DON'T LOVE YOU NO MORE

63 4 5
                                    

SELENE

Hi! Kamusta ka na?........ Delete
Hi! Gawa mo? Busy ka?.. Delete
Haloo!............................. Delete

Muka akong tanga!!
Mag cocompose ng text message tapos idedelete. Diba ang tanga lang???
Ano ba?!!!! Muka akong ewan!!
Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan itext siya :'(

Natigil lang ako ng mag beep ang phone ko. Natuwa ako ng mabasa ko kung sino ang nag text.

"Haloooo!!!
Nakaka inip na hapon!
Sinong hindi busy? Tara foodtrip!:)"
Ayan ang text ni Kate. Pag sinuswerte ka nga naman!:)))

"Hi! Libre ba yan? Game ako! :)"
Makulit na reply ko.

"Hahaha!! Oo pero ikaw manlilibre, ikaw naka isip nyan ih:)" kate

"Daya!!! Sige na nga pero ako masusunod ha. Kung ano kakainin ko dapat kakainin mo din ^_^"
Ako ang manlilibre kaya ako ang masusunod. At dahil pihikan siya sa pagkain, pahihirapan ko siya hahaha!!

"Sure no problem! Ngayon na ha tomguts nako:)"
Mayabang na sagot niya.

"O siya, kita tayo sa tambayan."
Mayabang!! Tignan natin kung mabusog ka sa ipapa kain ko sayo bwahahaha!!

After 30 minutes, nakarating din sa tambayan, madaming nag titinda dito ng kung anu anong pagkain.

"Pst tagal mo! Parang napaka layo ng bahay mo ah" naka simangot na bati niya sakin. Bakit naman kasi nag tagal ako sa pag pili ng susuotin e sa park lang naman ako pupunta.

"Nandito na ko wag ka na sumimangot"
Sagot ko sakanya at pilit na pinapa smile siya.

"Alam mong ayoko ng pinag hihintay diba?" Kate

"Hindi kita pinag hintay, sinabi ko naman na wala kang mapapala. Ikaw ang nag decide na mag hintay. Pero,, worth the wait naman kasi eto na ko. Ready na^_^"

"Anong pinag sasabi mo dyan???? Pinag tatake ka ba ni Chloe ng drugs???"
Seryosong sagot niya. Nakaka hiya!! Ano bang pumasok sa isip ko at sinabi ko yun!

"Haha wag mo kong intindihin. Medyo nakaka hawa kasi ang ka abnoyan ni Chloe" palusot.com ko, sana gumana!!

"Psh! Tara na gutom na ko -_-
Saan mo nga pala ako balak pakainin? Panay balls ang nakikita ko dito ih" Kate

"Hahahahaha!!! Anung balls???"
Cute! Ano kaya reaction niya pag nalaman niyang eto na mismo ipapakain ko sakanya?

"Balls.. Fishball,squidball,chickenball. Ayan kikiam at kwek kwek. Calamares. Isaw.
Wala nang ibang makakain dito." Kate

"Eto na, dito na mismo. Lahat ng nabanggit mo, ipapa tikim ko sayo^_^"

"Pinag ttripan mo lang ako diba?" Kate

"I'm serious"

"Dinamay mo pa ko sa cravings mo sa streetfoods! Kala mo ba di ko alam na adik ka sa mga yan? Lalo na sa pritong isaw na yan-_-"
Ayy alam niya? Hahah hindi na ko magtataka. Wala naman siyang hindi alam pag tungkol sakin. Crush ako ih! Oh yeah ang yabang ko!! Hahaha!!!

Hinila ko siya papunta sa unang cart. Binigyan ko siya ng stick at paper plate. Tinanggap naman niya at no choice na tumusok sa mga tinda ni manong.

Halos mapuno na ang paper plate na hawak ko kaya tumigil muna ako sa pag kuha. Nilingon ko ang kasama ko at natatawa ko sa laman ng plate niya.

1pc fishball
squidball
Chickenball
Kikiam

"Ano yan???!" Tanong ko sakanya

"Pagkain ano pa ba?!" Taas kilay na sagot niya

myPLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon