Forty-Two
KINABUKASAN AY nagising si David sa malakas na ringtone ng cellphone ni Warren. Rinig niya ang pag-ungol ni Warren na 'tila nagrereklamo ito. Kahit 'rin naman siya ay naiinis na sa tunog dahil sa sobrang lakas 'nun.
"Baby, can you answer the call for me please?" Paos at inaantok na sabi ni Warren.
Nanatiling nakadapa si Warren sa kama at nakatagilid ang mukha sa kanyang unan. Sa direksyon ni David nakatagilid ang mukha ni Warren kaya kitang-kita niya ang nakapikit pa 'rin nitong mga mata.
Mukhang wala pa naman sa wisyo si Warren kaya hindi na nagreklamo si David sa kanyang utos. Saka malapit naman kay David ang nightstand kung saan nakapatong ang cellphone ni Warren.
Akmang aabutin na sana ni David ang cellphone nang pigilan siya ng bisig ni Warren na mahigpit na nakapulupot sa kanyang tiyan.
"Bitaw," simpleng sabi ni David at binalingan ng tingin si Warren na nakapikit pa 'rin.
Lumuwag lang ang pagkakapulupot nito sa kanya pero hindi naalis sa kanyang tiyan ang mga ito.
Para naman tuko ang isang 'to. Napailing nalang si David sa naisip atsaka inabot na nang tuluyan ang cellphone.
Nang makuha ito ni David ay umalis siya sa pagkakahiga at umupo na lamang. Isinandal niya ang kanyang likod sa headboard ng kama. Bumaba kaunti ang nakayakap na bisig ni Warren sa kanya at napunta iyon sa kanyang mga hita.
Tinignan niya ang screen ng cellphone ni Warren at agad nakita ang pangalan ni Omar kaya hindi na siya nagbagal pa at pinindot na ang accept.
"Sir! Thank God, you answered!" Bumungad agad kay David ang boses ni Omar na 'tila nagiginhawaaan ito.
"Kanina ko 'pa kayo kinokontak, sir. Your father was very angry when he didn't see you in your office today. I told him you took the day off, but then he burst out on me, saying why didn't you inform him beforehand."
Sunod-sunod na sumbong ng assistant ng lalaking nasa tabi ni David ngayon. Rinig 'rin ni David ang pagkabalisa at takot sa boses ni Omar, kaya nakakasiguro si David na ito ang sumalo lahat ng galit ni Matthew na para dapat kay Warren.
"Sir, please answer your father's call if he ever calls you. I swear he's on the verge of firing me earlier, para lang makalma ang sarili niya. Buti nalang ay hindi natuloy." Naiiyak na sumbong nito.
Napabuntong-hininga naman si David sa narinig.
Nasa dugo na 'ata ng mga lalaki sa pamilya ni Warren ang mainitin ang ulo at mabilis topakin. Parang itong katabi ko ngayon, nanenermon ng mga inosenteng empleyado kapag nagtatampo sa akin.
"Omar, this is David."
Sandaling tumahimik ang kabilang linya bago narinig ni David uli ang mahinang pagtikhim ni Omar at pagkaklaro ng boses nito.
"Ladrico, why do you have Mr. Summers phon—On second thought, don't even bother answering that question. I already have an idea." Makahulugang sabi ni Omar na nagpangisi lamang kay David.
Buti nagbago yung isip niya, kasi sasabihin ko talaga kung anong ginawa namin ni Warren kagabi.
Wala lang, gusto ko lang pagtripan si Omar.
"I'll tell Warren everything that you said. He's still sleeping. That's why I'm the one who answered your call."
Wow, he already has the privilege to use Mr. Warren's phone. Ayaw na ayaw pa naman 'nun pinapakialaman ang phone niya. Anang Omar sa kanyang isipan habang sumisimsim sa mainit na kape niya.

YOU ARE READING
Bow & Tuxedo (Opposites Attract #1)
RomanceOpposites Attract Series #1 Being the son of one of the richest businessmen in the world was never an easy task for Warren. He always has to be on his toes and always on the lookout for mistakes that could tarnish his father's lovely empire. It was...