Queen Leigh Hernandez"Maraming Salamat po sa lahat, Auntie Ysabelle". Nakangiting anas ko bago siya marahang niyakap. Sobrang saya ko dahil alam ko na may isang taong katulad niya na mapag kakatiwalaan ko. Isang taong malalapitan ko at isang taong mapag sasabihan ko ng lahat.
"Mag-iingat ka Ija.. kung kailangan mo ng tulong kahit na ano ay nakahanda akong tulungan ko hanggat makakaya ko. Kahit na ano..". Aniya na siyang marahan kong ikinangite.
"Uhmm..".
"Masiyadong delikado ang larong pinapasok mo. Maaring mawala ang lahat ng mayroon ka sa isang iglap. Maari kang masaktan o makasakit subalit ganun naman talaga ang takbo ng mundong ginagalawan natin. Ganun ang patakaran ng larong ito.. Ang tunay na laro ng mga High Rank Families. Ang laro na hindi pera at karangyaan subalit buong pagkatao, prinsipyo at buhay ang nakataya. Subalit huwag kang mag alala.. Batid ko na hawak mo ang alas sa iyong baraha na siyang mag papanalo sa'iyo". Bulong niya sa paraang kami lamang ang makakarinig.
"Naiintindihan ko po". Seryosong saad ko bago kalaunay kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. "Inihanda ko na ang aking sarili kung iyun ang inaalala niyo. Handa na akong isugal ang lahat sa larong ito maging ang sarili kong buhay makuha ko lang ang hustisyang hinahanap ko".
'kung iyun lang ang paraan upang mabago ang takbo ng kapalaran ng mga High Rank Families. Maging ang Hustisya para sa anak ko at para matigil na ang lahat ng kalokohang ito'.
Muli ko namang naalala ang mga salitang tinuran sa akin ni Auntie Ysabelle noong isang Araw.
'Nasa iyo ang pag papasya kung gagamitin mo iyun bilang isang lason na papatay sa'iyo o Isang sandata na maaari mong gamitin upang iligtas ang iyong sarili, Cyrine'.
Mariin akong bumuntong hininga at pagkatapos ay kaagad kumilos upang ayusin ang aking sarili.
"Let's go, Queen..". Dos.
"Sumabay kana sa akin, Queen Leigh". Fourd.
"Go with me..". Uno
Bahagya akong napamaang ng halos sabay sabay nila akong ayaing sumakay sa kanikanila nilang sasakyan. Ang pulang sports car ni Uno na ilang ulit ko ng na sakyan. Gayun din ang puting sports car ni dos na minsan ko naring nasakyan subalit ang dilaw na sports car ni Ford ang siyang hindi ko pa kailanman nasubukang masakyan. Mariin akong bumuntong hininga bago sila Isa-Isang pinag masdan. Lahat sila ay seryoso ang mukha habang nakatingin sa isat-isa. Tila ba mga nag babanggang trumpo na walang gustong sumuko o mag patalo.
'Ano bang dapat kung gawin sa magkakapatid na ito..'
Hysss..
"Nakakamangha ang kakaibang haba ng iyung buhok, Ija. Aba'y tatlong makikisig na ginoo ang nakaabang para ayain kang sumakay sa kanilang mga sasakyan hahaha!". Biro ni Auntie Ysabelle na muli kong ikinabuntong hininga.
"Napaka swerte niyo naman po, Ma'am Queen Leigh". Animo'y kinikilig na anas ng isang katulong na siyang katabi ni Auntie Ysabelle. Nag simula akong lumakad papalapit sa gawi nila at doon ay nasalubong ang nag hihintay na si Dos. Bahagya nang nakabukas ang pintuan ng kaniyang kotye na tila ba ako nalang ang tanging hinihintay niyun.
"Tara na..". Nakangiting aniya subalit hindi ako kumibo. Bagkus ay huminga ako ng malalim at walang salita siyang nilampasan.
"I'm glad to know na sa akin mo napiling sumabay". Nakangiting anas ni Uno ng huminto ako sa harapan niya. Pinanood ko siyang buksan ang kaniyang pintuan gayung wala naman akong balak na sumakay doon. Bahagya akong ngumise upang inisin siya at akmang lampasan siya ng marahan niya akong hawakan sa aking braso dahilan upang automatiko akong mahinto.
"W-What do you think are you doing?".
Pinanood kong huminga si Uno ng malalim bago inilapit ang mukha sa akin. Doon nag tagpo ang aming mga mata na siyang bahagyang ikinalunok ko. Pakiramdam ko ay bahagyang nanghina ang aking mga tuhod kahit pa anong pagmamatigas ko sa mga sandaling ito.
"It's fine..".
"A-Ano?”.
"Pwede kang sumabay kay forth kung gusto mo. It was just fine to me". Mariin siyang Bumuntong hininga bago tipid na ngumite. "And thank you for not getting in Dawson's car."
Bahagya kong nakagat ang labi ko bago kaagad na binawi ang sarili kong braso mula sa pagkakahawak niya.
"I don't need your opinion, Uno. Sasakay ako kahit saan ko gusto and not because you ask me to". Asik ko bago inis siyang tinalikuran. "Hindi ko rin kailangan ng permiso mo dahil hindi naman na kita, boyfriend".
Matapos niyun ay Kaagad akong sumakay sa sasaktan ni Ford ng walang paalam. Ako na mismo ang nag bukas ng pintuan at padabog iyung isinara.
'Nakakainis! Nakakainis ka talaga, Onel Ace Khairuz!'
"D-dito ka sasakay?". Bagamat nakangite subalit bakas ang pag tataka sa mga mga ni Ford.
"B-Bakit ayaw mo ba? Niyaya mo ako kanina, diba?". Kunot noong anas ko.
"Nag bibiro lang naman ako eh". Aniya na kaagad ikina awang ng labi ko.
"E-Eh?".
"Hehehe.. jowk lang po". Aniya bago kaagad na inistart ang sasakyan at kaagad iyung pinaandar.
BINABASA MO ANG
Loving my Ex-Boyfriend's brother (THE SEQUEL)
Roman pour Adolescents"Life is Like a Gambling. It's up to you if you're gonna play with it or you're gonna let yourself lose the game and so does love". - Queen Leigh Hernandez/Cyrine Fox Lovereigh "Lying is part of our life. the more you lie the less you feel the pain...