CHAPTER 17

800 28 14
                                    

{Birthday ni Auntie Ysabelle continuation)

***

Rykie lewis Cabrera POV

Hindi ko mapigilang makaramdam ng Tuwa habang Pinapanood ang pekeng Cyrine na ito. Nakakatawa lang dahil ipinag pipilitan niya talaga na siya Ang Totoong Cyrine gayung kaharap niya mismo Ang tunay at nag-iisang Anak na Babae ng Lovereigh Clan.

"Do you know what I love the most?... I love listening to lies when I know the Truth". Malamig na Bulong ni Leigh Kay Cyrine.

Agad akong napamaang bago kami sabay na nag katinginan ni Deiwelle. Bahagyang nanlalaki ang pareho naming mga mata na tila ba iisa Ang aming iniisip.

'Don't tell me, mag papakilala na siya?'

Lunok*

"A-Anong sabi mo?". Nagugulat na anas ni Cyrine. "A-Ano nga bang nalalaman mo?!". Tila ba naghahamon.

"D-Deiwelle, Anong gagawin natin? Pipigil ba natin siya?". Hindi na mapakaling bulong ko Kay Deiwelle.

"Just relax, Rykie..". Bigla ay Tila kalmadong turan ni Deiwelle bago Hinawakan Ang Balikat ko. "Naniniwala akong alam ni Leigh Ang ginagawa niya".

After ng Sinabi ni Deiwelle ay pinili ko na lamang kumalma. Alam ko naiinis na si Leigh sa babaeng ito pero alam ko rin na alam niya na kung Anong dapat na gawin.

'It's not the time yet'

"Ano! Mag salita ka!". Desperadang asik ni Cyrine Kay Leigh.

"Wala naman, Mukha ka lang kasing sinungaling Eh. Iyun bang parang andaming itinatago". Nakangiwing Saad ni Leigh na tila ba nangaasar. Bahagya Akong nakahinga ng Maluwag bago mahinang natawa.

"How dare you!".

Agad na sinugod ni Cyrine si Leigh at Malakas na Itinulak sa Pool. Subalit sa lakas ng ginawa niyang pagtulak ay maging siya ay nahulog.

Ang mga Sumunod na Nangyare ay talaga namang nakakagulat. Si Cyrine ay Mabilis na nakaahon sa Pool area dahil agad siyang Lumangoy pabalik. Subalit si Leigh ay Tuluyang Lumubog sa ilalim ng Pool.

"F-Fvck!". Asik ni Deiwelle na akma sanang tatalon sa Pool para tulungan si Leigh subalit naunahan siya ng kung sino. Hindi ko na Nakita subalit malinaw sa akin na Tatlong Kalalakihan ang Mabilis na Tumalon Upang sagipin si Leigh.

'Shít! Hindi pa Naman marunong Lumangoy si Leigh. She's still traumatized sa aksidenteng Nangyare sa kaniya noong Bata pa siya'.

"D-Deiwelle..". Naiiyak na pagtawag ko. Maging Ako ay Hindi na alam ang gagawin sa mga Oras na ito.

"I Know..". Pag-aalalang sagot niya sa akin.

"What's happening here!?". Bigla ay Malakas na Asik ni Auntie Ysabelle subalit Hindi ko na siya nakuha pa na lingunin. Pinanood ko nang Umahon si Ford at Kylix mula sa Pool. Sila Pala Ang dalawang Tumalon kanina para sagipin si Leigh subalit sa Huli ay si Uno ang nakagawa niyun.

Karga Ang walang Malay na si Leigh ay Marahan Siyang Umahon sa Pool Area. Walang imik niyang Ibinaba si Leigh sa Patag na sahig. Everyone's Looking at them. Sobrang Seryoso ng Mukha ni Uno sa mga Oras na ito at Wala akong ibang mabasa na Emosyon maliban Doon. Nag Umpisa siyang I-CPR si Leigh na kaagad Kong ikinangite ng tahimik.

Ang totoo ay ngayon ko lamang natitigan ng ganito kalapit ang Mukha ni Uno. Nakakatawang isipin subalit talaga nga palang napaka gwapo ng Isang ito. Ang basa niyang Puting polo ay Bahagyang bumakat sa Hubog ng kaniyang katawan. It feels like his abs and Biceps are waving at me right now. Ang kaniyang Buhok naman ay gulo-gulo subalit mas tila yata Bumagay pa iyun sa Kaniyang Gwapong Mukha. Panay ang tulo niyun sa Mukha ni Leigh habang sini- CPR niya ito.

"Nakaratay Ang Kaibigan mo kaya naman ano bang Nginingite-ngite mo diyan?". Masungit na tanong saakin ni Deiwelle.

"Don't worry about Leigh. I'm sure she's going to be fine". Mahinang anas ko bago Bumaling Kay Cyrine na Humahagulhol ng Iyak sa Bisig ng kaniyang Ina.

'Ang Impaktang ito!'.

"Cyrine!".

*PAK*

KYLIX SLAP CYRINE

"K-Kuya..". Umiiyak na anas ni Cyrine habang nakahawak sa Pisngi niya.

"Kylix! Ano bang ginagawa mo! Bakit mo sinampal si Cyrine!". Naguguluhang anas ni Mrs Cindy Lovereigh.

"Why did you fvcking do that! Bakit mo siya itinulak sa swimming pool, Huh! Talaga bang balak mo siyang patayin, huh!". Galit na galit na Sigaw ni Kylix Kay Cyrine.

"Anak ano ba! Huwag mong sigawan Ang Kapatid mo!". Saway ni Mrs Cindy Lovereigh habang yakap yakap si Cyrine.

"B-Bakit ba mas kinakampihan mo yang Babae na'iyan! Lahat nalang kayo siya ang kinakampihan niyo!". Umiiyak na Sigaw ni Cyrine. "Alam mo kung Anong mas masakit sa lahat? Kapatid at Boyfriend ko pa mismo ang nag tulong na sumagip sa babaeng iyan habang walang kahit Isa na Tumulong sa akin!".

Matapos niyun ay Padabog at Umiiyak na Tumakbo si Cyrine papalayo na kaagad namang Hinabol ni Mrs Cindy Lovereigh. Mariin akong Lumunok bago muling Bumaling kina Leigh at Uno.

"How is she, Kuya Uno?". Bakas Ang Labis na pag-aalala sa Boses na iyun ni Ford. Bahagya akong natigilan habang pinagmamasdan Siyang mabuti.

'Tama ba ang pagkakaintindi ko? B-Bakit para yatang may matinding Selos akong nababasa sa mga mata ni Ford? T-teka, Don't Tell me.. May gusto rin siya Kay Leigh?'

Pinanood ko nang malakas na maibuga ni Leigh ang Tubig sa kaniyang bibig.

'Thanks god!'

"L-Leigh..". Sabay kaming Lumapit ni Deiwelle sa gawi niya.

"Q-Queen..". Pag-aalalang anas ni Uno bago Mariing niyakap si Leigh. Muli Kong nilingon si Ford at matapos niyun ay tuluyan Kong nakumpirma ang aking hinala.

"May Malay na siya kaya Bakit parang nanginginig parin ang katawan niya?". Bigla ay anas ni Third ng mapansin ang Marahang Panginginig ni Leigh.

'It's because of her Trauma'

"Kami na Ang bahala sa Kaniya. Maraming Salamat sa inyong lahat, Lalo na sa'iyo Uno". Saad ko bago Kaagad na Inalalayan si Leigh Tumayo. Subalit ikinagulat ko ang ginawang pag-pigil ni Uno. Mariin Niyang hawak-hawak Ang kamay ni Leigh na tila ba ayaw na niyang Bitawan ito.

"Thank you for saving her, Uno". Ani Deiwelle bago Nilingon Ang kamay ni Uno na mahigpit na nakahawak sa kamay ni Leigh. "Pero pwede mo na siyang bitawan ngayon".

Ilang Segundo rin ang tumagal bago tuluyang binitawan ni Uno Ang kamay ni Leigh. Bakas parin ang panghihina at Panginginig ng katawan ni Leigh. Agad na Lumapit si Kylix at Deiwelle bago pinag Tulungan na alalayan si Leigh na Lumakad. Sa kabilang Dako naman ay natanaw ko si Channel na Mariing nag aalala para Kay Leigh.

"Saan niyo siya dadalhin?!". May Otoridad na Tanong ni Auntie Ysabelle na ikinatigil naming lahat. "Dito siya naaksidente sa pamamahay ng mga Khairuz. Kaya Marapat lamang na kami ang mag asikaso sa kaniya".

"A-Ano?". Nagugulat na Saad ni Deiwelle at Kylix.

"P-Pero okay Naman na po si Leigh Ma'am Ysabelle. Kami na po ang bahala sa Kaibigan nami---".

"Narinig niyo Ako ng malinaw, Hindi ba?". Pagmamatigas niya na ikinatikom ng bibig ko. "Onel Ace ipasok mo na siya sa Loob".

"O-Opo, Auntie Ysabelle..". Kaagad na sagot ni Uno bago Marahang kinuha si Leigh Kay Kylix at Deiwelle. Binuhat niya iyun na parang bridal at pagkatapos ay Kaagad na Ipinasok sa Loob ng Mansyon ng mga Khairuz.

Loving my Ex-Boyfriend's brother (THE SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon