Chapter 16
Cyrine Fox Lovereigh POV
"Happy birthday, Ysabelle". Pagbati ni Mommy.
"I can't believe that the Celebrant was this beautiful on her 60th birthday. Aba'y tila pabata ang iyung edad, Ysabelle". Masayang biro naman ni Daddy.
"Bolero ka paring talaga Doc Kalix Fox Lovereigh". Tumatawang Sagot niya bago marahang Hinampas Ang Balikat ni Dad.
'Tch! Nakakainis! Bakit ba kailangan pang mag Celebrate ng gurang na ito? Ngayon ko pa Naman gustong mamasyal sa Korea with Uno para mag Bakasyon! Pabidang matanda!'
"How are you, Cyrine?". Bigla ay Bungad niya sa akin dahilan upang Bahagya Kong maitaas Ang Balikat ko sa Gulat.
"Happy birthday po, Auntie Ysabelle". Bungad na bati ko dito habang nakahawak Ang aking mga kamay sa Braso ni Uno. "Napaka ingrande po ng Birthday party niyo. Sobrang ganda niyo rin po sa Suot ninyong dress Auntie".
"Bolerang Bata, manang mana ka talaga sa'iyong Ama". Biro niya na Ikinatawa nila. "How about you, Onel Ace? Hindi mo ba Ako babatiin?".
"Tss..". Asik ni uno bago kalaunay mahinang ngumite. "Happy birthday, Auntie Ysabelle".
"Thank you..". Bakas Ang matinding galak sa mga mata ni Auntie Ysabelle matapos siyang batiin ni Uno.
"Happy birthday, Auntie Ysabelle".
Bahagya akong napalingon sa Pamilyar na Boses na iyun. Kaagad na nangunot ang Noo ko sa inis ng Bumungad sa akin ang pag mumukha ni Queen Leigh Hernandez. She's with her two friends Rykie and Deiwelle.
'A-Anong ginagawa ng Bruhang iyan dito!'.
"Oh, Queen Leigh..". Nagugulat na anas ni Auntie Ysabelle bago automatikong Malawak na ngumite. "I'm glad you come, Muntik na akong mag Tampo sa'iyong Bata ka".
Pinanood ko si Queen Leigh na Lumapit Kay Auntie Ysabelle upang bumeso at yumakap dito.
"Mukhang Hindi lang si Auntie Ysabelle ang masaya". Sarkastikong anas ko bago Bumaling Kay Uno. He's seriously staring at her at tyaka lang tumingin sa akin ng mapansin na tinitignan ko siya.
'Are you kidding me!'
"Baka gusto mo ring Yumakap at Bumeso sa kaniya!?". Bakas na Ang inis sa Boses ko.
"What the fúck is your Problem, Cyrine?". Takang aniya. Ramdam ko rin na naiinis na siya dahil sa inaasta ko kaya naman walang sali-salita ay Bigla na lamang niya Akong tinalikuran. Mariin Kong naikuyom ang kamao ko sa inis bago siya agad na sinundan ng tahimik.
"Wala pa ngang ginagawa yung Manok ko Umuusok kana sa Galit. Pano pa kaya kung kumilos na Iyan? Baka naman mamatay kana sa Selos?". Sarkastiko at mapang asar na anas ni Rykie ng mag salubong ang mga mata namin.
"Shut up!". Mahinang asik ko bago ko siya Mariing inirapan at nag patuloy sa Pag habol Kay Uno.
'Bakit ba kasi Hindi ka pa natuluyang Babae ka ng itulak Kita sa Hagdan! Bwiset! Bwiset! Mga Bwiset!'.
Inis kong hinanap si Uno sa kalagitnaan ng party. Masiyadong Maraming tao sa Paligid at nakakainis lang dahil ambilis niyang nawala sa Paningin ko. Kung Hindi lang sana ako hinarangan ni Rykie ay baka Naabutan ko kaagad si Uno.
BINABASA MO ANG
Loving my Ex-Boyfriend's brother (THE SEQUEL)
Teen Fiction"Life is Like a Gambling. It's up to you if you're gonna play with it or you're gonna let yourself lose the game and so does love". - Queen Leigh Hernandez/Cyrine Fox Lovereigh "Lying is part of our life. the more you lie the less you feel the pain...