Rush
"Benj," Tawag ni Ate Merly sa labas ng kwarto ko na sinundan ng marahang pagkatok sa pinto. "Nasa baba na si Rael, naghihintay. May lakad raw kayo?"
I was still tying my shoelaces when I heard it. Namilog ang mga mata ko at mabilis na tinapos ang ginagawa para lumapit sa kama kung saan nakalatag ang mga pinagpipiliang pang-itaas na damit. What should I fucking pick?!
Inuna ko na nga magsuot ng sapatos at pantalon kasi kanina pa ako hindi makapagdecide ng susuoting pang-itaas. Mag topless na lang kaya ako?
My hands rested on my waist as I quickly scanned the scattered clothes on my bed. My room was airconditioned yet I was suddenly sweating bullets.
Ewan ko ba pero hindi talaga ako komportable na paghintayin ng matagal si Rael.
"Benj? Tulog ka pa ba?" Tawag ulit sa akin dahil hindi ako sumagot.
"Bigyan mo muna ng meryenda, Ate!" I shouted so she could hear me. Pinulot ko ang dark navy blue na button down long sleeves at isinukat sa harap ng salamin. I stared at my reflection in a cold way. Napansin ko na naman tuloy ang ayos ng buhok ko pero nang maalalang gusto iyon ni Rael ay ipinagsawalang-bahala ko na lang.
"Inalok ko na bago kita inakyat dito. Busog pa raw," Ate Merly shouted back from the outside.
Mas binilisan ko tuloy ang kilos ko. Imbes na pumili pa ng ibang damit ay 'yong hawak ko na ang isinuot ko. I paired it to my beige chinos and white sneakers before I wore some expensive perfume. Pababa na ako ng hagdan nang maisipan kong tupiin hanggang siko ang mga manggas niyon.
I immediately spotted Rael while I was doing it. Nakaupo ito sa sofa pero nang mapansin ang pagbaba ko ay kaagad nang tumayo. I flashed a welcoming smile yet he remained watching me with a serious expression, almost frowning.
Nabura rin tuloy ang ngiti ko kalaunan.
"What's wrong?" I asked quietly the moment I reached him.
Damn. Sobrang gwapo talaga ng boyfriend ko. He's wearing a plaid checkered shirt in a relaxed fit over a white tee. Pinaresan niya iyon ng loose-fitting na jeans na may pagka dark-washed ang kulay at puting sneakers. Suot niya rin ang itim niyang cross-body bag at itim na digital watch.
Heck, our outfits didn't match. Only the shoes. Tinanong ko kasi siya kagabi kung anong susuotin niya pero sobrang kill joy talaga at ayaw sabihin. Buti na lang at pareho kaming pogi nito kaya bagay na bagay pa rin kami.
"May ibang lakad ka?" Instead of answering my question, he fired his own query at me. Kumunot ang noo ko sa pagkalito. Ako? May ibang lakad? Saan naman?
"Tayo ang may lakad ngayon." I answered carefully even though I was confused myself.
Muling bumaba ang mga mata niya sa suot ko at nagtagal doon. Eros' words echoed inside my mind like a broken tape. Overdressed. Tang ina lang. Panira talaga ang lalaking 'yon. Palibhasa bitter ang love life, e.
"You looked like someone who's going on a fancy date—"
"Bakit? Hindi ba tayo magdi-date?" Malumanay na putol ko kanya na ikinalaki ng mga mata niya. He almost covered my mouth with his hand as he abruptly checked the surroundings if someone had heard me. Napasimangot naman ako. "So, hindi tayo magdi-date?"
Pinandilatan niya ako ng mga mata.
"Hindi pala?" I pouted a bit, trying to act as if sulking but of course, he knew that I'm not. "Bakit hindi?"
"Benj..." Nauutas niyang saway sa akin kahit na sumusugat ang ngiti sa mga labi. He even tried to push me away from him but it only made me want to come near him more. Paano ko siya seseryusohin, eh, pangiti-ngiti siya riyan?
BINABASA MO ANG
Double Take
RomanceEverything started when the notorious troublemaker, Benj Ferrera, came back to school after months of being hospitalized due to a car accident and met the transferee turned heartthrob, Rael Villarin, who had been hired by his mother to be his tutor...