KATE
Right after ng shift ko,dumeretso agad ako sa malapit na bar sa office.
Today is my birthday! Thank you Lord for another year pero hindi ako naging masaya sa maghapon na'to.Kaliwa't kanan ang greetings ng mga kaibigan. Message dito, phone call dun. Pero yung pinaka hihintay ko, yung inakala kong maaalala ako, wala pala😢
Pag upo ay agad na nilapitan ako ni Myrna. Waitress dito na naging kaibigan ko na, dahil malimit kami dito.
"Aga natin ah! Happy Birthday nga pala!" Masayang bati sakin ni Myrna
"Thanks! How did you know nga pala?"
"Lasing kana nga kagabi hahaha!! Diba nga kinakantyawan ka ng mga kasama mo kagabi na magpainom ka dahil wala sila ngayon" Myrna
"Talaga ba? ah e nauto ba nila ako?"
"Hahahah!! Oo! Marupok ka ate!" pang iinis ni Myrna
"Haha baliw ka talaga. Sige na pa order na nga lang"
"The usual?" Myrna
"Yes dear"
Agad na umalis sya para kunin ang order ko. Wala pang 10minutes ng bumalik sya dala ang inorder ko. Dahil sa regular customer nga ako dito, hindi na nya kailangan na magtanong pa.
1bucket ng beer at sisig for pulutan ang usual na order ko dito.
"O heto..wala ka bang kasama na mag cecelebrate ng special day mo?" Myrna
"Wala e. Okay lang sanay din naman ako heheh."
"Ang lungkot naman. Sige tatabi na lang ako sayo kapag wala masyadong customer. Magttrabaho muna ako"
Paalam ni Myrna at iniwan na ako.Nagsimula akong uminom ng maagaw ang atensyon ko ng taong kaagaw agaw naman talaga ang atensyon.
Maputi,maganda,long and wavy hair, chinita, and most of all, sexy..
Pumwesto sya sa bakanteng table sa tapat ko. Parang nabigla akong lunukin ang beer na iniinom ko ng magkatitigan kami at tapunan nya ako ng matamis na ngiti.
At dahil friendly na nga ako, gumanti din naman ako ng ngiti."O ate, mukang busog ang mata natin sa tanawin ah" pang aasar ni Myrna
"Siraulo ka talagang bata ka. Teka, sino ba yan? Ngayon ko lang sya nakita dito"
"Ano ka ba, dyan din sya nagttrabaho sa company na pinapasukan mo pero alam ko graveyard ang shift nya. Baka nagpalit na ng sched." Mahabang paliwanag ni Myrna