NEW THANG

52 6 5
                                    

Kate

Muntik na ako doon! Langyang babae yun! Sabi ko comfy hindi pampa ulul!

Flashback...

Soundtrip habang nag lalaro ng basketball.
I was about to throw my last ball na nang maramdaman ko na parang may naka tingin. So what i did is look at the entrance and then i saw her.
Wala sa loob ko na naibato ko ang bola..
Lumapit siya sa'kin pero parang slow motion lahat ng nangyayari. Mabagal ang paglapit niya sa akin kasabay ang bigay ng isang napaka tamis na ngiti. Habang papalapit siya ay hindi naman paawat ang puso ko sa bilis at lakas ng tibok. Ganito palagi ang makulit na si hearty everytime na ka text, kausap sa phone, at malapit sya sa'kin. Parang nanlambot ako sa ngiting 'yon. May sinasabi siya pero hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung bakit parang biglang lumakas ang volume ng phone ko at yung kanta na lang ang naririnig ko.

"You set it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark
And i'm in love and i'm terrified
For the first time and the last time
In my only life."

Oh my!! Am i dreaming??
Please don't wake me up!

Whew!! Ang ganda niya kahit napaka simple lang ng suot niya.
White printed shirt, maong shorty shorts, and rubber shoes.
Naka ipit ang long black hair niya.
At nadako ang mata ko sa lips niya. Wala sa sarili na binasa ko ang labi ko. Feeling ko natuyo na. Kasi naman, masyadong inviting ang kissable lips niya.
Parang gusto kong lumaklak ng isang galon ng tubig.
Why so hot baby??!

"Ehem! Done checking me out?"
Yeah right! Maiiwasan ba?
E sa ang hot nya ih.

Natauhan ako sa sinabi niya at biglang balik lahat sa normal..

End

Habang nasa byahe ay panay naman ang text ko sa barkada. Sila kasi ang nag aayos ng foods. Alam naman natin na medyo may kamahalan ang pagkain don so nagluto na lang kami. Tsaka kasama namin ang friends niya kaya marami kami.

"Oist guys ano ready na ba kayo dyan? Malapit na kami"
Text ko sa kanila.

"Oo okay na lahat. Naka bili na din kami ng tickets. Kayo na lang ang kulang."
Sagot ni Francis.

Pina piringan ko na si Selene sa mga kaibigan niya at pina alalayan sa pagbaba.
Nang masiguro namin na okay na siya ay iniwan na namin siya at nagtago.
Si Elaine ang naka assign sa picture so siya ang photographer.
Natawa ako dahil ang makulit na si Selene ay nakuha pang mag pose. Talaga naman!:)

After ng picture na 'yon ay sinama siya ni Elaine sa Entrance ng park at binigay ang ticket niya. Maayos na naka pasok naman sila at sumunod ako na hindi nagpapa halata..
Sige lang ng pagkuha ng picture si Elaine habang ang apat na kaibigan niya ay iniwan muna namin sa van kasama ng ilang friends ko para kumain.
Nag text ang friends niya na okay na sila at ready na sa 2nd surprise. Nag text ako kay Elaine na dalhin siya sa RIO GRANDE. Basaan 'to beybe!:)
Naabutan nilang naka pila doon sila James at Skye. Again, piniringan ulit nila si Selene.

"Hoy grabe naman kayo! Don't tell me pasasakayin nyo ako dyan ng naka blindfold???!"
Reklamo ni Selene.
Sila na ang next na sasakay. Naunang umupo sila Chloe at Sophia kasunod naman sila Selene,Skye, at James.
Nang masiguro ng ride attendant na okay at safe na sila ay tinulak na ang malaking salbabida na sinasakyan nila.
Tinanggal naman ni James ang blindfold ni Selene habang mabagal pa ang takbo.

"Happy Birthday!!!"
Masayang bati nila Chloe at Sophia
Kita ang pagka gulat at saya sa mga mata ni Selene.
Masaya ako na happy siya ngayong special day niya.

myPLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon