Chapter 22

510 21 9
                                    


Queen Leigh Hernandez POV
**

Kinabukasan ay isang mahinang tapik ang gumising sa akin. Marahan Kong iminulat ang aking mga mata at doon bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Auntie Ysabelle.

"Good morning Ija". Aniya habang nakatitig sa aking mukha. "Naging maayos ba ang tulog mo? Nakapag pahinga ka ba ng maayos?".

Kaagad akong bumangon bago tipid na ngumite.

"Thank you po sa pag papatuloy ninyo sa akin dito, Auntie Ysabelle". Bahagya akong nag baba ng tingin. "Pero hindi niyo na po dapat ginawa iyun. Sana hinayaan niyo nalang akong sumama sa mga kaibigan ko kagabi".

"Mawawalan ng mukha ang angkan namin kung ginawa ko ang sinabi mo". Bagamat nakangiti subalit naroon parin ang tono ng pagiging strikto sa kaniyang tinig.

Alam ko naman ang ibig niyang sabihin sa mga sandaling ito. Napakaraming Media at malalaking tao ang dumalo sa kaarawan ni Auntie Ysabelle. Kaunting pagkakamali lamang ay maaari iyung makasira sa imahe ng angkan nila at maging sa kumpanya. Tuloy ay hindi ko maiwasang makunsensya.

"I'm sorry po..". Bahagya akong nag angat ng tingin. "Kasalanan ko kung bakit nangyare iyun. Kung hindi ko sana pinatulan si Cyrine ay hindi sana nasira ang birthday party niyo".

Bahagya siyang ngumite habang nakatitig sa aking mukha. Pinanood ko siyang hawakan iyun at titigan na tila ba nagbabasa lamang siya ng isang bukas na libro.

"Ang sabi sa akin ng aking apo ay malaki na daw ang ipinagbago mo simula ng mag balik ka. Subalit sa nakikita ko ngayon ay tila wala namang nag bago sa'iyo. Ganun parin naman ang iyung mga mata, Subalit batid ko na mas nadagdagan iyun ng labis na kalungkutan at puot".

Bahagya akong natigilan sa mga sinabi ni Auntie Ysabelle. Bago pa man tuluyang tumulo ang aking luha ay ako na mismo ang nag lihis ng aking paningin. Kaagad kong tinanggal ang kaniyang kamay sa aking mukha at pagkatapos ay agad na ngumite.

"Ano po bang sinasabi niyo?". Umakto ako na tila natatawa sa mga tinuran niya. "Wala na ang dating Queen Leigh na nakilala niyo. Believe me, matagal na siyang patay dahil ako mismo ang nag libing sa kaniya. Isang mahina, iyakin at lampa ang babaeng iyun kung kaya't sinong tànga ang hahayaan siyang manatili?".

Ang buong akala ko ay magagalit o magugulat siya sa mga sinabi ko subalit nag kamali ako. Sa halip ay mas lalong naging seryoso ang mukha ni Auntie Ysabelle habang nakatitig sa akin.

"Maloloko mo ang lahat ng tao sa paligid mo subalit hindi ako". Bahagya akong nagulat ng mula sa pagiging seryoso ay bigla siyang ngumite ng matamis. "At lalo namang hindi ang iyong sarili".

"You know nothing about me!".

"Try me then..". Nakangite na animo'y nag hahamon.

Mariin akong lumunok habang marahang pinanlalakihan ng aking mga mata. Pilit kong pinipigilan ang aking emosyon sa mga oras na ito, subalit ang matinding presensya ni Auntie Ysabelle ang tila humihila ng mga iyun. Na tila ba lahat ng galit at sakit na kinikimkim ko sa aking puso ko ay nag-uunahang kumawala.

"Lahat tayo ay may kaniya kaniyang kahinaan sa ating sarili. Sinasabi mo na inilibing mo na ang dating ikaw. Ang mahinang parte ng iyung pagkatao na humihila sa'iyo paibaba. Subalit ang mga luha sa iyong mga mata ay isang senyales ng kahinaan. Kung kaya't batid ko na hindi inilibig kung hindi ay itinago mo lamang ito sa iyong puso".

"Tumahimik na po kayo!".

"Hindi natin magagawang kalimutan ang mga masasakit na alaala ng nakaraan. Madaling sabihin subalit ang totoo ay tila Isa iyung bangungot na hindi natin matatakasan. Paulit-ulit natin iyung maaalala at paulit-ulit rin tayo nitong masasaktan".

Mariin kong naikuyom ang kamao ko habang patuloy sa pag agos ang aking mga luha. Masakit man isipin subalit alam ko na tama ang lahat ng sinabi ni Auntie Ysabelle. Ito ang Unang pagkakataon na muli ko nanamang naramdaman ang lahat ng kahinaan ko. Simula kasi ng bumalik ako ay hindi ko na hinayaan pa ang aking sarili na umiyak at ipakita ang aking kahinaan sa kahit na sino man.

'Papaano ko nga ba maililibing ang lahat ng aking kahinaan sa nakaraan, kung alam ko na kasama niyung mawawala ang alaala ng anak na hindi ko manlang nagawang protektahan'

"Subalit magkaganun man ay alam ko na Isa iyun sa mahahalagang sangkap upang tayo ay tumibay. Upang maging mas matapang tayo na harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay. Kasama niyun ang lahat ng negatibong nangyari sa Iyung nakaraan katulad ng matinding sakit at kalungkutan". Huminga siya ng malalim bago marahang ngumite. "Sa lahat ng mga pagsubok na pinag daanan mo ay alam ko na mas malakas kana ngayon. Nasa iyo ang pag papasya kung gagamitin mo iyun bilang isang lason na papatay sa'iyo o Isang sandata na maaari mong gamitin upang iligtas ang iyong sarili, Cyrine".

Nagugulat akong natigilan at kaagad nag angat ng tingin kay Auntie Ysabelle. Patuloy sa pag-agos ng aking mga luha subalit ang labis na pagkabigla ay ang siyang tuminag sa akin.

"A-Anong..A-Ano po a-ang ti-tinawag niyo s-sa akin?". Halos mabulol na tanong ko habang pinanlalakihan ng aking mga mata.

"Tunay na kay ganda mo paring bata Cyrine Fox Lovereigh". Nakangiting aniya na tuluyang ikinatahimik ko. Muling nag landasan ang mga luha sa aking mga mata subalit ngayon ay mas lalong uminit ang mga iyun.

"P--Papaanong..".

"Narinig ko ang naging pag-uusap ninyo ng iyung ama sa Hospital niyung gabi bago siya mamatay. Iyun din ang huling gabi bago ka tuluyang umalis ng bansa".

~Flashback~

Kaagad akong tumakas sa hospital matapos ang naging aksidente ko. Bumalik na ang ilan sa mga alaala ko subalit hindi pa lahat. Ang Alam ko lang ay ako si Cyrine subalit kung papaano ako nawalay sa Pamilya ko ay malabo parin Hanggang ngayon. Nahihirapan man subalit agad akong nag tungo sa Hospital ng mga Lovereigh. Hospital na pag mamay-ari ng aking Pamilya. Kaagad kong pinuntahan si papa na noon ay nagkaroon na pala ng malay mula sa pagkaka coma niya.

"A-Anak ko.. Queen Leigh..". Pagtawag niya sa akin. Kaagad na nangilid ang luha sa mga mata ko habang marahan na lumalapit sa gawi niya.

"Alam ko na po ang totoo papa". Umiiyak na anas ko bago marahang hinawakan ang kamay niya. "Alam ko na kung sino talaga ako at kung sino ang mga totoo Kong Pamilya. A-Ako si Cyrine Fox Lovereigh.. A-Ang nawawalang anak ng mga Lovereigh".

"M-Mabuti naman kung g-ganun Anak. Sobrang saya ko para sa'iyo. Basta palagi mong tatandaan hindi man ako ang Totoong magulang mo, Subalit kahit kailan ay hindi Kita itinuring na ibang tao, anak ko. Mag mula ng makuha kita sa dalampasigan ay ipinagpasalamat ko na kaagad sa diyos ang iyung pagdating sa buhay ko. Sa maikling panahon ay hinayaan ako ng diyos na maging ama sa pamamagitan mo". Marahan Kong pinunasan ang luha sa mga mata ni papa. Ramdam ko na ang panghihina niya sa mga sandaling ito dahil sa bigat ng kaniyang paghinga. "M-Masaya ako na mawawala dahil alam ko na hindi kana mag-iisa muli kapag wala na ako. Na hindi kana malukungkot dahil makakasama mo na ang iyung totoong mga magulang".

Matapos masabi ang mga katagang iyun ay Unti-Unti na ngang pumikit ang mga mata ni papa. Lalong mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay sa mga sandaling kusa na iyung bumitaw.

"Maraming Salamat po, Papa..". Umiiyak na anas ko bago siya marahang inalayan ng isang halik sa kaniyang noo. Napakarami ko pang gustong sabihin subalit tila na blangko na ang aking isipan sa Labis na sakit na aking nararamdaman. Ang una ay ang anak namin ni Uno at pagkatapos naman ay ang Lalaking nag alaga at nag aruga sa akin matapos akong mawalay sa aking pamilya.

'How can I fúcking deal with this pain if it's killing me?'

~End of Flashbacks~

"Kaya pala..". Mahina akong ngumite sa kawalan matapos alalahanin ang araw na iyun. "Matagal niyo na po palang alam ang totoo kong pagkatao". Huminga ako ng malalim bago pekeng ngumite. "Alam narin po ba ni Uno?".

"Hindi.. Wala siyang alam". Nakangiwing aniya bago marahang lumapit sa akin at pinunasan ang aking luha. Kaagad kong nakagat ang aking labi at pagkatapos ay mabilis na niyakap si Auntie Ysabelle. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng bagong kakampi sa pamamagitan niya.

🦊

Loving my Ex-Boyfriend's brother (THE SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon