YOU WERE THERE

110 11 13
                                        


Two days.. Two days na akong nasa bahay lang. Hindi masyadong masakit ang katawan ko pero nilalagnat pa din ako. Salamat sa mga kaibigan ko na palagi akong dinadalaw para ipag luto at painumin ng gamot. Dito na nga din sila natutulog minsan para masigurong okay lang ako. Tulad ngayon, paglabas ko sa kwarto nakita kong parang mga inanod ng baha ang tatlong lalaki na naka bulagta dito sa salas. Si Francis na nasa couch at hindi maayos ang pagkaka higa. Si Phil na sa sahig naman naka pwesto at si Zim sa center table piniling matulog..
Heheh daig pa mga typhoon victims ih:)

Naisipan kong ipagluto ang 3 abnoy kaya pumunta ako sa kusina. Nagulat naman ako sa nakita ko.
Si Marian sa lamesa natutulog.

Hoy Marian! Uy gising! Dun ka sa kwarto matulog.. Gising ko sa kanya. Agad naman siyang tumayo at tumungo sa kwarto ko.

Garlic rice, fried egg, at tuyo.
Yan ang niluto ko para sa amin. Nagpa init din ako ng tubig para sa kape.
Pare-pareho kaming mahilig sa kape^_^
Naalala ko pa yung kagaguhan namin nung college days..

Flashback

Kate! Pa kape ka naman!! Kantyaw sakin ni kriza.

Ay sorry, wala kami gasul hindi tayo makakapag init ng tubig

E di sa inyo nalang kriza suggestion ni Phil.

Wala din ih. Kung meron kanina ko pa dala ang mahiwagang mug sagot ni Kriza.

Mahiwagang mug.. Malaking mug na pang kape. Tatlong tao pwedeng maghati hati sa kapeng titimplahin mu dun^_____^

Magpa apoy na lang tayo. Diba may di uling na kalan kayo kate? Suggest ni Marian.
Wow kapeng kape kami hahah.

Ubos na uling ih.. Bili na lang kayo uling jan sa tapat.
Sagot ko. Pero nung naka bili na sila, nagka tamaran naman sa pagpapa apoy. Agad naman umilaw ang punding bumbilya sa ulo ko. Haha bihira magamit yan beybe.

TING!! (Tunog nun bulb^_^)

Guys! May patay jan sa kanto. Kilala nyo ba?
Mukang na gets nila yung tanong ko kaya nagmadali kaming lumabas ng bahay at tinungo ang kanto..
Kilala naman namin yun. Nag ambagan kami para sa abuloy. Nakipag kwentuhan naman kami sa pamilya ng namatay habang sarap na sarap sa kape namin. Sumilip sila sa patay. Ako hindi. Takot po talaga ako kasi nag hehello sila sa panaginip ko.

After nun ay nagpa ikot ikot ikot kami sa buong village. Dapat daw kasi mag pagpag. Pamahiin you know:)
At dahil duwag ako, pinilit ko talagang mag pagpag sila. Aba sa bahay ko ang derecho noh!-_-

End..

Nakapag timpla na ako ng kape at naka handa na ang lamesa. Nag hilamos muna ulit ako bago ko sila ginising.
Naka upo na kami sa harap ng lamesa at kita kong tulo laway na ang mga lalaking patay gutom nyahaha^___^

O kaen na tayo^_^ sabi ni Marian.

Hep!! Walang gagamit ng fork and spoon ha. Marian awat muna sa kaartehan at mag kamay ka
Tinatamad po kasi akong mag hugas heheh^__^

Fine-_- heheh masama loob ni Marian.
Aba tuyo at itlog gagamitan mo pa ba ng fork at spoon???

Tahimik kaming kumakain. Walang pansinan. Gutom talaga sila^_^

Natapos kami sa masarap na almusal at sila din ang nag hugas ng mga plato. Baet nila^_______^

Nakaupo ako ngayon sa couch. Katatapos ko lang kasi mag walis. Si Marian naman ang nag mop ng floor. Alam na nila ang gagawin dahil everyday ginagawa ko to at kung sino ang malas na bibisita ng ganun kaaga ay sapilitang tutulong. Hahahahah dapat alam din nila mag linis noh:))

"The rain has stopped
The storm has passed
Look at all colors
Now the sun's here at last
I supposed that you'd be living
But i want you to know
PART OF YOU STAYS WITH ME EVEN AFTER YOU GO"

Kanta yan. Nagpatugtog kasi kami habang naglilinis.
Capitalize lahat yung last part para dama nyo din^_^
Tagos at baon sa puso ko yung last part na yun. Naalala ko siya.
Wala namang araw na hindi.
Bago ko ipikit ang mga mata ko sa gabi at pagmulat sa umaga, siya ang nasa isip ko.
Fresh pa yung nangyari kaya hindi mo maiaalis sa akin na masaktan pa din hanggang ngayon..

Okay lang yan mare. Ako din tagos din sakin yan ih.
Banat ni Marian na sumilay pa kay Phil.
Bet nya po si Phil hahaha.

Thankie mare ha. The best talaga kayo.
Pinipilit ko naman na kalimutan yung nangyari ih. Masyado lang masakit. Paliwanag ko kay marian.

Hindi pinipilit yan mare. Kusang nawawala yan. At si Selene, hinding hindi mo siya makakalimutan kasi once in your life, naging parte siya ng hupao na buhay mo.
Natawa naman ako sa kanya. Seryoso na ih. Naisingit pa yung hupao.
Hupao means rock and roll po.
Nung high school kasi ako, uso yung rock song na hupao lang ang maiintindihan mo.
Hupao! Hu- hupao! Hu-hu-hupao!
Yang ganyan lang. Heheh at mahilig po ako sa rakrakan kaya ayan^__^

Nagpaalam na sila na uuwi na sila. Nagtungo ako sa kwarto at nag isip ng dapat na gawin.

Sa ngayon, hindi ko kayang i delete ang mga messages niya sa phone ko. Aminado naman akong ayaw ko pang mag let go. This is the last time na iisipin ko siya ng ganito katagal.
Na iiyakan at magiging dahilan ng kalungkutan nato.
Pinangako ko sa sarili ko na iba na ako bukas.
Walang kami. Hindi naging kami. Hindi pwedeng maging kami.
FRIENDSHIP, yun lang ang meron kami, sad to say tinapon nya pa.
Sa lahat ng tao sa mundo, ako ang pinaka madaling kausap, Kaya hindi ko ipipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa akin. Hindi ako kayang tanggapin at hindi ako kayang maging KAIBIGAN.

Gusto kong ipaalam sa kanya na kahit ganito ang sinasabi ko, hindi ako galit sa kanya.

HINDI AKO MAGAGALIT SAYO dahil kasalanan ko kung bakit nangyari to. Mag momoveon ako at magbabago para malimutan yung sakit at
HINDI PARA LIMUTIN KA.
Hindi din naman kita makaka limutan dahil sa buong buhay ko,
IKAW LANG ANG NAKA BAGO SA'KIN IN AN INSTANT.

Alam kong marami ka pang makikilala na magiging kaibigan at eventually, mamahalin ka din, hindi mahirap yun dahil totoo ka.
Mag iingat ka sana palagi. And as promised sa gift ko last month if you still remember kung anong meron, and kung binigyang pansin mo yung gift na yun, icecelebrate ko yun kahit
AKO LANG MAG ISA...

Friendsary!! You know!
Kala nyo monthsary heheh.
Guys hindi lang lovers ang pwedeng mag celebrate monthly and yearly noh. ^_____^

==============================

Regine Velasquez/Southern Sons

Version ni regine yung nasa media and this song was originally done by Southern Sons.

May nagbabasa ba? Hahaha
Anywayzzz,,, sana nagugustuhan nyo yung mga songs and the story aswell;)

-k-

myPLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon