Chapter 27 - The Mastermind

1K 31 34
                                    

Chapter 27
**
Cyrine Fox Lovereigh

Ikatlong araw narin ang nakalilipas simula ng maganap ang away sa pagitan namin ni Queen Leigh sa mansyon ng mga Khairuz. Matapos niyun ay kaagad akong nag pa-confined sa Hospital ng mga Lovereigh sa pag aasam na lumambot ang puso ni uno sa akin. Nag panggap ako na may sakit subalit heto't walang Boyfriend na nag pakita sa akin.

'Buwiset!'

"A-Ah Ma'am Cyrine.. wa-wala pa po ba kayong balak mag pa discharge? Pangatlong araw niyo na po kasi dito e. Okay naman po ang vitals niyo at mukang wala naman na po kayong sakit". Anas ng isang nurse na nag aasikaso sa akin.

I rolled my eyes.

"So anong gusto mong palabasin?". Mataray na asik ko sa nurse bago siyang mariing pinag dilatan ng mata. "Ang kapal ng mukha mo na paalisin ako sa sarili kong Hospital!".

"M-Ma'am hindi naman po sa ganun.. sinasabi ko lang naman po sa'iyo na----".

"I don't need your explanation! Isa ka lang pipityuging nurse na nag tatrabaho para sa pamilya namin and you don't have any single right na pag sabihin ako. Do you understand!?".

"Y-yes po, Ma'am Cyrine..".

"Isa pa nga pala..". Huminga ako ng malalim bago tiimbagang siyang tinitigan gamit ang aking matatalim na mga mata. "Don't you dare tell my parents or even kay kuya Kylix ang totoo about sa Condition ko, Understand?!".

"P-po?".

"Bingi ka ba o Tánga? Gusto mo ba ulitin ko pa yung sinabi ko?". Nauubusan ng pasensyang saad ko. Mariin siyang Lumunok na animo'y naiiyak.

'Well.. I don't fvcking care!'

"Pero po k-kasi.."..

"Ayaw mo naman sigurong matanggal sa trabaho diba?". Pananakot ko dahilan ng bahagyang panlalaki ng kaniyang mga mata. Matamis akong ngumite. "Do what I say, then... Get out of my face!".

"Y-yes p-po..". Umiiyak na aniya bago aligagang lumabas sa kwarto ko.

Matapos niyun ay kaagad ko na kinuha ang aking Cellphone upang tawagan si Uno. Halos naka ilang tawag narin ako sa kaniya subalit hanggang ngayon ay hindi parin siya sumasagot.

"Fvck you, Uno! Ughhh!". Galit na Sigaw ko bago malakas na Inihagis ang cellphone ko sa labis na galit. "How dare you na pag hintayin ako ng ganito katagal! Anong karapatan mong huwag sagutin ang mga tawag ko!! Ughhh! Dámn you!".

Kaagad akong nag wala sa galit at pinag hahagis ang lahat ng mga gamit na makita ko sa kwarto ko including the flower base, my pillow and so on. Agad akong napalingon sa pintuan ng bigla na lamang iyung bumukas. Pinanood ko ang marahang pag pasok ng isang taong hindi ko inaasahang bibisita sa akin.

"What the hell are you doing here!?". Wala sa sariling tanong ko habang pilit inihihinahon ang sarili mula sa matinding galit na kanina ay nararamdaman. Pinanood ko siyang marahang mag lakad papalapit sa gawi ko.

"I'm here to visit you..". Malamig na aniya bagamat nakangite ang kaniyang labi. "Subalit hindi ko Akalaing ito ang madadatnan ko.. tsk.. tsk..tsk..". May halong pagka dismayang dagdag niya habang umiiling-iling.

I clenched my fist.

"Ano ba talagang kailangan mo!".

Bahagya siyang tumawa at pagkatapos ay marahang naupo sa may couch. Doon ay pasimple niyang pinag cross ang mga paa habang deretyang nakatingin sa akin na animo'y ganun na lamang ang pagka-dismaya.

Loving my Ex-Boyfriend's brother (THE SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon