HAPPY

66 7 12
                                    

Kate

Lunch time at syempre, nandito na naman sa bahay ko ang ampon kong si Zim. Hahah ewan ko ba dito sa taong 'to, kulang na lang e hakutin ang lahat ng gamit niya at dito na tumira sa bahay ko. Aalis lang siya para maligo. After maligo babalik na siya dito para maki kain, maki nuod,at maki tulog...

Zim, hindi na ba mag seselos ang girlfriend mo? Nandito ka na naman, e okay na kayo.
Tanong ko sa kanya habang nag sasandok ng kanin namin.

Hindi na.. Ikaw na nga ang tumulong sa amin ano pa pag seselosan niya?
Sagot niya habang nag aayos naman ng lamesa.

Oo nga pala, nalimutan ko, bili ka muna ng juice dyan sa tapat.
Utos ko sa kanya habang nag hahain.

Anong flavor? Ayon pa din ba?
Tanong niya.

Oo, bilisan mo ha.
Sagot ko..
Nakapag hain na ako at naihanda na ang gagamitin para sa pag titimpla ng juice pero wala pa siya. Sa tapat lang naman ang tindahan kaya pinuntahan ko na siya.

Hoy, bakit ang tagal mo naman? Juice lang bibilhin mo aabutin ka pa ng dinner dito.
Inip na sermon ko sa kanya.

Aba! Wag ako pagalitan mo. Yang tinderang hitad na yan. Napaka bagal kumilos. Text ng text. Bingi pa!
Sagot niya na halatang inis na sa tindera.
Turn na niya para pag bentahan.

O ikaw! Anong sa'yo?!
Masungit na tanong ng tindera.

Tang po. Yung mango
Magalang na sagot niya. Nice mango, english!! Heheh

Ha? Ano?
Mataray na sagot ng tindera habang nag tetext. Aba matinde si ate, tumeteksmeyt!!

Tang manga!!
Ayan na ginalit na si Zim. Yari ka ate!

Ano?!! Madami kaming tang dito! Anong flavor ba?!!!
Aba nag tataray talaga si ate. Lakas maka Cherie Gil ng taray pero Diego muka hahah.

Yung ina meron??!!!
Seryosong sagot ni Zim. Hindi ko napigil ang sarili ko at napa tawa ng malakas. Lokong zim talaga to.

Ano?!!!
Ayaw paawat pa rin sa katarayan si ate.

Yung tang ina meron ba kayo? Kanina ka pa eh! English, tagalog hirap ka umintindi. Gutom na ko! Juice lang pinunta ko dito pahirapan pa dahil ang hirap mo kausap!
Natatawang inaawat ko na lang si zim dahil naaawa ako kay ate. Madaming nabili at pinagtatawanan talaga yung mataray na tindera.

Ah ate, tang manga po. Tsaka pala yelo. May yelo po ba kayo?
Matinong tanong ko kay ate. Pero kahit yata ako trip niya.

Madami!!! Ilan?!!!!
Masungit ulit na tanong niya.

Gago yan tol kanina pa yan. Pepektusan ko lalamunan niyan!
Inis na sabi ni zim.

Isa lang po.
Kalmadong sagot ko.

Ano ba yan! Isa lang pala lintik magalit yang kasama mo!
Sagot pa ng tindera.

Dalawa na!!
Sigaw na sabat ni Zim.

Bumalik ang tindera dala ang dalawang yelo.
Inabot ni Zim ang bayad at kinuha ang isang yelo.

Oh akala ko ba dalawa?!!!
Badtrip na tanong niya.

Ikaw naman 'di na mabiro!
Sabay hila sa'kin ni Zim pauwi.

Ayan ang sungit kasi ih. Napag tripan tuloy:)

Tinimpla niya ang juice at tahimik na kumain na kami.
After kumain ay hinugasan niya ang pinag kainan namin.
Matapos niyang hugasan ang mga plato ay binuksan naman niya ang tv, humiga sa couch at nanood hanggang sa makatulog na.

myPLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon