Chapter 26

2.4K 163 125
                                    

Home

Maikli lang naman ang dalawang linggo. 'Yan ang itinanim ko sa isip ko habang nasa Cebu ko. That maybe if I ignore the time, it will pass by like lightning. Na gigising akong nasa San Vicente na.

That's what I held unto for days. And I was wrong. Kasi pang limang araw ko pa lang dito sa mansiyon ni Lolo pero pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa labis na pagkabagot kahit na halos araw-araw ay isinasama ako ni Lolo sa mga importanteng lakad niya.

"Benj, what can you say?"

Napatigil ako sa pagkain nang marinig ang boses ni Mommy. Kanina pa sila nag-uusap usap sa hapag pero hindi ako nakikisali. I'm not interested with their topics, anyway. Kaya ngayong naghihingi ng opinyon ko, hindi ko alam kung anong maibibigay ko.

I can just ignore her but the attention was now on me so I need to at least converse with them. Nagpunas ako ng bibig at ngumiti.

"Masarap naman ang ulam. I like the seafood kare-kare." I commented even though I was sure that their topic is not about our food.

Lolo chuckled and shook his head. Napainom naman ako ng tubig habang iniisip kung magugustuhan din kaya ni Rael 'tong ulam?

Kung hindi, ano kaya ang paborito niyang ulam?

Mommy sighed, looking so disappointed with my response.

"We're not talking about the food, hijo." Auntie Miranda informed me, looking strict and cold. Bumuntong hininga ang pinsan kong nakaupo sa tabi nito at tila nawalan na ng ganang kumain. "We were talking about Hayes here. Nalaman ko kasing nakikipagkaibigan sa mga bakla, e, baka mahawa siya. Mahirap na."

I wanted to laugh sarcastically but I maintained my disinterested expression. At sa akin pa talaga sila manghihingi ng opinyon? Really? In front of my kare-kare?

"Ah, pasensiya na po. Hindi kasi ako nakikinig."

"Malalim yata ang iniisip mo, hijo?" ani Auntie Miranda. Halatang hindi ito natutuwa sa kawalan ko ng interes sa pinag-uusapan nila ni Mommy.

"Medyo po..." I flashed a friendly smirk. A fake one.

Malalim talaga ang iniisip ko. Iniisip ko lang naman kung namimiss din kaya ako ni Rael ngayon? Siguro naman, oo, 'di ba? We sometimes text at night but for me it wasn't enough. And it will never be enough. Hindi naman sa clingy ako pero parang gano'n na nga.

Teka.

What if ayaw niya pala sa clingy? Paano na ako?

Tita Miranda continued her nonsense. At wala na akong choice kundi ang makinig ngayon kahit na bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay ikinakapanting ng tenga ko.

"Ang sa akin lang naman, ayaw kong nakikipagkaibigan ang anak ko sa mga bakla—"

"Bakit po?" I asked impatiently, still unable to grasp her logic. "What's so wrong about being friendly to gay people? Will they suddenly eat you alive? Cannibal sila? Zombie?"

"Benj..." Tawag sa akin ni Mommy, tunog problemado na.

I chuckled. Maybe now you regret forcing me to have a vacation here, huh?

"Ang sa akin lang naman..." I mimicked Auntie Miranda's words and tone. "Ay huwag po kayong homophobic. Ang tatanda niyo na po. Talamak na rin ang mga road widening ngayon, pero bakit ang kikitid pa rin ng mga utak niyo?"

"K-Kuya..." Hayes tried to stop me but I only gave him an assuring smile.

"Benjamin is right." Segunda naman ni Lolo at nanatili ang ngiti sa mukha habang nagtatagal ang tingin sa akin.

Double TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon