LIKE IM GONNA LOSE YOU

43 5 2
                                    

KATE

After ng biglaang kiss na yon with Charm, medyo nailang kami pareho sa isa't isa.
May mga times na nag kakasalubong kami pero hindi kami nag papansinan.
Oo, alam ko naman na kasalanan ko e.

Off ko ngayon sa work at tulad ng dati, naka tanga pa din ako at walang magawa.

Naisip ko nalang na mag soundtrip habang nagbabasa.
Ganyan ako mainip e hehehe.
Nakita ko ang ilang horoscope magazines na kinokolekta ko yearly kaya yun ang una kong binasa.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa at patapos na din ang pinapa kinggan kong music. Sakto paglipat ko ng page ng binabasa ko ay ang pag umpisa ng bagong kanta

I found myself dreaming

Yun pa lang ang nakakanta ay nag madali na akong patayin yung mp3.
Binuksan ko ang radio at nakinig sa drama sa isang fm station at dahil makulit si pagkaka taon narinig ko ulit yung kanta. This time hinayaan ko na lang muna

So im gonna love you
Like im gonna lose you
Im gonna hold you
Like im saying goodbye

Hindi ko talaga kinayang pakinggan kaya pinatay ko ulit.
Naiinis ako! Naiinis ako kasi pakiramdam ko ako lang ang apektado sa nangyayari. Bakit ba hindi ko na lang kalimutan yung taong walang pakelam sakin?

Nga pala, pareho naming paborito ni Selene ang kantang yon. Sabi nya dati,theme song na lang namin dahil pareho naming paborito.

Kung kayo naman siguro ang makaka rinig non and same situation din baka nga mapa mura pa kayo heheh.

Nag focus na lang ako sa pagbabasa at binuksan naman ang tv this time. Kahit na hindi ako mahilig manuod, binuksan ko dahil ayoko ng tengga lang sa isang ginagawa.

wala pang 20 mins akong nagbabasa nang magpa tugtog ang mabait kong kapitbahay at sa dinami dami ng pwedeng patugtugin, yon din ang narinig ko.
Sa mga oras na yon, gusto kong sabunutan ang sarili ko at iumpog na lang para goodbye torture na.

Ang ending, natapos ako sa pagbabasa kasabay ang pagtatapos din ng kantang ayoko ng marinig.

Pasalamat na lang ako at nakakalimutan ko sya dahil kay Charm pero ngayon hindi kami okay. haaaay!!

Bigla naman ang dating nila Francis, Elaine, Marian at Zim.

"Kate!!!!"

Sabay na sigaw nila habang papalapit sakin para yumakap.

"Miss me??"
Takang tanong ko sa kanila habang bumebeso sa kanila.

"Oo, masyado kang busy e. Hindi na tayo nagkikita kita" Elaine

"pasensya na kayo ah,busy kasi talaga sa work e"

"Busy o pinapatay ang sarili sa trabaho para mawalan ng time mag isip"Marian

"Wow friend! Galing mo ah. Sali ka sa show ni willie panigurado panalo ka. Dami mo alam e"

"Ahahahah gago ka talaga!" Marian

Sila na ang nag handa ng lamesa at nagluto. Ganyan kakapal ang muka nila hehehe.
Sanay na sila na pag tapak sa bahay ko ay parang pag aari na nila lahat. Minsan nga, ako na yung nahihiyang gamitin ang nga gamit ko hahaha!

myPLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon