SOMETIMES

87 8 9
                                    

Kate

Boring!! Walang mapag libangan.
Tinatamad akong mag gm sa barkada. Sino kaya ang nangangailangan ng kasama ngayon???
Naalala ko yung inuman kagabi. Kakawa naman si Zim. Paano ko kaya siya matutulungan?? Alam ko kung gaano kasakit yung nararamdaman niya, lalo na at sobrang mahal niya talaga yung ex nyang yon. Na meet ko na siya at mabait naman. Selosa nga lang. Pati nga ako hindi naka ligtas dun.
Tanda ko pa kung paano namroblema si Zim. Sa isang foodchain siya nag tatrabaho at manager din sa foodchain na yun ang gf nya. Ibang branch nga lang..

Flashback...

Hello! O ano? Ngayon ba? Sige hintayin ko kayo.
Teka maganda ba yan ha?^____^
Wag nyo kalimutan ang pasalubong ko ha^_______^
Tumawag si Zim, pupunta daw siya dito sa bahay kasama ang gf niya, ipapa kilala daw niya sakin.

May nag doorbell kaya dali dali kong binuksan ang gate.
Si Zim kasama ang isang morenang babae. Maganda nga naman^__^

Bhie tara pasok ka. Wag kang mahiya jan sa katulong namin^_^
Hinila ni zim yung gf niya papasok sa bahay ko. Ang kapal lang ng muka noh? At katulong pa ko ha???
Siya na din ang nagpa upo sa bisita niya. Feel at home talaga kaibigan ko.
Naka ngiting nahihiya naman yung gf niya.

Hi! Finally na meet din kita. Ikaw pala si Ana? Ako si Kate kaibigan ako ng baluga mong boyfriend^____^
Pakilala ko sa kanya.

Ahahahaha! Baluga na nga panget pa!! Ah kate pasensiya kana kung medyo makapal ang muka neto ha:)
Naka ngiting sagot naman ni Ana. Pareho naming nilalait ang kawawang boyfriend niya.

Wow ang kapal ng muka!!
O yaya eto pagkain. Sa aso dapat yan e busog pa kaya sayo na lang.
Sabay abot sakin ng pasalubong nila.
2pc chicken, spag, at sundae^__^
Masayang inabot ko naman yon at sinalin sa plato.
Nanunuod kami ng movie ngayon.
Kumakain ako habang sila e naglalampungan habang nanunuod ng tv.

Madam, salamat sa pasalubong ha. Madam nga pala dapat itawag ko sayo kasi manager ka hahah^__^
Alam ko naman na siya ang bumili ng pasalubong at hindi ang magaling kong kaibigan.

Hahah ok lang yan. Yaan mo next time palabok naman. Sabi ni zim paborito mo daw yun ih.
Masayang sagot din niya. Aba okay to! May next time pa! Hahahah.

Nag paalam sila na aalis na dahil manunuod daw sila ng movie sa mall.
Hindi pa nakuntento sa movie dito sa bahay heheh. Hinatid ko naman sila. Mga 3:30 PM nung umalis sila dito.
At syempre dahil walang ibang tinatambayan si Zim, dito din sya dumerecho ng uwi.
Mga 8:30PM nung pumunta siya sa bahay. Nag away daw sila dahil nag selos daw sakin.

Huwaaat? Panong selos e nilamon ko lang yung pasalubong nya? Teka masama yata loob nun. Pag ako nagtae yari sakin yang gf mo
Pinapa tawa ko lang siya. Ang lungkot kasi.

Ewan ko dun. Bakit daw hindi ko sinabi na maganda yung kate. Bakit daw dito ako lagi natambay.
Yamot na sagot ni Zim.

Ahahahaha!!! Zim nasabi mo ba sa kanyang hindi tayo talo?
Natatawang tanong ko.

Oo naman! Alam niya na nagka gf ka na. Nag seselos lang talaga!
Galit pa rin na sabi niya.

Nag ring ang phone ni zim. Ni loudspeak nya yun para marinig ko..

Ano andyan ka na naman?!!
Wala ka bang bahay? Hindi mo ba talaga naisip na nasasaktan ako pag magka sama kayo?!!
Mahabang litanya ni Ana.

Inagaw ko ang phone kay zim at kinausap si Ana pero chill pa din.

Yo! Ana! Kate here^__^
Haha chill ka lang babe ok?
Alam kong maganda ako Pero please lang wag ka nang dumagdag pa.
Hindi lang si zim ang kaibigan kong lalake at lahat ng naging girlfriends nila na nameet ko e pinag selosan din ako.
Chill ka lang dyan hindi kami talo ok?
Baka nga mamaya, ligawan na kita ih.
Pabirong banat ko para mapanatag naman ang kalooban niya.
Nakaka sawang pag selosan ha.

myPLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon