Chapter 26

716 25 11
                                    


Queen Leigh Hernandez POV
**

Matapos ang naging paguusap namin ni Dawson ay napag pasyahan ko munang lumakad sa may Garden upang makapag Isip-isip. Masyadong malawak ang mansyon ng mga Khairuz na nag mistulang luneta. Mayroon rin silang sariling Fountain na may roong makukulay na Ilaw. Nakakamangha rin ang ibat-ibang uri ng mga bulaklak na naroroon, Halatang alagang-alaga sila. Muli akong lumakad upang ipag patuloy ang paglilibot subalit kaagad na naagaw ng isang bagay ang aking atensyon. Isang napakalaking tila aquarium na napakaraming Ilaw. Hindi ko lubos inakala na nakapaloob doon ang napakaraming bulaklak ng Tulips na may ibat-ibang kulay.

'N-Napaka ganda..'

“Do you like, them?”.

Nagugulat akong lumingon mula sa aking likuran. I was surprised to see Uno. He's smiling at me.

Tipid akong gumanti ng ngite before I nodded.

"They're all beautiful..". Manghas saad ko bago muling bumaling sa mga tulips na animo'y nagkikinangan dahil sa liwanag mula sa ilaw sa loob. "P-pero ngayon ko lang nalaman na pwede palang mag tanin ng tulips dito sa pilipinas since it's tropical county. Maliban doon ay lahat ng klase ng kulay ng tulips ay mayroon kayo rito".

Marahan siyang lumakad papalapit sa akin upang mag pantay ang aming pwesto. Pinanood ko ng marahan niyang hamawakan ang malaking transparent na salamin na nagsisilbing tila aquarium sa mga tulips na bulaklak.

"I'm glad you like it". He whispered.

"H-Huh?".

"It was hard to grow tulips in warm and tropical climates, but not impossible..". Nakangiting aniya na bahagyang ikina awang ng aking labi. "This is my own climate controlled farm. It has a perfect cold and natural Climate that tulips needed to grow".

Mariin akong nakatitig sa mukha ni Uno habang nag kukwento siya. Tyaka ko lang iyun kaagad na inalis ng tuluyan siyang lumingon sa akin.

"K-Kaya Pala..".

"Gusto mo bang pumasok sa loob?".

Muli ko siyang nilingon ng may tuwa.

"Pwede ba?". Exited na tanong ko.

Bahagya siyang natigilan sa naging reaksyon ko. Marahan siyang ngumite ng matamis habang nakatitig sa akin.

"Of course..".

I smiled.

Kaagad kong sinundan si Uno papunta sa entrance at pagkatapos ay pinanood ko siyang buksan iyun. Pinauna niya akong pinapasok sa loob bago siya sumunod at isara ang pinto. Kaagad na bumungad sa akin ang lamig ng temperatura dahilan upang marahan kong mayakap ang aking sarili.

'Napaka lamig nga pala talaga sa loob..'

I was about to walk towards the field of tulip flowers when I suddenly stopped.

*ISINUOT NI UNO SA AKIN IYUNG SUOT NIYANG JACKET*

Lunok

"Baka sipunin ka sa lamig". Seryosong aniya bago marahang ngumite at nag patiunang Lumakad.

"T-teka lang..". Huminga ako ng malalim bago akmang ibabalik sa kaniya yung Jacket ng muli siyang mag salita.

"Baka hindi ka ulit pauwiin ni Auntie Ysabelle kapag bigla ka nalang sinipon o nilagnat. You know her very well.. kung sa akin ay okay lang iyun, subalit Ikaw lang ang iniisip ko". Seryosong aniya habang nakatalikod sa akin.

"P-pero kasi..".

"Maliban nalang kung gusto mo pa talagang manatili dito ng matagal..".

Mariin akong lumunok bago sumusukong bumuntong hininga.

"Fine.. Tatanggapin ko ito. Salamat..".

{Sa kabilang banda ay palihim na napangite si Uno habang nakatalikod bago tahimik na nag patiunang lumakad}

'Baka Ikaw naman ang sipunin o lagnatin dahil naka sando ka lang.. Iyun sana ang gusto kong sabihin'

Sighs...

Kaagad akong sumunod kay uno ng tahimik. Nakatayo siya sa kabilang bahagi ng mga nakahelerang puting tulips sa pagitan namin. Animo'y hinihintay ako na makalapit ng lubusan papalapit sa kaniya habang nakatitig sa aking mukha. Mariin akong napalunok ng maramdaman ang unti-unting pag bilis ng aking puso habang papalapit ng papalapit sa kaniya. Tila ba matagal nitong kinanabikan ang lalaking nasa kaniyang harapan. Tuloy ay hindi ko maiwasang isipin iyung araw noong mga bata pa lamang kami. Iyung araw kung saan peke kaming nag pakasal subalit buong puso at totoong nangako ng Pagmamahal sa isat-isa. Ganitong ganito rin ang naramdaman ko noon habang papalapit sa batang si Uno.

'A-Ano bang ginagawa mo, Cyrine! Tumigil ka!'

Mariin kong naikuyom ang aking kamao sa labis na pag-aasam na pigilan ang damdamin na tila ba nag uumpisang umusbong. Bago pa man ako tuluyang lamunin nito ay kaagad ko ng pinutol iyun at mariing huminga ng malalim.

"I'm sure masaya si Cyrine ng makita niya ito..". Pag putol ko sa katahimikan.

"Ikaw masaya ka ba?". Deretyang tanong niya na bahagyang ikinatigil ko.

"E-Excuse me?".

Inusente siyang ngumite bago pumitas ng isang Tulips.

'Parang kanina ko pa ata napapansin na Panay ang pag bato niya sa akin ng tanong kapag binabangit ko si Cyrine.. A-Ano bang iniisip niya?'.

"Isang beses ko lang siya nadala dito. Sabi niya naman gusto niya pero parang hindi e..". Nakangiting aniya bago bumuntong hininga. "Kapag niyayaya ko siya pumunta ulit dito palagi siyang umiiwas o kaya naman palagi siyang busy. Marahil ay nag iba na talaga ang mga bagay na gusto niya noon".

Bahagya akong nag baba ng tingin.

"Ganun na nga marahil..". Tipid na sagot ko bago mariing bumuntong hininga.

"Nang mawala si Cyrine halos gumunaw yung mundo ko. Ilang ulit ko ring ginustong mawala at sumunod nalang sa kaniya sa kabilang buhay---".

"Bakit hindi mo ginawa?". Malamig na tanong ko na ikinatigil niya. Bahagya akong nag angat ng tingin upang salubungin ang nagugulat niyang mga mata.

'Kasinungalingan!'

"Sabi mo mahal mo siya diba? Pero bakit hindi mo siya hinanap noong mawala siya?". Deretyang tanong ko.

"B-Because we thought she's dead..". Malumanay na sagot niya. "M-May nahanap na bangkay ng isang sunog na batang babae ang mga kapulisan, kung kaya't Inakala naming lahat na si Cyrine iyun".

"Pero nag kamali kayo, hindi ba?". Malamig na tanong ko bago siya binigyan ng isang malamig na tingin. "Ibig sabihin hindi mo talaga ginawa ang lahat, Uno. Kasi kung mahal mo siya sana gumawa ka ng paraan noon na malaman ang totoo. Sana hinanap mo siya kahit na mukang impossible o kahit na hindi mo alam kung saan mag sisimula. Sana kumilos ka kung mahal mo talaga siya at sana may ginawa ka kahit na ano para mahanap si Cyrine...".

Pinanood ko nang marahang pumatak ang Kaninang nangingilid niyang mga luha. Punong puno iyun ng sakit at hinagpis subalit mag kaganun man ay malinaw sa akin na mas nasasaktan ako sa sitwasyon at sa mga sandaling ito. Na mas malalim ang sugat na tinamo ko kumpara sa kaniya o maging sa kanilang lahat.

"Pumasok na tayo sa Loob". Peke akong ngumite matapos iabot sa kaniya ang kaniyang Jacket at pagkatapos ay walang imik na lumabas sa Tulips Garden. Huminga ako ng malalim at kaagad pinawi ang luhang kusa na lamang pumatak ng tuluyan akong maka akyat sa aking kwarto.

'I hate this! Bakit ba pag dating sa'iyo, lumalambot ako. Pagkasama kita ay sumasaya ako, subalit sa kabilang banda  kapag naaalala ko lahat ng mga kasalanan mo ay nasasaktan ako ng sobra'

🦊✏️

Loving my Ex-Boyfriend's brother (THE SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon