Chapter 30

225 7 0
                                    

Rykie lewis Cabrera

**

Malalim ang naging pag buntong hininga ko habang paruot-parito ng lakad sa may sala. Isang linggo na ang nakalilipas subalit hindi parin namin nakakausap si Leigh.

'Ano ba yan! Nag aalala na ako!'

"What the heck are you doing, Rykie lewis Cabrera. Hindi ka pa ba naduduling sa ginagawa mo? Kasi ako hilong hilo na kakapanood sa'iyo". Singhal ni Deiwelle habang nakapatong ang mga paa sa mini table. Panay rin ang pagkain niya ng popcorn habang nanonood ng movie.

'Nakakainis siya! Bakit ba parang hindi siya nag aalala para kay Leigh!'

"Bakit ba kasi sa akin ka tumitingin? Ang laki laki na nga ng TV e!". Taas kilay na asik ko.

"Paano ako makakapag focus sa panonood kung diyan ka sa tapat ng Telebisyon nag e-explore? Fifty shades of grey ang pinapanood ko pero parang naging Dora the explorer na dahil sa'iyo". Ngumiwi siya.

"Tch! Kadiri ka talaga eh' ano!? Gusto mo talagang Panoorin yung mga nag chuchukchakan!".

Bahagya siyang tumawa bago kaagad na pinatay iyung pinapanood at mariing tumingin sa akin.

"Can I watch you, then?". Pilyong tanong niya na kaagad ikina pula ng pisngi ko. "Naked?".

"Gàgo ka ba!? E' kung sakalin ko kaya yung buong pagkatao mo!". Mayriing asik ko bago mariing huminga ng malalim. "You fúcking pervert!".

'b-bakit ba ako kinakabahan? Nakakainis!'

"Grabe ka naman.. para nag bibiro lang yung tao eh". Nakangusong aniya bago malakas na tumawa. "You're face is like a tomato, Rykie lewis. Don't tell me.. inisip mo na gagawin ko talaga iyun?".

"You're so fúcking annoying!". Galit na asik ko bago siya malakas na binato ng unan. "Akala mo ba nakakatuwa ka pa, Deiwelle!?

"A-Aww.. Nag bibiro nga lang ako. Sorry na..". Natatawang aniya bago kaagad na hinigit iyung unan na pinanghahampas ko sa Kaniya. Iyan tuloy ay kaagad akong natumba papunta sa mga bisig niya na animoy nakahanda nang saluhin ako. Lalong uminit ang aking pisngi ng tuluyan niya akong masambot at bahagyang ikulong sa mga bisig niya.

"A-Anong ginagawa mo?.". Utal-utal na anas ko bago akmang tatayo subalit mas diniinan niya ang pagkakayakap sa akin. Bale parehas kaming nakahiga sa sofa subalit ako ay bahagyang nakapatong sa kaniya.

"Ganito muna tayo, please?". Bigla ay naging maamo ang kaninang mapag biro niyang tinig. "I miss my girlfriend so fúcking badly..".

Bahagyang lumamlam ang mga mata ko sa tinuran niyang iyun. Ang kaninang kagustuhan kong kumawala sa mga bisig niya ay tuluyang napalitan ng pananabik.

"Lumalampas na tayo sa limit, Deiwelle..". Marahang anas ko bagamat lamang parin sa akin ang kagustuhan manatili.

"Pwede naman sigurong lumampas kahit sandali lang?". Maamong aniya dahilan upang bahagya akong mag angat ng tingin sa kaniya. "I just wanted to feel you.. pwede naman hindi ba?".

Huminga ako ng malalim at hindi na nag salita pa. Naging matahimik ang mga sumunod na segundo, minuto at oras sa pagitan naming dalawa ni Deiwelle. Hinayaan ko siyang yakapin ako mula sa aking likuran Hanggang sa tuluyan kaming makatulog sa salas sa ganoong posisyon.

Kinaumahahan ay sabay kaming pumasok sa West Campus ni Deiwelle. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang kalagayan ni Leigh subalit kaagad rin iyung nawala ng matanaw ko siya na papalapit sa gawi namin ni Deiwelle.

"OMG Leigh! I'm so worried about you..". Bungad na asik ko matapos siyang sunggaban ng isang mahigpit na yakap. "Bakit naman ngayon ka lang nag pakita sa Amin..".

"Hindi ako pinayagan ni Auntie Ysabelle na lumabas ng bahay eh. Masiyadong maraming media ang nakaabang sa labas ng mansyon ng mga Khairuz".

"Sa laki ng eskandalong nangyari noong kaarawan ni Ms Ysabelle Khairuz ay hindi na nakapag tataka iyun. Lalo pa dahil Isa ang mga Khairuz sa may pinaka magandang reputasyon na iniingatan sa industria ng mga High Rank Families". Ani Deiwelle na kaagad kong sinangayunan. "But it doesn't mean na sangayon ako sa mga nangyari, Leigh. If only I have a chance na tangayin ka pauwe that night ay ginawa ko na. Lalo pa dahil alam ko na nasa puder ka ng mga kaaway!".

"Tama siya, Leigh.. kahit ako ay sobrang natakot at nag alala para sa sa'iyo. I know you can handle yourself pero Iba parin kapag mag Isa ka lang at nasa pugad pa ng mga kalaban". Dagdag saad ko matapos kumalas sa pag kakayakap kay Leigh. Pinanood ko siyang malalim na Bumuntong hininga bago kalaunay marahang ngumite.

"I understand.. pasensya na kung pinag alala ko kayong dalawa, Subalit katulad ng sinabi mo Rykie ay kaya ko ang sarili ko.. nasa puder man nila ako o wala..". Kampanteng aniya na pareho naming ikinabuntong hininga ni Deiwelle.

'kung sa bagay ay tama nga naman siya.. Hyss! Pero kahit na! Ang tigas talaga ng Ulo ni Leigh kahit na kailan'

"I think you need to tell that to him". Ani Deiwelle na ang paningin ay deretyang nakatanaw sa papalapit na si Kylix. Bahagya kong nakagat ang labi ko bago mariing bumuntong hininga.

"Sa lahat ng tao ay siya ang higit na nag alala sa'iyo, Leigh". Mahinang anas ko na mariing ikinalunok ni Leigh.

"I know..". Leigh.

Nang tuluyang makalapit si Kylix kay Leigh ay kaagad niya itong niyakap ng mahigpit. Maging ang pangingilid ng mga luha ni Kylix ay nasaksihan ko dulot ng kaniyang labis na emosyon.

'Hysss.. kung alam mo lang kung Papaano niya kami pagalitan ni Deiwelle huhuhuuuu!'

Naiintindihan ko rin naman kung bakit ganun na lamang katindi ang emosyong nararamdaman ni Kylix. Ang totoo ay naiingit ako kay Leigh dahil may Kuya siyang katulad ni Kylix. Isang Kapatid na handa siyang ipagtanggol kahit na kanino at protektahan sa kahit na anong paraan.

Loving my Ex-Boyfriend's brother (THE SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon