Rhian
Is this the so called
"END OF THE WORLD"??
Hahahaha!! Naiba yata ang ihip ng hangin ng indenial lovers natin^_^Si Selene ngayon ang lumalapit at nag ca-claim pa ngayon na gf siya ni kate.
Si kate naman ang pakipot at lumalayo. Anyare???Hinatid ko si Rome sa gate at pag balik ko world war na ang nadatnan ko.
"Ano bang problema mo Selene?!!"
Galit na tanong ni Kate"Wala, masama bang ma miss at dalawin ka?" Selene
"Oh please! Kung ano kelangan mo o pabor na hihingin mo sabihin mo na, hindi yung may nalalaman ka pang miss dyan-_-" kate
"Grabe ka naman sakin! Hindi ba pwedeng ma miss kita?" Selene
Ramdam kong inis na inis na si Kate kaya umepal nako.
"Sweetie chill ka lang. Gusto mo ng juice?"
Pakalma ko kay kate habang pinag sasalin siya ng juice."Sweetie ka dyan, tigil-tigilan mo kaka sweetie mo baka masakal na kita. At orange juice yan, mango fave niya. Kuha na lang ako ng tubig"
Singit ni Selene na agad din umalis para ikuha ng tubig si kate."Hahahaha!!! Oa ka magalit ah.
Bakit ano ka ba niya?"
Mayabang na tanong ko. Sige nga Selene, ano siya sayo???"Girlfriend" derechong sagot ni Selene na inabot kay kate ang dalang tubig.
Naiiling na tinapunan lang siya ni kate ng tingin."Wala ka bang balak umuwi?
8:30 na ah. Nag paalam ka ba sa inyo?" Kate"Kausapin mo muna kasi ako ng matino." Selene
"Maayos tayong nag uusap.
Rhi, gutom na'ko may ulam na ba?" Kate"Oo teka mag hahain lang ako. Selene upo kana sabay ka na sa'min"
Aya ko kay Selene habang nag sasandok ng ulam."Thanks Rhi!" Masayang sagot ni Selene
Natapos ang dinner na kami lang ni Selene ang nag uusap..
Hindi din naman nakatiis si Kate at hinatid na si Selene pauwi.Kate
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari.
Pinaka matinong natatandaan ko e yung nag gm ako at nag yayang mag foodtrip na si Selene lang ang nag reply. After non, wala na, magulo na ang mundo ko.
Ni hindi ko alam kung anong nakain at pumasok sa isip ni Selene kung bakit sinasabi niya ngayon na girlfriend ko siya. Si Rhian naman ay tuwang tuwa sa nalaman niya. Actually, bff na sila ngayon ni Selene."Waaaaaaaah!!! Selene ayoko naaa!!"
Irit ni Rhian. Nanonood sila ng horror movie ngayon. Hindi ko alam kung paano napilit ni Selene na manuod ng ganyan si Rhian."Ahahahahahaha!!! Napaka duwag mo naman. ang laking tao mo takot ka sa multo!"
Pang aasar ni SeleneNatigil ako sa panunuod sa kanilang dalawa ng mag ring ang phone ko.
Si Rome."Hi! Musta? Ngayon? Oo game ako. Sige bye!"
Niyayaya ako ni Rome na mag laro ng badminton.
Past time ko kasi 'to at minsan ko na siyang nayaya sa paglalaro.
Ito rin ang ginagawa ko pag galit ako o kaya ay masama ang loob.Naligo ako kaagad at nagsuot ng komportableng damit. Kinuha ko ang raketa ko at nag susuot na ng rubber shoes ng makita ko ang pares ng paa na nakatayo ngayon sa harap ko. Naka suot din ng rubber shoes. Red.
Dahan dahan kong tinaas ang tingin ko at nagulat ng makilala ko ang taong nag mamay ari ng red rubber shoes.