Chapter 15

602 23 5
                                    

Chapter 15

Kaori Dashia Dizon

Aligaga kong inaayos ang aking Sarili Mula sa Kwarto ko. Halos Wala pa ngang Limang minuto subalit bakas na sa Mukha ni Third ang inis at matinding pagkainip.

"K-kung gusto mo pwede ka namang mauna na sa Birthday party ni Auntie Ysabelle e. Susunod na lamang ako". Suhestyon ko na lalong ikinakunot ng Noo niya.

"For what? Para isipin ng mga Tao dun na kinakawawa Kita?". Mayriing asik niya habang masama ang tingin sa akin.

"It's not what I meant to---".

"Mabuti pa bilisan mo nalang kumilos, Kaori. Bakit ba napaka Tagal mo Naman yata mag bihis? Talo mo pa Ang may Birthday samantalang bisita lang Naman Tayo!". Aniya bago tuluyang Lumakad Palabas ng Kwarto.

Bahagya akong natigilan sa mga tinuran niya bago mariing bumuntong hininga. Kung pwede lang sana na Huwag nalang pumunta ay ginawa ko na pero alam ko Naman na may masasabi parin si Third kapag ginawa ko iyun.

'Hindi ko na alam kung Papaano pa ilulugar Ang sarili ko Kay Third. Hindi ko Naman hinihiling na tratuhin niya Ako bilang Asawa pero sana naman respetohin niya naman ako kahit na Konti lang'

Naging Mahaba Ang Byahe Namin papunta sa Event ng Birthday party ni Auntie Ysabelle. Subalit walang sinoman sa amin ang nag salita sa kabuohang Byahe. Hanggang sa makarating kami sa Party ay ramdam ko parin ang panlalamig ni Third. He didn't even introduce me to his Friends na nakasalubong namin papasok.

'Bakit ngayon kapa nasasaktan, Kaori? Matagal Naman na niyang ginagawa iyan e. Hindi ka parin ba nasasanay?'.

Malamig akong ngumite sa kawalan bago tahimik na nangunang pumasok sa Event kung saan ko Nakita si Auntie Ysabelle.

"Happy 60th Birthday po, Auntie Ysabelle". Nakangiting pagbati ko bago pormal na Bumeso sa kaniya. "Napaka Ganda niyo Po Ngayong Gabi".

"Hay Naku, Maraming Salamat Kaori Ija". Masayang Tugon niya bago Ako niyakap. "Bueno, Nasaan Ang iyong Asawang si Third? Bakit naman pinababayaan ka niyang mag-isa. Makakatikim sa akin iyang batang iyan!".

"H-Hindi po, Auntie Ysabelle. Mag Kasama Po kaming Dumating ni Third. Pinauna niya lang Po ako papasok dahil may Kinakausap pa siya sa labas". Pag papaaliwanag ko. Matapos niyun ay Minabuti ko na munang maghanap ng ma-pupwestohan. Gusto ko kasing makaiwas sa mga Tanong ni Auntie Ysabelle sa akin. Baka kung ano pang masabi ko patungkol sa Totoong trato sa akin ng Pangatlo niyang Apo

"Kaori..".

"H-Huh?". Mahinang anas ko ng Marinig ang tumawag sa akin. Bahagya Akong napangite ng tuluyan siyang Makilala. "K-Kelvin?".

"Yeah, Long time no see..". Nakangiting aniya ng tuluyang makalapit sa gawi ko. "Nag-iisa ka ata, Where's Third? Hindi mo ba siya kasama?".

Bahagya akong natahimik bago pasimpleng nagbaba ng Tingin.

"He's with his friends". Peke akong ngumite habang marahang hinahaplos ang singsing sa aking daliri.

"He's with his friends habang Ikaw mag-isa dito?". Takang aniya na ikinabuntong hininga ko.

"May importante lang Silang pinag-uusapa---".

"Mas importante pa kaysa sa'iyo na Asawa niya?". Dismayadong anas ni Kelvin. Animo'y Hindi makapaniwala. "Nasan ba Ang lalaki naiyun at Ako mismo Ang kakausap sa kaniya ng malaman niya na Wala siyang karapatang tratuhin ka ng ganito!".

Akma sanang aalis si Kelvin para Hanapin si Third ng pigilan ko Siya. Hindi Ako nag salita subalit naging mariin ang pag hawak ko sa kaniyang kamay. Ramdam ko ang Pangingilid ng Luha sa mga mata ko sa mga Sandaling ito. Ganun din ang sakit at sama ng Loob na kinikimkim ko sa aking Sarili.

"K-Kaori..".

"Salamat Kelvin pero Hindi mo na kailangang Gawin iyun". Mariin akong Pumikit bago palihim na pinunasan Ang Luha sa Mata ko. "Okay lang Naman Ako e".

"Tell me the truth, Kaori. Minahal Ka manlang ba niya?". Mahinang tanong niya na Ikinatigil ko. "Trinatrato Ka manlang ba ng Tama ni Third? Tinatratrato Ka manlang ba niya bilang Asawa niya?".

Bahagya Akong natigilan sa tanong niya bago mapait na ngumite.

"Kailangan pa ba?". Mapaklang sagot ko bago nag angat ng tingin Kay Kelvin. "Arrange Marriage lang naman ang namamagitan sa Aming dalawa e. Kasal lang kami sa papel at iyun lang iyun".

"A-Ano?! Naririnig mo manlang ba ang sinasabi mo Kaori!?". Mayriing asik niya bago binawi Ang Sariling mga kamay upang hawakan ang magkabila Kong Balikat. "Alam mo ba kung gaano kasakit sakin na ipaubaya ka sa Kaniya!? And then now sasabihin mo sakin na okay lang sa'iyo Ang mga ginagawa ni Third!?".

"Arrange Marriage man o Hindi, Walang karapatan si Third na Tratuhin ka ng ganiyan, Kaori. Tàngina kailan mo pa kinalimutan Ang Halaga mo?". Anas ni Queen Leigh na Kanina pa Pala nakikinig Mula sa Likuran Namin ni Kelvin. Bahagya Akong huminga ng malalim bago siya Marahang Hinarap. "It's been a while, Class Pres pati narin sa'iyo Kelvin".

"Q-Queen Leigh..".

"O-Oh? Ikaw ba talaga yan Queen Leigh?". Nagugulat niyang pinag masdan si Queen. "Pano ko ba sasabihin ito? Ang Laki ng ipinag bago mo".

"Talaga ba?". Nakangiwi siyang Lumapit sa gawi Namin ni Kelvin. "Ikaw din naman Malaki na Ang ipinag bago ng ityura mo, Kelvin. You look good". Matapos niyun ay agad siyang Bumaling sakin. "How are you Class Pres?".

"Yan parin Pala Ang tawag mo sa akin". Mahina akong natawa bago siya Marahang nginitian. "Hindi na Ako Ang Class President niyo dahil Wala na Tayo sa Senior Hi-----".

"I know..". Seryosong aniya bago Ako binigyan ng tipid na ngite. "I just wanted to remind you na minsan mo na kaming pinamunuan. Napaka galing mong Class President at talaga namang Hangang-hanga Ako sa'iyo noon Kaori. Ayaw ko Mang aminin subalit Isa ka sa mga Taong nakakuha ng respeto ko noong mga Senior High palang Tayo".

Bahagya Akong napamaang sa mga sinabi ni Queen Leigh. Hindi Ako makapaniwala na sa lahat ng tao ay sa kaniya ko maririnig ang mga salitang ito. Tuloy ay Hindi ko maiwasang bahagyang pangilidan muli ng aking Luha.

"Kaya Naman nag tataka ako kung bakit hinahayaan mo si Third na Itrato ka ng ganito. This is not the Class President that I know and This is not you, Kaori".

Mariin Kong nakagat Ang aking pang-ibabang labi at pagkatapos ay Mariing niyakap si Queen Leigh. Wala nang kahit na ano pang Mga salita Ang Lumabas sa Bibig ko maliban sa aking kumakawalang pag-hikbi.

'Paano nga ba Ako nauwi sa ganito? Kailan ko pa hinayaan ang ibang Tao na Tratuhin Ako na parang basura. I should know my Worth!'.

'Una palang dapat Hindi ko na dapat hinayaan si Third na Gawin sa akin ito. It's not my Fault kung bakit Hindi sila nag katuluyan ni Channel dahil Hindi ko rin ginusto iyun! Kaya Hindi dapat Ako mag Guilty sa mga Nangyare'

"M-Maraming Salamat, Queen Leigh..". Huminga Ako ng malalim bago Hinawakan Ang kamay niya. "Thank you for reminding me of my Worth".

Loving my Ex-Boyfriend's brother (THE SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon