TATTOED ON MY MIND

38 4 3
                                    

Rhian's

Hi!
I'm Rhian! Friend ni Kate from province. Sinama niya ako dito sa Manila para maka hanap ng trabaho at swerte naman na natanggap agad.
About sa ligaw thingy, alam naman natin na joke lang yun. Ewan ba sa taong yan, kinarir ang katangahan sa babaeng magulo na yon. Oo magulo siya dahil magulo siyang mag isip.
Hello! Kita naman na nagseselos siya that night. Mahirap ba talagang aminin sa sarili na may nararamdaman ka na sa isang tao?
Humanda ka sakin. Mapapa amin din kita. Bwahahahaha!!!

"Hi sweetie! Lunch break ka na? Daanan kita dyan sabay tayo mag lunch" txt ni kate.
Magkatabi lng ang building na pinapasukan naming kumpanya.
Sweet! I wonder., ganito din ba siya kay Selene? Kung oo, sinayang mo ang chance Selene^_^

"Okay sweetie. Same place?"

"Yup! Sunduin kita para sabay na tayo papunta doon" kate

"Naks! Girlfriend lang^_^"

"Urur!" Kate

So, sinundo nga niya ako at sabay kaming pumunta sa restau na malimit naming kainan.
Tahimik kaming kumakain ng maramdaman ko na parang may matang naka tingin sakin.
Hindi nga ako nagkamali. Nagulat lang ako ng makilala ko kung sino siya. Sino pa nga ba? Si Selene. Kasama niya ang officemates niya,dito din pala sila nag lulunch ha? Hmmn inisin ko kaya?^__^

"Sweetie, tikman mo 'to."
Sabay subo ko kay kate ng icecream ko.
Mabuti naman at madali siyang kausap ngayon.

"Anong kalokohan na naman iniisip mo? Medyo nakaka takot yang ngiti mo ih" kate

"Uhm wala naman. Yung mahal mo kasi ang sama ng tingin satin"

Halos mailuwa ko ang kinakain ko sa sobrang tawa sa reaction ni Kate.
Bigla kasi siyang namutla at hindi naituloy ang pag subo ng icecream niya. Para siyang nanigas at dahan dahan sa pag lingon kung saan ang direksyon ni Selene.

"Gago ka Rhian!!"
Inis na bulong ni Kate.
Pero hindi ko siya pinansin. Sa halip ay pinahid ko using my thumb ang icecream na kumalat sa gilid ng lips niya.
Okay,, medyo awkward. Dahil kahit ako, natigilan sa ginawa ko.
To clear everything, hindi ko siya gusto ha. Natutuwa lang ako sa pagiging sweet niya yun lang.

Nang makabawi siya ay agad niyang hinawakan ang thumb ko at pinilipit.
Gagong bata! Masakit ha!

"Is that your way of saying thank you?
Well, you're welcome my dear friend!"

"Rhi,, bakit ba ginagawa mo pa 'to? Okay nako tama na." Kate

"Sinabi ko na diba? I'll help you"

"No need. Kahit anong gawin ko o gawin mo, wala ng magbabago." kate

"Ang tanong, happy ba siya kay Chloe? Kaya mo pang agawin yan. Trust me sweetie"

"Hoy, wag mo kong itulad sa bagong girlfriend ng ex girlfriend mo ha. Marunong akong rumespeto ng relasyon ng iba-_-" kate

"I know! Ang pinupunto ko lang dito, hindi magiging ganyan ang reaction ni Selene kung love nga niya si Chloe" paliwanag ko sakanya.

Hindi na lang siya umimik at sandaling tinapunan ng tingin si Selene.
Nagtama ang mga mata nila at nag titigan. Napansin kong medyo matagal na sila sa ganoong posisyon kaya sinira ko na ang moment nila. Agad na hinila ko siya palabas. Hindi naman maipinta ang muka ni Selene.
Sabi na nga ba at may something din ang babaeng to sa friend ko ih. Masyadong pinapa hirapan si sweetie e bet din naman pala. Mainis ka dyan. Che!!^___^

Selene

Nandito ako sa restau na malimit namin kainan ng mga officemates ko. Masaya kaming kumakain ng mahagip ng mata ko ang dalawang pamilyar na tao.
Hindi nga ako nagkamali. Sila Rhian at Kate.
Psh! Talagang kelangan mag subuan pa ng icecream?! Kaartehan-_-
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Lalo na ngayon na alam kong hindi na sa akin ang buong atensyon ni Kate.
Mas nainis ako ng makita kong pinahid ni Rhian ang gilid ng labi ni Kate na naging dahilan na matagal na titigan nila.

myPLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon