Chapter 20

644 24 8
                                    

Queen Leigh Hernandez POV

"Anong iniisip mo?". Bahagya kong naiangat ang aking balikat ng Bigla nalamang mag salita si Uno sa Likuran ko. Kaagad ko siyang nilingon. "I-I'm Sorry, Nagulat ba Kita?".

Umiling ako bago Tinignan yung dala niyang mga damit.

"I'm just thinking about what took you so long to get me some dry clothes Mr Onel Ace. Muntik na kasi akong manigas dito sa Lamig".

"H-Huh? O-Oh.. Well kasi nakasalubong ko si Auntie Ysabelle on my way here. Uuwi na sana ako after this kaya lang pinilit niya akong mag stay dito sa Mansion ngayong gabi. A-Ayoko nga sana Kasi may Work pa ako bukas kaya lang Kilala mo naman iyun Diba? Gusto niya palagi ang nasusunod".

"Ganun ba?".

"Hm-Hmm..". Aniya bago inabot sa akin yung terno ng damit. "Mag bihis kana kasi baka magkasakit ka pa".

"Thank you..".

"You're welcome, Queen". Aniya bago marahang ngumite. Bahagya ko siyang tinitigan ng mapansin na nakatayo parin siya sa Harapan ko. "W-What?".

"You can go now, Kaya ko nang magbihis mag-isa".

"H-Huh? O-Oo nga pala.. Sige babalik nalang Ako mamaya para dalahan ka ng Foods". Animo'y Excited na aniya bago akmang bubuksan yung Pintuan ng muli akong mag salita.

"Hindi mo na kailangang Gawin iyun Uno. Hindi naman ako nagugutom e. Isa pa ay Hindi mo ako Obligation". Seryosong Saad ko na ikinatigil niya.

"P-pero..".

"Kung Meron kang dapat na intindihin at Asikasuhin ay Walang Iba kung Hindi ang Girlfriend mo, Hindi ba?". Mahinang anas ko na lalo niyang ikinatahimik. Ramdam ko na tila Biglang napalitan ng Lungkot ang Kaninang Excited niyang emosyon. Bahagya akong tumalikod sa gawi niya at doon palihim na humugot ng aking hininga.

"You're right..". Malungkot na aniya bago matunog na Bumuntong hininga. "Pero Hindi parin ako aalis dito dahil iyun ang kagustuhan ni Auntie Ysabelle. Isa pa ay sa'iyo Ako higit na nag-aalala ngayon kesa kay Cyrine".

Bahagya Kong ikinagulat ang sagot niyang iyun bago siya muling nilingon.

"Andun naman si Kylix at ang mga magulang niya para Tignan siya. Isa pa ay nasisiguro ko na mag-aaway lang Ulit kami kapag pumunta ako dun". Pagpapaliwanag niya.

"Ikaw ang bahala". Tipid na sagot ko. Matapos niyun ay tuluyan na siyang Lumabas ng Kwarto at isinara ang Pintuan. Huminga ako ng malalim bago tuluyang Lumakad papasok sa Banyo. Hinubad ko ang aking damit bago Kaagad na binuksan ang hitter ng shower. Hinayaan kong Umagos ang tubig Mula sa kabuuhan ng aking katawan. Unti-Unti na Akong nakararamdam ng kaginhawaan dulot ng tamang temperatura ng tubig.

Matapos maligo ay kaagad kong kinuha ang damit na Dala ni Uno. Bahagya akong natigilan ng tuluyang mapag masdan ang kabuuhan nito.

"Ito ba I-Iyung Damit na ipinahiram niya sa akin noong nag punta kami sa Hawaii?". Takang anas ko bago Wala sa Sariling napangite. Tila Bigla na lamang Bumalik sa akin ang mga Alaala niyung Araw na iyun.

~Flashback~

{Hawaii trip}

Nasa Kwarto Ako Ngayon habang namimili ng isusuot ko para sa Event mamaya. May Fashion Show kasi na magaganap at si Allison Ang Isa sa mga Special guests.

'Nasan na kaya si Uno? Kaganina pa siya Wala ah'. Nakangusong anas ko habang namimili ng isusuot. 'Akala ko pa Naman ay Siya Ang pipili ng isusuot ko Ngayong gabi tulad ng ginawa niya nung Engagement party at Kaninang Umaga'

"Teka nga Queen Leigh! Ano ka ba Disney princess?! Bakit kailangan mo pang antayin si Uno na pilian ka ng Isusuot? Hindi ka ba marunong pumili?". Asik ko sa sarili ko bago huminga ng malalim. "Hindi ka Naman niya Totoong Girlfriend kaya Huwag ka na Umasa!". Agad akong Tumayo at Lumapit sa Aparador. Padabog akong namili ng damit Mula Doon.

"Teka.. Mukang maganda itong Orange ah". Nakangiting anas ko ng Maagaw ng atensyon ko Yung nasa pinaka dulong dress sa Cabinet. Agad na kuminang Ang Mata ko ng Mahagip ng mata ko Yung kulay Violet na Sandals. "Mukang bagay ito sa dress". Masayang anas ko ng makapili ng susuotin bago nag simulang maligo. Nang matapos Ang pagligo ko ay mag sisimula na sana akong magbihis ng Biglang Tumunog Yung Phone ko.

*YOU HAVE ONE TEXT MESSAGE FROM, BOYFRIEND*

Agad na nanlaki Ang Mata ko. "Kailan pa kinuha ni Uno Ang Number ko? At Bakit Boyfriend Ang Pangalan niya sa Phone book ko!?". Takang angil ko. Ilang Segundo lang ay Natagpuan ko nalamang Ang sarili ko na nakangiti. Kaagad Kong binuksan Yung Message ni Boyfriend------este ni Uno Pala.

*Huwag ka ng pumili ng Damit dahil alam ko na Yung kulay Orange Yung susuutin mo. Yung puti na dress sa Unahan Yung suotin mo para Simple lang pero elegante tignan. Sa Sandals naman huwag mong suotin yung kulay Violet dahil baka mapagkamalan Kang may Suot na Talong. Yung Puti nalang din suotin mo ~ From Boyfriend*

"A-Aba! Pano niya nalaman na iyun Ang napili ko?". Nagugulat na anas ko.

*New MESSAGE FROM BOYFRIEND*

{ I know you don't have any sense of Fashion sa katawan. Base on my estimate you have 99.9 percent probability na pipiliin mo Yung Mga damit na matitingkad Yung kulay. Kaya Huwag kana mag taka ~ Boyfriend}

"A-Abat Ang kapal niya Naman ata!? Ang ibig niya bang Sabihin ay 1 persent lang ang skills ko in terms of Fashion?!". Angil ko bago marahang Napatingin dun sa Violet sa sandals at Orange na dress. "Kung sa bagay mukang litaw na Litaw nga Ako pag yan Ang Suot ko". Nakangusong anas ko bago nakangiting kinuha Yung damit na Recommended ni Uno.

'Tch! Edi Sige eto nalang susuotin ko.. Wala Naman akong Choice e'. Kunwari ay napipilitang anas ko Bago Malakas na Tumawa.

"Hindi mo ito susuutin dahil Pinili ito ni Uno, Okay? Susuutin mo ito kasi Wala Kang Choice, Hindi ba? Achkkkkkkkk!!!!!! Tama Wala lang Akong Choice". Exited na anas ko bago Isinuot Yung damit. Matapos niyun ay Buong Kompyansa akong Tumingin sa salamin.

"Maging Confident ka sa sarili mo, Queen. Huwag mong hayaang apihin ka ng kahit na sino. Kailangan mong maging matapang at maging totoo sa sarili". Buong Pusong anas ko sa Sarili bago marahang ngumite. "Maraming Salamat Uno..". I whispered.

~End of Flashbacks~

"Naitago niya parin Pala ito?". Takang anas ko bago mahinang ngumite.

Ito yung Araw na nag papanggap kaming magkarelasyon para pagselosin si Dawson. Ang Araw kung saan Unti-Unti ko rin siyang Minahal ng Hindi ko inaasahan.

'Sino nga bang mag aakala na Kilalang Kilala na Pala natin ang isat-isa noon palang, Uno. Bago pa man Tayo magkita ay matagal na nating mahal ang isat-isa noon. Kaya naman Hindi narin nakagugulat na muli akong nahulog sa'iyo sa ikalawang pagkakataon'.

'Hindi ka man nakilala ng aking isipan ay marahil Hindi tuluyang nakalimot ang aking Puso sa Lalaking kaniyang iniibig simula pa lamang'

Malamig Akong bumuntong hininga bago mapait na ngumite.

"Hanggang kailan ka ba mag bubulag-bulagan, Uno? Kailan mo ba malalaman na ang babaeng matagal mong hinanap ay ang babaeng nasasaktan mo ngayon?".

📚

Loving my Ex-Boyfriend's brother (THE SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon