Chapter 24

630 27 14
                                    

Onel Ace Khairuz POV
***
*
~

Kringggggg~

Phone call:

"Hello.. Mr Onel Ace Khairuz?".

Huminga ako ng malalim.

"Detective Conan? Kamusta.. Is there any Update tungkol sa pinapa asikaso ko sa'iyo?".

"Nakapag tanong-tanong na ako sa mga dating kapit bahay nila pati narin sa ilang mga dating Costumers ng Chicken kitchen house. Hindi naman lingid sa kaalaman natin na ampon ni Baggy Hernandez ang anak na si Queen Leigh Hernandez".

"Yeah.. maliban doon ay may nalaman ka pa ba?". Naiinip ng tanong ko. "It's been one week since I hired you, Detective Conan. Pinili kita dahil sabi nila ikaw ang pinaka magaling. Sana naman ay huwag mo akong biguin".

"I know.. medyo natagalan lang ako dahil sa isang anumalya..".

"What do you mean?".

"Walang report na dumaan sa mga kapulisan kaya naman wala akong nahanap ni isang lead tungkol sa pagkatao ni Ms Queen Leigh Hernandez. Wala ring malapit na kapamilya si Baggy Hernandez na makatutulong sa imbistigasyon. But, we're still lucky dahil may nakausap akong isang witness na naka saksi kung papaano nakuha ni Baggy Hernandez si Ms Queen Leigh".

"Go on.. I'm listening". Intresadong saad ko.

"Alam mo ba iyung Insidenteng nangyare sa pier ng Isla Verde sampong taon na ang nakakalipas?".

Kaagad akong natigilan bago mariing lumunok.

"Marahil ay hindi dahil bata kapa----".

"Alam ko iyun..". Deretyang sagot ko matapos huminga ng malalim. "How can I forget the day when I lost the most important girl in my life? Ang araw na halos gabi-gabi akong hindi pinapatulog..".

"A-Anong ibig niyong sabihin Mr Onel Ace Khairuz?". May bahid ng Pagtatakang tanong niya.

"Iyun ang araw kung saan sumabog at lumubog ang sasakyan ng mga hayop na kumidnap kay Cyrine. Ang araw kung saan inakala naming lahat na patay na siya". May halong galit na anas ko kasabay ng Isang tila kirot na biglang Umusbong sa aking puso. Ang alalahanin ang araw na iyun ay tila bangungot na patuloy na nagbibigay takot at sakit sa akin.

"What a coincidence then..". Animo'y na mamanghang aniya bago mahinang natawa. "yun din ang araw kung saan napulot ni Baggy Hernandez si Ms Queen Leigh Hernandez sa tabing Isla ng Isla Verde kung saan nahulog ang sinasakyan ng Batang babaeng tinutukoy mo".

"A-Anong..". Malakas na kumabog bigla ang puso ko. Kasabay niyun ang paglabas ni Queen Leigh mula sa may Beranda ng kaniyang kwarto. Deretyang tumingin sa akin mula sa itaas dahilan upang mag tama ang aming paningin. "W-What did you just say?".

"Hindi ko mapigilang isipin subalit maaari kayang---". Detective Conan.

"I--Imposible..". Halos mabulol na anas ko habang mariing Umiiling. Batid ko na parehas ang aming iniisip ni Detective Conan sa mga sandaling ito. Muli akong nag angat ng tingin kay Queen Leigh mula sa Beranda bagamat wala na sa akin ang kaniyang paningin.

Loving my Ex-Boyfriend's brother (THE SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon