Chapter 23
Ford Dymond Khairuz POV
***Palihim kong pinagmamasdan si Queen Leigh sa di kalayuan. Naka upo siya sa may poolside area na animo'y napaka lalim ng iniisip. Matunog akong napangise habang pinupunasan ang aking pawis sa aking noo.
'Mabuti naman at naabutan ko pa siya'
Smiled.
Kaagad kong inayos ang aking sarili at pagkatapos ay pasimpleng lumapit sa gawi niya. Tuloy ay napanood ko ang mariing pag buntong hininga niya dulot ng sariling iniisip.
"I'm jealous..".
"H-Huh?". Nagugulat niya akong nilingon ng mapansin ang presensya ko.
"Sana ako nalang yung iniisip mo.. It's okay even if you have to take a deep breath. At least I know you're thinking of me too, just like how you occupy my mind."
Kaagad siyang nanahimik habang deretyang nakatitig sa akin. Titig na tila ba inaalam niya kung nag bibiro ako o nagsasabi ng katotohanan.
"Kahit kailan talaga napaka mapag biro mo, Forth". Mahina siyang tumawa at pagkatapos ay kaagad na tumayo at kinurot ang aking pisngi. "Kaya namiss Kita e.. Pero dika na cute kasi Hindi na malaman yung pisngi mo hehehe..".
Kaagad akong natigilan at pagkatapos ay seryosong kinuha ang kaniyang kamay mula sa aking pisngi. Bahagya siyang napamaang at awtomatikong umatras subalit masyado siyang malapit sa gilid ng pool. Mabuti na lamang at alisto ako kung kaya't mabilis ko siyang nahigit palabalik dahilan upang mapayakap siya sa akin.
"Careful.. baka mahulog ka". Seryosong anas ko. Bahagya siyang nag angat ng tingin upang silipin ang aking mukha subalit ganun na lamang ang gulat niya ng masalubong ang mga mata ko. Maging ako ay mariing napalunok dahil sa lapit ng aming mukha sa isat-isa. Kasabay niyun ang unti unting pag bilis ng tibok ng aking puso lalo pa ng marahang dumapo ang aking paningin mula sa kaniyang labi.
"Marahil ay nakalimutan mo na ang naging pag amin ko sa aking nararamdaman para sa'iyo noon. Hindi na ako bata, Queen Leigh.. hindi na ako katulad ng dati na isip bata. Hindi narin Chicken Wings ang cravings ko ngayon". Seryosong dagdag ko at pagkatapos ay Marahang inilapit ang aking labi sa kaniya. Kaagad na nag dampi ang aming mga labi at pagkatapos ay naging maingat at marahan ang bawat paghalik ko sa kaniya. Hinintay ko na tumugon siya sa aking mga halik subalit nabigo ako.
Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay Bahagyang inilayo ang aking mukha mula sa kaniya. Ako na mismo ang kusang kumalas sa Halik na iyun at pagkatapos ay Mariin siyang tinitigan.
"I-I'm sorry.. Hindi ko dapat ginawa iyun". Senserong anas ko subalit binigyan niya lang ako ng isang blangkong tingin.
"Kalilimutan ko ang ginawa mo subalit sa oras na ulitin mo iyun ay Ikaw na mismo ang kalilimutan ko". Walang emosyong aniya pagkatapos ay marahang lumakad papalayo sa akin.
"Iyun ba ang babaeng ipinag mamalaki mo sa akin, Ford Dymond Khairuz? Ni hindi mo magawang makuha ang puso niya, kaya paano mo nasasabi sa aking handa mong kalimutan ang kumpanya para sa babaeng hindi ka naman kayang mahalin?". Anas ni mom habang marahang lumalakad papalapit sa gawi ko.
"What are you doing here?". Malalim akong bumuntong hininga bago siya tuluyang hinarap.
"What did you expect!? Umalis ka sa kalagitnaan ng board meeting para lang puntahan ang babaeng iyan! Nahihibang kana ba talaga?!". Bakas ang inis na asik ni Mom. "Ano nalang ang iisipin sa'iyo ng mga board members, huh!? Na irresponsible ang bagong CEO ng Khairuz Company?!".
"Do you really think may pakealam ako sa kanilang lahat?". Sarkastikong anas ko.
Isang malutong na sampal ang naging tugon ni mommy sa akin.
"Alam mo ba kung gaano ko ibinaba ang sarili ko sa Yuri Han na iyun para lang makuha mo ang posisyon bilang CEO ng Khairuz Company!". Gitil na asik niya kasabay ng marahang pagtulo ng kaniyang luha habang dinuduro ako. "I did everything I could para masiguro ang future mo pero anong ginagawa mo, huh!? You're just ruining everything ng dahil lang sa babaeng iyun!".
"Hindi niya kasalanan ang mga nangyayare, Mom. Lahat ng mga nangyayare ay dahil sa pagiging ganid ninyong lahat". Malamig na anas ko bago marahang lumakad para sana lampasan siya ng muli siyang Magsalita.
"Wala kang alam kaya mabuti pa ay manahimik ka nalang at gawin lahat ng sinasabi ko. Parin ito sa ikabubuti nating pareho". Seryosong aniya.
"Aminin man natin o hindi.. ang posisyon bilang CEO ng Khairuz Company ay tunay na pag mamay-ari ni Uno. Marahil nga ay hindi ko alam kung anong pinag gagagawa mo just to secure my future but believe me or not.. hindi ako tanga, Mom. Ang daming katiwalian na nagaganap sa kumpanya simula ng mahospital si lolo Garp. I just hope na hindi ka kasama sa mga tao na nasa likod ng lahat ng ito lalo pa at alam ko na hindi lang basta heart attack ang nangyare Kay lolo Garp". Malamig na anas ko bago tuluyang lumakad palayo sa kaniya.
Nang tuluyan akong makarating sa kwarto ko ay sakto naman na tumunog ang cellphone mula sa aking bulsa.
'Kuya Dos is calling'
"Where are you, Forth?". Malamig na bungad niya.
"Nasa Mansyon ako ngayon, kuya Dos". I answered. "Pasensya na pala kung basta nalang ako umalis sa Meeting kani--".
"Don't worry.. hindi iyun ang itinawag ko".
Bahagya akong natigilan. Ang buong akala ko ay magagalit siya sa akin dahil sa ginawa ko. Ganun naman kasi palagi ang ginagawa niya tuwing tumatakas ako sa office noon.
"Nandiyan pa ba si Queen Leigh?". Deretyang tanong niya. Bahagyang nangunot ang Noo ko.
"Weren't you just here Kaninang Umaga?". Takang tanong ko. Bahagya siyang natahimik Mula sa kabilang Linya. "Never mind.. Nandito parin siya ngayon. Hindi pa siya pinapayagan ni Auntie Ysabelle na lumabas dahil andaming nagkalat na paparazzi sa labas ng Masiyon after the incident kagabi".
"Ganun ba? Sige.. maraming salamat". Huling aniya bago tuluyang ibinaba ang tawag.
'Ang alam ko ay nag paalam siya sa akin Kaninang umaga para bisitahin si Queen..'
"He's weird..".
I was about to put down my phone ng muli iyung tumunog. This time ay si Chantal naman ang tumatawag. Malalim akong bumuntong hininga bago iyun sinagot.
"What do you want?". Walang ganang tanong ko.
"Buti naman sinagot mo yung tawag, Ford! My God! Kanina pa Kita kinokontak pero hindi mo ako sinasagot. Pinuntahan kita sa office mo pero ang Sabi sa akin ng assistant mo nakaalis kana daw".
Bahagyang nangunot ang noo ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa inaasta ni Chantal. After siyang mabasted ni Uno at ni third ay ako naman ang kinukulit niya.
'She's very desperate'
Kaagad kong pinatay ang tawag at kaagad na humiga sa kama matapos mahubad ang aking suit. Bahagya Kong niluwagan ang aking Necktie at pagkatapos ay bahagyang Ipinikit ang aking mga mata.
"I hope you're not mad at me, Queen Leigh.."
![](https://img.wattpad.com/cover/373526115-288-k789809.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving my Ex-Boyfriend's brother (THE SEQUEL)
Novela Juvenil"Life is Like a Gambling. It's up to you if you're gonna play with it or you're gonna let yourself lose the game and so does love". - Queen Leigh Hernandez/Cyrine Fox Lovereigh "Lying is part of our life. the more you lie the less you feel the pain...