
I got my bag and confidently walked to our teacher's table so I could pass my paper. Nalingunan ko ang namimilog na mga mata ng mga kaibigan ko pero ngumisi lang ako. And Mrs. Andrade, our subject teacher, even moved her glasses like she's seeing some apparition while looking at my answers.
"Ma'am, pwedi na po ba akong umuwi?" I asked impatiently. Sinipat ko si Rael sa labas at nakitang tumuwid na ito sa pagkakatayo at nakamasid na rin sa akin.
Gago, anong oras na ba at bakit sobrang fresh niya pa ring tingnan? Para siyang kapapasok lang sa school samantalang mukha naman akong call center agent na pauwi palang galing sa graveyard shift.
Mrs. Andrade cleared her throat. "S-Sure. You can go home now, Mr. Ferrera."
Isang beses lang ako kumaway sa mga kaibigan ko at kaagad na akong lumabas ng classroom. Sinalubong ako ni Rael, halatang kuryoso sa pangisi-ngisi ko. I smiled more as I told him about the details.
"Ako unang natapos gumawa ng seatwork namin," I bragged at him. Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Perfect?"
I shrugged as I snatched his umbrella. Sakto, naiwan ko sa bahay ang payong ko kaya share na lang kami ngayon.
"Bukas pa kami magchecheck since kakapusin na sa oras kung ngayong araw pa gagawin..."
We started walking side by side. Hindi naman big deal pero para akong lumulutang sa hangin ngayon.
"Pero sa tingin mo, makakakuha ka ng perfect score?" he probed with a hopeful voice.
Napasimangot ako lalo na't hindi naman ako one hundred percent na confident sa mga solution ko. Mga ano lang... mga eighty percent. "Wala namang perpekto sa mundo, Rael." Malokong sagot ko.
Bahagya siyang natawa. I glanced at him and couldn't help but smile too. The sound of his laughter warms my heart in a ticklish way that I want to hear it everyday. I don't think I could ever get tired of listening to it.
Oo na, gustong-gusto ko na nga si Rael.
Mapipigilan pa ang bala ng baril pero itong nararamdaman ko, mukhang wala nang pag-asa.
BINABASA MO ANG
Double Take
RomanceEverything started when the notorious troublemaker Benj Ferrera came back to school after months of being hospitalized due to a car accident and met his number one hater, Rael Villarin, who had been hired by his mother to be his tutor for the school...